Kasukdulan ng lamig bumalot sa katawan,
Nagbabagang init na dama ng laman
Isang bagay na di pinag-isipan
Ng makitid na utak na di mapagsabihan.
Nagliliyab na sandali na dulot ng init
Pakiramdam nila'y narating na ang langit
Nawaksi ang ginaw na kanilang nadarama
Ni ayaw paawat sa kanilang pagsasaya.
Ngunit ang init ay nagbunga
Ngayon, higit pa sa polusyon ang problema
Sa kadahilanang sila'y hindi pa handa
Anong mangyayari sa kawawang bata?
Nais nilang kitilin ang bunga ng sarap
Matapos ito buuin ng pawis, dugo't hirap
Walang muwang ang nilalang sa'yong sinapupunan
Panindigan mo! Bunga yan ng inyong kapusukan.
Iyang bungang yan ang mag-aahon sayo
Ang sasagip sa buhay mong mala-impyerno
Huwag planuhin na iya'y pigilin
Huwag mong hintayin na ika'y singilin.
Paano kung isang bayani ang bunga?
Sino ang magtatanggol sa masa?
Naisip mo bang maari syang maging pinuno?
Upang pamunuan ang nasyong nagdurugo.
Ngayon, magisip-isip ka ng mabuti
Dahil laging nasa huli ang pagsisisi
Paano kung ako ang maging bunga
Sino ang magsusulat ng aking mga akda?
![](https://img.wattpad.com/cover/41904856-288-k0506ff.jpg)