Tadhana ay sadyang mapagbiro
Pag-ibig ay sadyang mapaglaro
Bagaman kaakibat nito'y katotohanan
Na ang bawat kwento ay may katapusan
Nawa'y huwag mong makalimutan
Na may isang yugto na kay sarap balikan
Iyon ay ang makilala ka
At umibig sayo ng di sinasadya
Itaga mo sa bato, MAHAL KITA
Bumalik ka man o hindi, maiintindihan kita
Mananalatay sa puso't diwa ko
Na ikaw ang gumuhit ng ngiti sa labi ko
***Inspired**** :)
