Ala-ala

18 0 1
                                    



Kay sarap naman isipin na sa tuwing uuwi ako

May isang lalaki na naghihintay sa pagdating ko

Ginagawa ang lahat upang pagod ay mawala

Pinapasaya ako kahit hanggang sa paghiga.



Di man sya kagwapuhan at di boto pamilya ko

Hindi nya ako iniwan at di rin sya sumuko

Pinaglaban ang pag-ibig, nanindigan sa pangako

Pinaglaban ang lahat, tinupad at hindi napako.



Masasabi kong ang swerte ko dahil sya'y natagpuan

Ang lalaking katulad nya kahit sa mundo'y hinusgahan

Pinagpipilitan ng mga tao na di raw tayo bagay

Hindi mo sila pinansin at di ka rin nakipag-away.



Kapag papasok sa trabaho, gigising ng maaga

Sa pagbangon kadalasan ikaw ay pa nauuna

Upang mapaghandaan lamang ang pag-alis ko

Hatid-sundo mo rin ako hanggang sa may kanto.



Kaya lubos kitang minamahal dahil sa ugali mo

Ubod ka ng bait kahit na minsa'y ginago ko

Pero nagbago ang lahat ng dahil yan sayo

Dahil sa walang hanggang pagmamahal na alay mo.



Alas onse ng gabi, ako'y pauwi't naglalakad

Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya sayo'y natext agad

Upang kumustahin at siguraduhing okey ka

Ngunit di ka nagreply kaya't ako'y nag-alala.



At may tumawag sakin pagtingin ko ay ikaw

Sinagot ko ang telepono ngunit ang boses di ikaw

Iba ang kausap ko kaya tinanong ko kung sino sya

Sabi nya "doktor ako, ikaw ba ang asawa nya?"



Nagtaka ako kung bakit sya ang sumagot

Sagot nya "wala na sya" ngunit meron syang nadampot

Isang regalo at may nakalagay 'Para sa Mahal ko'

HAPPY ANNIVERSARY, MAHAL PARA SAYO ITO.



Ang kwento saakin ng nakakita sa pangyayari

"Hinihintay ka nya sa kanto bandang alas nuwebe

Ngunit may mga halang na kaluluwa, pinagtripan sya

Pinilit nya namang lumaban kahit hirap na hirap na"



Habang sinasaktan sya na parang isang aso

Hawak-hawak pa rin ang binili nyang regalo

At bago naputol ang paisa-isa nyang paghinga,

Sabi "Diyos ko, huwag mo syang pababayaan, pwede ba?"



Nabalot ang mundo ko ng luha, pighati at nais ko magwala

Kung pwede lang mabili ang buhay, akin na sanang ginawa

Maibalik ko lang buhay nya, maghintay man ako ng matagal

Kahit ikamatay ko pa yan, gagawin ko para lang sayo mahal.



Hindi man natagal ang pagsasama natin dito sa mundo

Sa kabilang buhay hintayin mo ako at magsasama tayo

Kaya kahit nasaan ka man ngayon aking mahal

Umasa ka na dito sa puso ko di ka matatanggal.


Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon