Ako'y Maghihintay

17 1 0
                                    


Ako'y maghihintay kahit gaano pa yan katagal

Titiisin ko ang lahat para lamang sayo, mahal

Hindi ako mahihiya at sasabihin kong lahat

Nararamdaman ko sayo handa kong ipagtapat.


Hangga't ako'y nabubuhay sa mundong ibabaw

Sa Panginoon, pangalan mo'y lagi kong isisigaw

Ang matupad ang matagal ko ng pangarap

Na makayakap ka at makasama ko sa hirap.


Ang buhay ko'y maginhawa at puno ng kulay

At dahil sayo ngiti ko'y biglang sumilay

Bawat luha'y pipigilin ko na pumatak sayong mata

Tatanggalin ko ang pighati at kirot na nadarama.


Sa mga sandaling ako'y nakatingin sa malayo

Natatanaw ko ang mga mata mong mapanuyo

At ang isipan ko ay bumabalik sa nagdaan

Nakatambay sa pag-ibig na mahirap pakawalan.


Bumabalik sa lugar kung saan tayo nagkakilala

Hindi na mawala saakin ang iyong ala-ala

Para akong buang tulala at nakangiti

Habang naiisip ko ang iyong mga kiliti.


Ang mga ngiti mo saakin ay nagpapasaya

Sa mga panahon at sandaling kasama ka pa

Sana malaman mo sinta na ako'y naghihintay

Ikaw lang ang mahal habang ako ay nabubuhay.


Sa dinami-dami ng mga tanong dito sa'king puso

Kung bakit ikaw ang tinuturo ng kamay at nguso

At kahit na itanggi ko na hindi kita mahal

Ang pangalan mo laging kasama sa mga dasal.


Sa tagal ng pagsasama natin, di ko alam kung bakit

Naramdaman ko nalang na para bang ako'y naakit

Ang puso ko na dati'y kaibigan lang ang tingin

Pero ng matitigan ka, gusto na kitang angkinin.


Gulong-gulo na ang isipan, di alam ang gagawin

Kung pwede lang sa templo ika'y agad na dadalhin

At sasabihin ng tapat ang pagmamahal ko sa iyo

Pinapangarap ko noon pa man na ikasal sayo.


Hindi ako mapakali pag nasa isip kita

Laging naaalala ang panahong tayo'y nagkikita

Ngunit ng lumisan ka, ako'y nawalan ng langit

Sobrang hirap pag wala ka, ramdam ko ang sakit.


Ikaw ang aking swerte at pinagkukunan ng lakas

Ang mundo ko'y kinukulayan mo ang madalas

Kapag nakikita kasi kita para kang bahaghari

Kaya ikaw ang tanging hiling sa'ting habag na HARI.


Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon