Noong una kitang makita,
Laglag talaga ang aking panga
Para ka ngang si Maria Clara
Kaso sa patay-sindi tumitira.
Sino ba ang hindi magugustuhan ito
Maganda, seksi at makinis ito
Langya! Natotomboy na ata ako
Anak ng butiki! Pare iligtas mo ako.
Pag-sulyap sakanya akin ng nagawa
Ang sarap tanawin at di nakakasawa
Tanaw ang ganda mula ulo hanggang paa
Litaw sa katabi nitong mukha namang sanga.
Katawan nito'y halos wala ng saplot
Na pinagpipyestahan ng mga lalaking salot
Ika'y ginagahasa ng kanilang paningin
Ipaglaban! Kaligayahan nila'y dapat putulin!
Sya ang pagkain ng lalaki tuwing gabi
Pagkatapos ng sayaw, sya nama'y itatabi
Sa umaga'y Maria Clara, sa gabi'y Magdalena
Kawawang babae, sa kama'y nakakadena.
Hindi naman kita hinuhusgahan
Babae din ako na may kahinaan
Iahon mo ang sarili mula sa dumi
Magbago ka kasi di pa naman huli.
-----------------------------------------------
This day is really annoying! Apektado pati pagfunction ng utak ko kaya kung anu-ano ang nagbubuo na hindi naman dapat pwede. Pero since tapos na, ayan, pagtiyagaan nyo nalang. :D