Akin ng ikakaway
Ang kinang ng tagumpay
Akin ng ilalahad
Ang bunga ng aking pagbibilad.
Kikitilin kita gamit ang titik
Lulunurin ka sa plumang may halik
Ililibing kita sa papel ng makata
At ibabaon kita sa bawat pahina.
Hindi ako papayag na ika'y magwagi
Sa sandata kong titik ika'y mawawaksi
Ang abakada ang sayo'y magpapaalala
Na ako ang binhi sa katagang 'makata'.
Ika'y mahuhulog sa aking patibong
Talas ng titik ang sayo'y bubulong
Titik na tatarak sa puso't isip mo
Talento ni Rizal minana ng utak ko.
Sandatang mapurol, wag mong ipilit
Manlulumo ka lang 'pag umapaw ang galit
Sandatang titik na naglilitas saakin
Sa tulad mong di marunong manalamin.