IKAW

11 0 0
                                        



Magmula ng maranasan kong lokohin at iwanan

Ng isang lalaki na tanging inibig ng lubusan

Tila ba ayaw ko ng gumising pa kinabukasan

Upang tuluyan ng matapos ang buhay ng kabiguan.



Sa ilang taong pagluha ng aking mga mata

Na nakuha sa mga pagdurusang nadama

Nang iniwang mag-isa ng tangi kong minamahal

Naisipan ko ngang magtali't magpatiwakal.



Ngunit may bukas pa pala na saakin nagaabang

Na syang magbibigay tamis sa pag-ibig na kay tabang

Ikaw ang nagsilbing daan upang mahanap ang sagot

Sa puso kong nagdurugo ikaw ang nagsilbing gamot.



Ni di ko inasahan na ikaw ay masisilayan

Ang taglay mong katangian nagsilbi na kasagutan

Upang limutin ang sakit at tuluyan ng itapon

Ang hapdi ng sugat na iniwan saakin ng kahapon.



Akala ko'y wala ng lunas ang sakit sa puso noon

At sa aking pagkadapa ay hindi na makakabangon

Ngunit nagkaroon ng pag-asa't panibagong bukas

Nang dumating ka at paghihirap ko'y nagwakas.



Naramdaman ko saiyo ang tunay na pagmamahal

Ang tunay na pag-ibig na hinanap ng kay tagal

Mga dalangin ko mahal ikaw ang tanging nakamit

Sa puso kong hubad ikaw ang nagsilbing damit.



Ang mga poot na naranasan at sakit na nadama

Nalimot ko lahat ng yan buhat ng makilala ka

Pinalitan mo ng ligaya nadama kong pighati

Ikaw ang nagbukas sa puso upang magmahal muli.



Ang nagpadama saakin ng wagas na pagsinta

Yun ay ikaw at yan ang dahilan ng aking mga tula

Ang iyong pagmamahal ang syang nagbigay linaw

Sa mga tanong na kung sisikat pa ba ang araw.



At salamat at ikaw ang nagsilbing kaliwanagan

Magmula ng hagkan mo ang puso ko't ito'y alayan

Ng tunay na pag-ibig na kay tagal ko ng pangarap

At ikaw ang tumupad at nagbigay ng mga yakap.



At ngayon kapiling ka, di na ako muli luluha pa

Ikaw ang dahilan upang muli akong lumigaya

Ako ay para sayo at ikaw ay para sakin

Sana di na magbago ang pag-ibig mo kay 'Jasmin'.



Ikaw ang sagot sa panalangin ko nung una pa

Isang katuparan ng pangarap ngayong kasama na kita

Malaking himala ang pagdating mo sa aking buhay

Pinaningning ang mga tala sa mata kong dating mapungay.



Noon ay nangangarap sa sagad niyang pag-ibig

Sa piling ng dati kong mahal na sa iba lagi nakatitig

Ng marinig ang iyong tinig biglang nagbago ang lahat

Ang pagkatao kong di na maahon ikaw ang nag-angat.



Lahat ng nadama ko noon ay hindi na naulit

Dahil minahal mo ang tulad ko na hindi mo pinilit

Kahit alam mo na hindi ako perpekto

Hindi mo yun inisip at di rin nagpa-apekto.



Di na mahinto ang ligaya pag magkasama tayo

Higit pa sa kung ano ang saya pag nasa langit tayo

Ikaw ang tanging lalaking gusto kong pakasalan

At maging ama ng apat kong anak sa kinabukasan.

--------------------------------------------------------------------

*Walang basagan ng trip, yan naisip kong ending eh. Haha.***


Hitik sa TitikMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon