~18~
"Ano'ng ginagawa mo dito?" galit na bungad agad ni K kay Gabbey nang pagbuksan siya nito ng gate.
Hindi pinansin ng binata ang pasaring ni K.
Ilang araw matapos ang insidenteng pagpapanggap nila ni Cheska ay inabot naman ng ilang linggong pamimilit niya kay Louie na makipagkita dito upang makapagpaliwanag. Na sa tingin niya ay napunta lang din sa wala. Ni hindi niya nasabi kay Louie ang mga bagay na gusto niyang sabihin. Bigla siyang nanghina at tuluyan ng natameme nang komprontahin siya nito. He confronted J and asked him for help ngunit nagsuntukan na sila't lahat ng kaibigan ay wala pa din itong planong tulungan siya. J still believes that everything's for the best.
Kaya sigurado si Gabbey na nakarating na kay K at maging sa dalawa pang pinsang nitong lalaki ang nangyari. Hindi niya na ipinagtaka kung bakit sa dami ng mga kawaksi ay ito pa mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. But he doesn't care. Hindi iyon ang ipinunta niya.
Pero katulad ng inaasahan, hindi siya pinapasok ni K ng gate. Iniharang nito ang katawan sa siwang ng pintuan habang sinalubong ang mga titig niya.
"Gusto kong makausap si Louie," kalmadong saad niya dito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng kausap sa sinabi niya.
"Isn't it a bit too late for that?" saad nito pagkatapos lumabas ng gate. Doon pa din ito pumuwesto sa likod ng pintuan na tila anumang sandali ay handang salakayin si Gabbey sakaling maisipan nitong salisihan ang kausap.
"What do you mean by that?" balik-tanong niya kay K na hindi na din napigilan ang mapakunot-noo. May mali sa klase ng pagkakasabi nito at hindi mawari ng binata kung ano.
A silent rich family who lives a humble life as quoted on one of the famous business magazines, the members of the Rodriguez clan are also known for their towering height. Lalong lalo na sa mga kalalakihan sa pamilya. A height that's enough to intimidate people. Maging si Louie ay matangkad din para sa isang babae. At katulad nina J, Justin at Kurt, nasa dugo din ni K Rodriguez San Buenaventura iyon. Sa tindig nito, halos magkasingtangkad na sila sa height ni Gabbey na 6'2". And K was obviously using his frame to show him that.
But Gabbey's not intimidated at all. Nor was he afraid of him being a Rodriguez.
"C'mon, man. Pagkatapos ng ginawa mo kay Louie, may mukha ka pa talagang ihaharap dito?" tiim-bagang sumbat ni K na mas lalo lang ding ikinaigting ng mga laman ng binata.
"I just hope na tama ang lahat ng pagkakaintindi mo sa sitwasyon K."
Ayaw na niyang mas palakihin ang sitwasyon. That's the least thing he has in mind now, ang mas lalong magkagulo. Kung ano man ang sinabi ni J dito, wala na rin siyang pakialam. Huli na rin niyang napagtanto ang pagkakamaling makipagsabwatan sa matalik na kaibigan. At ayaw niyang pairalin ang galit ngayon. He came here in peace. Gusto niya lang makausap si Louie sa huling pagkakataon.
Kahit sa huling sandali lamang.
"Tarantado ka pala eh! Ano'ng gusto mong palabasin ngayon?" galit na saad ni K at akmang kukwelyuhan si Gabbey nang mabilis na pumagitna sina Justin at Kurt.
"Umalis ka na, Aidan," saad ni Justin. "Umalis ka na bago pa may mangyari sayo dito," dagdag pa nito habang pigil pigil pa din si K na mukhang hindi na talaga paaawat.
"Please, Just. I just need to talk to her," pakiusap niya dito.
"Ayaw ka niyang kausapin," saad naman ni Kurt.
Umiling siya. "Hindi ako aalis ng hindi ko nakakausap si Louie."
"Papatulan ko na talaga yan," muling saad ni K na muling nagpumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...