7

5.3K 106 28
                                        

~7~

 

30 minutes before midnight

Cheska felt pathetic of herself. Kanina pa tapos ang birthday niya. Dahil lunch time ang handaan ay nakauwi na ang karamihan sa mga bisita around three in the afternoon. Some of her high school friends and neighbors including Gelo ay nagstay pa hanggang hapunan— where she can say na bahagyang umukopa pansamantala ng utak niya na huwag isipin si Gabbey at ang mortal sin nitong kinalimutan ang birthday ng kaisa-isang best friend.

It hurts like hell. Habang kanina pang alas nueve niya pinipilit na ipikit ang mga mata, but she couldn't. And she did not know why. Naiinis siya sa sarili. It was so unfair that she's suffering this pain while he, on the other hand, was ecstatic with his girlfriend Mira.

Well, for the record Cheska, hindi alam ni Gabbey ang feelings mo.

She sighed at the thought.

Her parents knew that she was down dahil hindi man lamang naalala ni Gabbey ang kaarawan niya. Sinubukan nilang pagaanin ang nararamdaman niya kanina, saying na baka may importante lang na nangyari. But guessed it just worsened what she felt.

Pagkatapos niyang makausap si J at malamang magka-birthday pala sila ng girlfriend nito ay parang gusto niyang sumigaw. Naaawa siya sa sarili kanina nang maglakas loob siyang kainin ang pride at magtanong kay J tungkol kay Gabbey. Parang sinampal siya ng malakas na malakas pero hindi siya nasasaktan physically.

It's a lot worse than the physical pain.

Nang matapos ang pag-uusap nila ni J which she assumed that he was kind of not in good mood himself nang sagutin ang tawag niya. Tila gusto niyang sabunutan ang sarili o ibunggo nang malakas sa pader ang ulo niya para kahit pansamantala ay ma-divert ang sakit na nararamdaman. But she knew that after that, it will still be the same. She's hurt as hell, just the same.

Nagpakawala siya ng impit na hagulgol at agad na tinakpan ang bibig upang huwag makagawa ng ingay ang pag-iyak habang hinahayaan niyang tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

She went downstairs around 11 at according sa wristwatch niya ay halos tatlumpong minuto na siyang ngumunguyngoy sa swing set sa bakuran nila.

She tried to avoid the view of the tree house pero masyadong malaki iyon para magpanggap siyang non-existent kaya pinukol niya na lang ng masamang tingin iyon. She was about to check her phone— hoping against hope for a miracle because it was still her birthday— when it rang.

Halos mapatalon siya sa gulat nang makita ang nakaregistrong pangalan sa cellphone niya.

 

Gabbey calling...

She automatically clicked the answer button, but did not utter a word considering na alam niyang pipiyok lang ang boses. Nagpasya siyang maunang magsalita ito.

"Kah, happy birthday!" agad na saad ni Gabbey.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon