14

3.2K 115 54
                                    

~14~ 

Kasabay ng marahang pagdama ng gilid ng labi ay tumiim lamang ang anyo ni Gabbey habang nakatingin sa matalik na kaibigan.

He came face to face with J, a mask of betrayal was written all over his friend's face. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding galit. Ang klase ng galit na una niyang nakita noong sumbatan din siya nito sapagkat napang-initan si Louie ni Allison at siya din ang itinurong dahilan.

I get it J, you're too overprotective with Louie, he swallowed at the thought.

Saglit na pumasok din sa isip ng binata ang ginawa ng kaibigan sa kababatang si Cheska, ngunit sa huli'y pinigilan niya ang sarili na sabayan ang init ng ulo ni J. Kaya naman imbes na patulan ito, inabot niya ang pintuan ng driver's seat at tuloy-tuloy na pumasok doon.

"Sa ibang lugar natin pag-usapan 'to. Huwag dito."

Hindi na niya nilingon pa ang kaibigan dahil ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman na din niya ang pagbukas ng passenger's seat. Mabilis naman na pinaandar ni Gabbey ang makina at tinungo ang mansyon nila.

Pagkababa na pagkababa ng dalawa sa ay dire-diretso nilang tinungo ang hardin sa pool side na nasa likod ng mansyon ng mga Villasis.

"Señorito Gab—"

"Okay lang ho kami dito manang. Iwan niyo na lang muna kami. Pakisarado na lang ng sliding door," magalang na putol ni Gabbey sa matandang kasambahay na agad namang sumunod sa pakiusap ng binata.

Hinintay lang ng dalawa na tuluyang makaalis ito bago hinarap ang isa't isa. Nakatayo si J at nakahalukipkip. Nasa itsura ang pagkainip habang naghihintay ng eksplinasyon ng binata. Sa isang metro na pagitan ng dalawa, halatang anumang sandali ay tila magkakaroon ng matinding pagsasagutan na magaganap.

Dala ng biglang pagsakit ng ulo at hindi alam kung ano ang unang sasabihin, saglit na napapikit ng mga mata si Gabbey kasabay ng paghawak sa sentido. Taas baba ang dibdib niya sa pagpipilit na pakalmahin ang sarili. Nang maramdamang bahagya ng humupa ang inis sa kaibigan ay saka pa lamang niya inangat ang tingin dito.

"You know what's the problem with you J?" mahinahong simula niya. "Masyadong mainitin ang ulo mo eh. Kung gaano ka ka-open-minded sa ibang bagay, siya namang kinakitid ng isip mo tuwing si Louie ang involved."

"Are you—"

"Let me finish first," putol niya at bahagyang itinaas ang isang kamay sa ere. "You want to hear the truth, di ba? Let's start from you."

Nakita ni Gabbey kung paanong naggalawan ang mga muscles sa mukha ni J sa pagpipigil.

"Go on."

"Dude, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pisikalan. Ayoko sanang isumbat 'to, pero saan napunta ang lampas isang dekadang pagkakaibigan natin kung hindi mo man lang muna ako binigyan ng benefit of the doubt?" saglit pang isinuklay ng binata ang isang kamay sa ulo.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon