~4~
He was in his fourth year high school when he had his first girlfriend.
Miradette San Miguel.
She has a huge crush on him. She gave him a letter confessing her feelings. Hindi niya maikakailang natuwa siya sa natuklasan. Because he's attracted to her too. Matagal na siyang may pagtingin kay Mira. Crush na niya ito ever since he reached puberty stage of fourteen where all boys like him were busy admiring pretty girls like Mira. Who didn't gain her popularity academically, but also because isa siya sa may magagandang mukha sa kanilang batch. Lagi niya itong nakikita sa mga public speaking contests katulad ng debate, extemporaneous speaking, oration at maging declamation. She's also a managing editor of their school paper.
Hindi niya inakalang may katugon din ang pagtingin niya dito kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. He told her that he likes her too. She was astonished when he came to their classroom and looked for her. Right there, in front of her classmates, he told her that he's going to court her. Ang totoo niyan ay ilang araw din muna siyang ipinagtulakan ng mga kaibigan niya sa pangunguna nina Mark at J. Isa pang maloko si Mark sa mga teammates niya. Point guard nila ito. Masyado na daw siyang maswerte kaya huwag na daw siyang magpatumpik-tumpik pa dahil baka mausog pa daw si Mira.
"Ligawan mo na dude! Si Mira yan, not just any other girls. Baka ginto na, naging bato pa. Ikaw rin," pagtutulak sa kanya ni Mark.
"Sinabi mo pa. Kahit nga di na manligaw eh, halata namang malaki ang pagkagusto sa kanya ni Mira," natatawa namang dagdag ni J.
Hindi siya kumibo sa mga ito, but he thought about it that same night.
And he was thankful na sinunod niya ang pagtutulak ng mga ito. Pagkatapos ng isang linggo panliligaw ay sinagot siya ni Mira. Na kung tutuusin ay sinabihan na siya nito na hindi na kailangan. Because the feeling's mutual.
It was one of the happiest days of his life. Naging mas inspirado siya sa pagpasok sa eskwela. Nababawasan man ang pagsama niya lately sa mga kaibigan ay naiintindihan naman daw ng mga ito. Ang importante ay masaya siya sa relasyon nila ng kasintahan.
They were like a celebrity couple in school. Dahil kung tutuusin ay pareho naman silang sikat ni Mira sa magkaibang paraan.
"Baby!"
Hindi na kailangang lumingon ni Gabbey para hindi malaman kung sino ang tumatawag. It was their endearment.
Nakangiting nilingon niya ang nobya. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit sa boy's locker room. Kakatapos lang nilang magpractice ng basketball.
"Ba't ka nandito? Bawal ang girls dito ah," tanong niya ngunit hindi din naitago ang kasiyahan sa mga mata niya na makita ito. "Kamusta araw mo?"
Saglit na itinirik nito ang mga mata sa narinig. "Prude. Nakasalubong ko si J. Sabi niya ikaw lang naman nandito eh. My day's good but it feels better seeing you," nakangiting saad nito at niyakap siya mula sa likuran.
"I made something for you." Pasimple nitong kinuha ang plastic Tupperware sa sling bag na dala at inabot sa kanya. "Muffins."
Nakita niya ang tatlong muffins sa loob niyon. Kumuha siya ng isa at sumubo. It tastes good he must say. Sinubuan niya ito bago inubos ang natira.
"How was it?" paglalambing nito na hindi pa rin kumakalas sa pagyakap sa kanya.
"Masarap as usual. Ikaw pa," nakangiting saad niya dito.
Dalawang linggo pa lamang silang magkasintahan ni Mira pero pakiramdam niya ay ang tagal-tagal na nila. Hindi niya maikakailang napaka-sweet ng girlfriend niya. Hindi ito miminsang nakakalimot na ipagluto siya ng kung anu-ano katulad ng cookies na pinaghirapan pa nitong aralin. Minsan ay pinapadalhan din siya nito ng letter just by telling how happy she is to have him as her boyfriend.
He was her second boyfriend. Ang unang nobyo nito ay sa Ateneo nag-aaral at mas matanda sa kanila ng dalawang taon. Nagkasawaan na lamang daw ang mga ito dahil masyadong nasasakal na din si Mira sa pagiging possessive nito. He hadn't seen the guy pero natutuwa siya sa kaisipang naka-move on na si Mira dito.
If there's one flaw na masasabi niya kay Mira, iyon siguro ang pagiging showy nito masyado. She's more of a public display of affection type. Hindi ito nahihiyang halikan siya sa publiko. Hindi naman sa ayaw niya ang ginagawa nito o masyado siyang konserbatibo. Lalaki lang din siya. Pero ayaw niyang isipin ng ibang tao na masyadong agresibo ang nobya niya. They can do intimate things when they're alone.
Nang matapos sa pag-ayos ng gamit ay humarap siya kay Mira at mabilis na hinalikan ito sa mga labi. Akmang tatapusin na niya iyon ng hawakan ng nobya niya ang kanyang batok upang mas lalong palalimin ang paghalik kaya tumagal muna iyon ng ilang segundo. Kapwa nila habol ang hininga ng maghiwalay.
"Tara na. Baka kung ano'ng isipin nila ni J ba't ang tagal natin," nakangiting aya niya dito.
Nakita niyang napailing na lang ito kahit nangingiti.
Nagpakita muna sila sa mga kaibigan at nakipagkwentuhan saglit bago nagpalaam sa mga ito. Kumain muna sila ng kasintahan sa isang fastfood chain bago niya ito hinatid pauwi.
Paminsan minsan ay siya ang nagda-drive ng isang kotse ng kanyang ama. He has a student's license ngunit bihira lamang siyang pinapagamit nito ng sasakyan. Kapag tumuntong na lamang daw siya ng dies y otso, saka na siya nito bibilhan ng sarili niyang sasakyan. It was fine with him. His parents are very supportive even before at wala siyang marereklamo doon.
Alam na din ng mga itong may nobya na siya. Sa katunayan, balak niyang ipakilala si Mira sa mga magulang.
Sinundo niya si Mira sa MOA nang araw ng Linggo.
Doon nila usapang magkikita dahil imi-meet pa nito ang adviser ng araw na iyon para sa school paper nila. Lunch time ang usapan nilang ipapakilala siya sa mga magulang.
Habang daan ay hindi nito naitago ang pagkabalisa.
"Nahihiya talaga ako baby. Paano kung hindi nila ako magustuhan?" saad nito habang papasok na sila sa subdivision.
Mababakas ang pag-alinlangan at kaba sa mukha nito ng lingunin niya. Kinintalan niya ito ng mabining halik sa noo bago ginagap ang kaliwang kamay. "Don't worry. Magugustuhan ka nila."
Ngumiti naman ito nang tipid at bahagyang napanatag sa sinabi niya.
Ilang beses na bumusina si Gabbey upang ipaalam ang pagdating. Nakarinig siya ng mahinang pagkatok sa semi-tinted na bintana ng minamanehong sasakyan. Nang ibaba niya iyon ay nakita niya ang nakangiting mukha ng kababata.
Pinisil niya ang pisngi nito. "Kah! Long time no see ah, kamusta?"
Lumabi lang si Cheska. "Na-miss kita Gab. Busy sa school eh. Tsaka di na kita naabutan lagi pag-uwi. Pasensya. One month na ba tayong hindi nagkita?" natatawang saad nito.
Napaisip siya. "Wow, nabilang mo yun? Siguro nga. One month. Hayaan mo na, graduating na naman tayo eh kaya pareho ding busy. Mabuti alam mong ako ang nagdadrive ng kotse ni Dad?"
Ngumiti lang ito. "Nakita ko si Tito kanina eh. Nagsimba yata sila ng Mommy mo. Ibang kotse ang dala. Tsaka kanina pa kita inaabangan. Wala kasi akong load kaya hindi kita ma-text."
Narinig nila ang pagtikhim ni Mira kaya mabilis na sumilip si Cheska sa passenger seat.
"May kasama ka?" Bakas ang pagkagulat na bumadha sa mukha nito sa nakita.
Nakangiting tumango siya dito. Hindi na siya nakapagsalita ng batiin nito si Mira.
Binigyan nito ng alanganing ngiti ang nobya. "H-Hi."
"Hello," Mira smiled. She leaned forward and extended her hand for a handshake. "I'm Miradette. Mira na lang. Aidan's girlfriend by the way."
Ngumiti naman si Cheska dito at inabot ang pakikipagkamay ni Mira. "I'm Cheska Michelle. Cheska na lang. Kababata ako nitong si Gab- este Aidan."
Mahinang tumikhim si Gabbey. "Urhmm. Nasasakal ako sa dalawang kamay niyo. Baka gusto niyong pumasok na muna tayo sa loob ng bahay at doon na ipagpatuloy yan?" nakangiting saad niya sa dalawa at sabay-sabay silang nagtawanan.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga magulang niya kay Mira. Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain. Doon na din kumain ng tanghalian si Cheska sa kanila. Pagkatapos ng tanghalian ay nagtungo sila sa sala upang ipagpatuloy ang kwentuhan. Ipinakita naman ng Mommy niya sa nobya ang mga baby pictures niya.
Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sa kanila si Cheska. Hinahanap daw ito ng Mommy niya. Nagprisinta na siyang ihatid ito sa gate.
"I'm happy that you get along with Mira," nakangiting saad niya sa kababata habang naglalakad sila palabas ng bahay.
"Siraulo ka, nagulat kaya ako kanina. Isang buwan lang tayong hindi nagkita nagka-girlfriend ka na," natatawang saad nito.
Ngumiti siya dito. "Ewan ko. Ang bilis ba? Haha. Pero okay naman siya di ba?"
"Oo. Mabait. Hindi mahirap pakibagayan. At halatang mahal na mahal ka kaya huwag mo ng pakawalan hahaha."
"You think? Masyado pa namang maaga eh. Nagsisimula pa lang kami. But I'll try to work things out for us. She's a nice girlfriend," hindi na niya naitago ang kasiyahan sa boses.
Ngumiti lang ito. "Uwi na ko Gab. Lagyan mo ng helmet si Mira baka mauntog hahaha," tumalikod na ito at tumakbo patungo sa kabilang gate.
"Sira!" pasigaw na sagot niya dito na nangingiti.
***
Nang tuluyang makapasok si Cheska sa loob ng bahay ay dali-dali siyang tumakbo patungo sa kwarto.
Ang totoo ay hindi naman siya pinatawag ng ina. Her parents are out of town dahil sa isang business convention ng Dad niya na sinamahan ng Mommy niya. Sa katunayan ay inaya siya ng inang sumama kaninang umaga pero tumanggi siya at idinahilan na marami pa siyang gagawing homeworks. Kahit ang totoo'y inaabangan lamang niya si Gabbey.
Sana pala sumama na lamang siya sa mga magulang. Sana pala hindi niya na lang nalaman na may kasintahan na ang kababata.
Sana hindi siya nadudurog ngayon. Hays.
Nanginginig ang buong katawan niya sa pinipigilang emosyon. Nang tuluyang makapasok ay dumapa siya sa kama at umiyak nang umiyak. "M-Mo...Mommy koooo..." ungol pa nito sa pagitan ng hagulgol.
Kanina, habang pinapakilala ni Mira ang sarili nito bilang girlfriend ni Gabbey ay halos madurog ang puso niya sa narinig. Ipinagpapasalamat niyang magaling siyang umarte dahil nagawa pa niyang ngumiti kahit ang totoo'y gusto na niyang umiyak sa harap ng mga ito.
Hindi niya din alam kung bakit pumayag pa siyang sumamang mananghalian sa kababata kahit alam niyang mas pinalalala lamang niyon ang kanyang nararamdaman.
Dahil ba sa gusto lang niyang malaman ang magiging reaksyon ng mga magulang nito?
Kaya nang makita niyang buong pusong tinanggap ng mga magulang ni Gabbey si Mira ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib niya.
"Bakit kasi minahal kita Gab?! Bakit ikaw pa?! Ang sakit sakiiiiit," saad niya sa pagitan ng paghagulgol.
Alam niyang bagay si Mira kay Gabbey. Hindi lang ito maganda at matalino, marunong din itong makisama. At nakikita niyang mahal na mahal nga nito ang kaibigan. Pero hindi niya pa rin mapigilan ang hindi masaktan para sa sarili.
Halos isang oras din siyang umiyak bago kinalma ang sarili. Ayaw niyang magmukmok. Kailangan niyang malibang.
Humarap siya sa salamin at pinahid ang mga luhang tuloy tuloy sa pagtulo habang pinipilit ang sariling ngumiti. Naghilamos siya ng mukha. Binuksan niya ang walk-in closet at naghanap ng magandang bestida bago inayusan ang sarili.
Pagkatapos magpa-load ay naghanap siya sa phonebook ng kaibigang aayain niyang lumabas. Ayaw niya munang makasama ang mga barkada niya sa school. Baka mainggit lang siya sa pagkukwento ng mga ito tungkol sa crushes at boyfriends. Sa lima niyang malalapit na kaibigan ay dalawa na lamang sila ang walang boyfriend. She's the most conservative type among them. Or maybe because deep inside, she's wishing that one day, Gabbey will confess his feelings for her.
Napangiti siya nang mapakla sa sariling kagagahan.
Nang sa wakas ay makapagdesisyon, tinawagan niya ang numero ng bagong kaibigan.
"J, pwede ba tayong magkita?"
Hindi nagtagal ay pumarada ang grey na Porsche sa labas ng bahay nila. Sinundo siya ni J pagkalipas ng isang oras.
"Umiyak ka ba?" tanong ni J habang naka-pula ang traffic light sa seaside road sa MOA. Itinakas lang daw nito ang sasakyan. Ayaw kasi nitong magcommute sila.
Alam niyang hindi naitago ng pulbo at concealer ang pamumugto ng mga mata niya kaya walang kwenta ang ikaila pa iyon sa kasama. Hindi niya na lamang sinagot ang tanong nito.
"Nood tayo ng movie? Gusto ko comedy ha o kaya cartoons. Lilibre na lang kita," nakangiti niyang saad dito pero sa daan ang tingin. Ayaw niyang mahalata ng kausap ang pinagdadaanan niya. Muling bumalong ang luha sa mga mata niya at hindi sinasadyang kumawala ang impit na ungol sa pagpipigil na tumulo ang mga ito.
"Mukhang...natatae ka na diyan ah," narinig niyang kumento ni J subalit hindi ito nakatingin sa kanya.
Nagpapasalamat si Cheska dahil nakuha nitong magbiro sa sitwasyon na iyon. Kaya naisip niyang hindi siya nagkamali ng taong inaya. Kahit papaano'y napangiti siya nito.
Nang makahanap ng parking space si J ay swabeng nai-park nito ang kotse.
Sa pag-aakalang bababa na sila ay nagulat siya nang hindi niya mabuksan ang lock ng pintuan niyon. Hindi din nito tuluyang pinatay ang makina ng sasakyan upang patuloy ang pag-andar ng aircon.
"Si Gabbey ba?" mahinang saad ni J. Nilagay nito sa mga batok ang dalawang kamay at prenteng sumandal sa headrest ng upuan at pumikit.
Hindi napigilan ni Cheska ang pagsinghap. "N-No, of course not!"
Ngumiti lamang si J sa kanya pero hindi pa rin nito idinilat ang mga mata. Nagulat siya sa sumunod na pahayag nito. "You're in love with your best friend."
"H-Hindi totoo yan! You barely know me. Dalawang beses pa lang tayong nagkita," nanginginig na saad niya dito.
Naiinis siya dahil tila batid nito ang nararamdaman niya. Nakilala niya lang si J nang isama ito ni Gabbey sa school play nila. Naging constant textmates sila nang hingin nito ang number niya. Alam niyang maloko si J base sa mga kwento ni Gabbey sa kanya pero masaya itong katext. He never fails to make her smile sa mga pasimpleng banat nito. Hindi kasi katulad ni Gabbey na mas madalas ay nagtetext lamang kapag may importanteng sasabihin.
"I don't need to see you everyday just to know what you feel. The first time I saw you, you're so transparent about your feelings. Even when we're texting, lagi mong hinahanap si Gabbey. Kinakamusta mo siya. Kasi alam mong hindi naman mahilig magtext yun. Malas mo lang talaga dahil ang dense ng best friend mo."
He still has his eyes close when he said that pero pakiramdam ni Cheska ay nakatingin ito sa kanya. He couldn't believe how J could see through her. At tama nga ito, masyadong dense si Gabbey.
"Hindi... totoo yan," still trying her best to deny what she truly felt.
Ayaw niyang aminin iyon sa harap ng lalaking ito. Alam niyang best friend nito si Gabbey at hindi malayong mabanggit nito iyon sa kaibigan.
"Still denying your true feelings?" Sandali siya nitong nilingon at muling ipinikit ang mga mata. "Madami talaga ang nahuhulog sa pagiging caring ni Gabbey. Pero si Mira lang din ang alam kong matagal na niyang gusto. Which is lucky for him I must say. The feeling's mutual eh. Kung ako sayo kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo sa kababata mo," muli siya nitong nilingon at itinaas ang isang kilay. "Maganda ka naman."
Hinampas niya ang balikat nito sa narinig. Humalukipkip siya at napasimangot. Parang napilitan lang itong sabihing maganda siya pagkatapos nitong harap-harapang sabihing si Mira lang ang tanging babaeng nagustuhan ni Gabbey.
Walanghiya talaga ang lalaking to!
"Aray ha. Nagiging bayolente ka na. Masama yang epekto ng pagkahumaling mo kay Gabbey," ngisi nito sa kanya.
He's looking intently at her too at hindi niya maiwasang hindi mailang sa klase ng pagtitig nito kahit nasa peripheral vision lang niya nakikita.
"Hindi ko nga-"
"Sige, deny pa. Hindi kita hahatid sa bahay niyo mamaya. If you're worrying that I will tell Gab about it, forget it. Hindi uso sa aming mga lalaki yon. Your secret is safe. The least thing you can do now is to trust me," seryosong saad nito na noo'y paharap na sa kanya.
Hindi siya kumibo.
"Can you not trust this face?" saad pa nito na tinuro ang mukha na tila nagpapaawa.
Hindi niya napigilan ang pagngiti sa ginawa nito. Parang sira haha.
Napabuntong-hininga siya sa wakas. "Okay fine, I'm in love with my best friend. He broke my heart because he loves somebody else. Happy?"
Umayos na ito ng pag-upo. Muli nitong nilagay ang dalawang kamay sa batok at pumikit.
"Promise that this will be our secret. I've never told any of my girlfriends about this!"
Hindi ito kumibo. Nainis siya sa ideyang tinulugan siya nito. Malakas niyang hinampas ang balikat nito sa kaisipang iyon.
"Hoy J! Can we watch a movie now?"
Narinig niya ang paghalakhak nito. "You're really a sadist Cheska." Umiling-iling ito. "Aidan Gabriel Villasis is bad for your health."
Narinig pa niyang bumulong bulong ito bago tuluyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto.
Sinimangutan lang niya ito bilang sagot.
And that day, she momentarily forgot how Gabbey broke her heart into pieces.
For at least a couple of hours... with J.
![](https://img.wattpad.com/cover/7812469-288-k788523.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Storie d'amore"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...