5

6.6K 137 94
                                    

~5~



"J, may sasabihin ako sayo."



Pagkatapos saglit na iangat ang tingin sa nagsalita ay ngumiti ng matamis si J nang makita si Cindy, ang class muse nila. "Hmm... what?"



Tuluyan na niyang binaba ang hawak na Anime Manga na kanina lamang ay engrossed na binabasa. Nasa loob sila ng silid-aralan at kasalukuyang nagpapalipas ng oras dahil lunch break. Binistahan niya muna ng tingin ang classroom nila at nang mapansing tanging sila lamang ni Cindy ang tao ay unti-unti niyang nilapitan ito. Kusang sumilay ang pilyong ngiti niya sa mga labi nang makitang tila nabahala ang kaklase.



"A-Ahh mali. M-May bibigay pala ako. Y-Yung... result nang quiz mo kahapon sa English. Hindi mo nakuha eh," di magkandatutong sagot nito, unti-unting umatras.



Nagulat na lamang ito nang bumangga na ang likod sa blackboard. Lihim na napangisi si J. Mas lalo pa siyang lumapit sa kaklase na halatang pigil na ang hininga. Itinukod niya ang isang braso sa blackboard, malapit sa mukha ni Cindy habang nasa bandang bewang naman nito ang isang kamay niya na nakatukod lang din sa dingding. Kung titignan, parang halos magkayakap na din sila nito.



Mahina siyang bumulong sa punong tenga ni Cindy. "Natatakot ka ba sakin?"



Ramdam niya ang mahinang pagsinghap nito. "Uh..."



Alam niyang may gusto sa kanya ang kaklase, pero kasalukuyang may boyfriend ito. Madalas niyang mahuling nakatingin ito sa kanya at bigla na lang iiwas ng tingin.



It wouldn't hurt to flirt a little, right? Haha.



"Kayo pa ba?" pabulong pa niyang tanong dito at saglit na inamoy-amoy ang leeg nito.



Clinique. Happy scent hehehe... Alam niya dahil ganoong pabango din ang suot ng girlfriend niya minsan.



Inangat niya ang ulo upang saglit na magtama ang mga mata nila nang kausap at unti-unting nilapit ang mukha dito.



"Ah... J... Yung... Paper mo." Itinaas nito sa mukha niya ang one half lengthwise na papel at mabilis na tumakbo malapit sa pintuan.



Boo. Bibigay ka rin. Soon, lihim na usal niya sa isip.



Hindi na siya nag-abalang lingunin ang kaklase. Tinignan niya ang hawak na papel upang malaman ang resulta ng quiz sa English. 22 out of 25.



Not bad though, ngisi niya bago sinipat ang relo at nagsimulang humakbang patungo sa labas ng classroom.



"Saan ka pupunta?"



Napalingon si J sa nagsalita kaya napatigil siya sa paglakad.



Ngumisi siya kay Aidan. "Uy! Mabuti nakatakas ka kay Mira. Hindi ka ba nasasakal dun? Parang masyado ng clingy. Hindi ka na nakakasama sa mga lakad ng team ah."



Nakita niyang nagkibit balikat lang ito at sumunod sa kanya. Halata namang masaya ang loko. Siguro nga okay lang dito ang pagiging possesive ng kasintahan pero sa kanya, nakaka-BV yun.



Aminado naman siyang kabi-kabila ang girlfriends niya. And he's a hell of a player too. He just couldn't resist not being too friendly with lovely girls and eventually, they couldn't help but just fall for him. Must be his playful side. Napangisi siya sa naisip.



"May meeting sa school paper. Huwag mo nga akong igaya sayo na two-timer," narinig niyang asik ni Aidan sa kanya.



Hindi siya naapektuhan sa sinabi nito. Tumawa lamang siya.



"Hindi ko na kasalanan ang maging gwapo dude. And I don't want to break their hearts by ignoring them, y'know," ngising sagot niya sa kaibigan.



He just gave him a smug face. "But you still break their hearts afterwards."



Palibhasa ang boring ng buhay nito. Masyadong mabait na anak. Kaya niya namang pagsabayin ang dalawang bagay: ang pag-aaral at pakikipag... girlfriend. Hindi naman mahigpit ang parents niya as long as alam niya ang limitasyon niya. Yun nga lang, wala siyang balak ipakilala ang sinuman sa pamilya niya. I mean, not until he's sure na siya na talaga. Masyadong konserbatibo ang pamilya nila, baka maaga lang siyang mapikot.



Natawa siya sa pagiging advance ng sariling utak. Considering he's just in his senior year in high school.



Muli niyang tinignan ang kaibigan at napailing siya sa itsura nito. Halatang ang lakas ng tama sa girlfriend.



Nakakasuka ah, haha.



How could he stay faithful sa isang babae? As for him, hindi niya pa nakikita ang sariling maging seryoso sa ganoong murang edad. They were barely sixteen! They should be enjoying life! And he's not that crazy para magpahawak sa leeg. He should call the shots, not the other way around.



"Saan ka ba pupunta?" ulit ni Aidan ng tanong kay J.



"Sa elementary department. Sisilipin ko lang si bunso," sagot niya dito.



If there's one girl that he adored most in his whole life aside from his own mother, iyon ay ang kanyang pinsan na si Louie. She's just 11 pero ito ang klase ng bata na parang may kausap kang matanda. All of them adored her. No, they all love her. Hindi man sila masyadong showy sa bahay ay alam niyang lahat silang magpipinsan ay pinapahalagan ang isa't isa. And they protect each other at all costs.



Especially Louie.



Sinabihan silang apat nina K, Justin at Kurt na laging bantayan at alagaan si Louie. That was way back when he was nine years old. Four of them were gathered together in their grandparent's room.



"Mahalin niyo ang pinsan niyo na parang tunay na kapatid. Alam niyo namang wala dito ang Mama ni Louie di ba? Wala din siyang ibang kapatid kaya dapat kayo ang tumayong mga kapatid niya dahil kayo-kayo lang din naman ang magtutulungan sa huli paglaki niyo. Naiintindihan niyo ba?" saad ng Lolo nila.



"Opo 'Lo," sabay-sabay na sagot nilang apat.



"Masyado nang nasaktan si Louie sa mga pangyayari sa mga magulang niya kaya sana huwag niyong pabayaan ang pinsan niyo," saad naman ng Lola nila sa malungkot na tinig.



"Isali niyo siya sa mga laro niyo. Kung ano man ang ginagawa niyo. Kahit ayaw niya, pilitin niyo. Para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya, para hindi niya maramdaman na hindi natin siya mahal. Dahil sa ngayon, akala niya lahat ng tao ayaw sa kanya. Alam kong hindi niyo pa naiintindihan ito ngayon pero balang araw, malalaman niyo ang epekto ng pangyayari sa pinsan niyo," mahabang pahayag ng Lolo nila.



That was one week pagkatapos iwan ni Mama Louise si Louie upang magtrabaho sa Canada. Apat na taon pa lamang si Louie noon. Nakita nila kung paano muntik nang makapatay ang Lolo nila nang sinubukang makipag-ayos ng Papa nito kay Mama Louise kaya napilitan itong mangibang bansa. They were all devastated.



Hindi pa nakilala ni Louie ang Papa nito dahil wala pa nga itong kamuwang-wang nang maghiwalay ang mga magulang dahil sa pagiging babaero ng Papa nito. She was one year old then. Mama Louise refused to let him come near Louie. Pero alam nilang lahat na kilalang tao ang ama nito. And only Louie doesn't know about that. Because ever since her mother left, she refused to hear anything about her parents. She refused to talk about them.



Simula din ng iwan ito ng ina ay mas madalas nang gusto nitong mapag-isa. She created a world of her own. Hindi na din ito masyadong kumikibo kapag hindi kailangan. Kung hindi pa nila ito aasarin, hindi pa ito iiyak. Ito lang ang tanging mga panahon na nagpapakita ito ng emosyon lalong lalo kung tungkol sa pag-iwan ng Mama nito ang pang-aasar nila. Kaya gaanoon na lang kung protektahan nila si Louie.



And little by little, J understood why her cousin wanted to excel in everything she does. It's her way of compensating her insecurity for being a product of broken family. Parang paraan nito iyon ng pagrerebelde.



"Yan ba yung lagi mong pinapunta dito sa Elementary department? Akala ko pa naman pati dito may babae ka," natatawang tanong ni Aidan sa kanya.



Hindi makapaniwalang tinignan niya ang kaibigan. Muntik na niya itong batukan. "Wow ha, I can be a jerk at times pero hindi naman ako cradle snatcher!" Saglit na bumaba ang tinig niya pagkatapos. "Salitan lang kami ng pagtingin kay bunso. 'Lam mo namang hindi palakaibigan iyon at may sariling mundo."



"Grabe ah. Mahal na mahal niyo talaga si Louie. Hindi halata na ganyan kung protektahan mo siya considering ang pagiging babaero mo hahaha."



"Ulol!" asik niya dito. Palihim lang naman nilang binabantayan ang pinsan. Tinitignan lang nila ito mula sa malayo.



Tamang-tamang nakarating sila malapit sa silid nina Louie at nakita nilang lumabas ito. Sinundan nila ang paglakad nito patungo sa locker. Nagkubli sila ni Aidan sa malaking puno na may sampung metro ang distansya mula dito. Kunot-noong pinulot ni Louie ang mga sobre at papel na nag-uumapaw sa paglaglag ng buksan nito ang locker. Sinuksok nito pabalik ang mga iyon sa loob bago kinuha ang isang libro at muling sinarado.



Lihim na napangiti si J sa ginawa ng pinsan. Wala talagang pakialam sa ibang bagay hahaha.



Nang naglakad na pabalik si Louie patungo sa silid ay nanatili siya sa pwesto.



"O bakit hindi natin susundan pabalik?" nagtatakang tanong ni Aidan.



"Teka lang, dito ako natutuwa eh. Tignan mo," turo niya sa mga elementary students na paisa-isang sumisimpleng nagsisiksik ng mga papel sa locker ni Louie. Panay lalaki ang mga iyon at may ilang mga babae din. Nagtutulakan pa ang ilan habang naghahagikhikan na sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni Louie. Nagmistulang mga fans ang mga ito.



"Whoah! Ang daming admirers ni Louie ah," natatawang saad ni Aidan.



"You bet. Pero hindi nila alam, hindi naman nababasa ni Louie ang mga sulat nila. Minsan natatawa na lang kami ng kapatid at mga pinsan ko sa pinagsusulat nila. Mali mali pa ang grammar. Kung nabasa ni Louie yun baka nadagukan pa sila," natatawang kwento niya dito.



"Grammar? Seriously? Dude, they're kids hahaha! So, kayo ang nagbabasa ng letters na para kay Louie?" mulagat na tanong ni Aidan sa kanya.



Tumango si J sa kaibigan. "Tss kahit na. Pasalamat pa nga sila may nagbabasa eh. Nung unang beses na binasa namin sa harap ni Louie, nagwalkout. Hindi pa kami pinansin ng ilang araw. Weirdo nga kasi yun. Tsaka mas masayang basahin ang mga sulat niya eh. Mixed kasi. May babae at lalaki," paliwanag niya dito.



"Mabuti na lang hindi nagmana sayo," natatawa na ding saad ni Aidan sa kanya.



"Bakit naman?" kunot-noong tanong niya.



Ngumiti ito. "Baka ang dami na din niyang napaiyak pag nagkataon eh."



Ngumisi siya sa sinabi ni Aidan.



Marami talagang mapapaiyak sa huli yang si Louie. I'm dead sure of that, saad niya sa isip.



"Ayuuun," turo niya kay Aidan nang makita ang isang lalaki na may hawak na sobre na kulay luntian. May kasama itong isa pang lalaki na halatang tinutukso pa. "Suki yan ni Louie eh, hahaha."



"Oh? Kilala mo?" tanong naman ni Aidan. Halatang na-curious din ito sa lalaki. "Mga gwapo din ang admirers ni Louie, haha."



"Tss. Hindi ko kilala. Pero tingin ko higher level. Baka grade six. Lagi yang may hinuhulog na ganyang sobre kay Louie. As in araw araw ha. Pansin ko kasi green mail talaga ang pinaglalagyan niya. Imba nga eh, paboritong kulay ni Louie kasi ang green. Tsaka, idol na idol daw niya si Louie magbasketball, ayon sa mga sulat niya," pagkukwento pa niya dito. "Tara na nga, balik na tayo." Tumalima naman si Aidan kaya naglakad na sila pabalik sa high school department.



"By the way J, baka gusto mo akong samahan sa bahay mamaya? Tutal Sabado bukas. One month sa California sina Mommy eh. May business conference si Dad dun. Kahapon sila umalis," pakli ni Aidan maya-maya.



Nilingon niya ang kabigan. "Wow! I can smell freedom! Nagulat ako na, teka... Ako ba unang inaya mo? Hindi si Mira? Sigurado naman akong sasama iyon sayo. Lalo't masosolo ka niya hahaha," ngisi na naman niya sa kaibigan.



Lihim siyang nainggit sa matalik na kaibigan. Kung masosolo niya lang ang bahay nila ng ganun baka ilang babae na ang nadala niya hahaha.



Kaso bawal eh. Tss.



Binatukan siya ni Aidan. "Gago ka talaga! Hindi ako katulad mo. Wala akong planong babuyin ang bahay namin. Pero di nga, ano, pwede ka?"



Saglit siyang nag-isip. Hindi siya pwede dahil bukod sa hindi pa masyadong pabor ang mga magulang nila na mag-overnight sa ibang bahay, may date pa siya bukas. May dalawang date rather. Hehehe.



Hinawakan niya ang baba at matamang tinignan ang kaibigan. "Ba't di na lang ikaw ang pumunta sa bahay? Doon ka na lang matulog mamaya hanggang Linggo. Ano sa tingin mo? Mas masaya yun, andun mga pinsan ko eh. Pwede pa tayong magbasketball. May half court kami sa likod ng bahay."



Nakita niyang napaisip din ito. "Hmm. Onga noh hindi pa ako nakakapunta sa inyo. Sige. Daanan na lang muna natin ang gamit ko sa bahay."



Dahil sa napag-usapan, doon nga matutulog si Aidan sa kanila. Hindi na siya sumama nang sunduin sila ng family driver. Sinamahan niya muna si Aidan sa bahay ng mga ito upang kunin ang mga gamit pang-overnight. Nagpaalam na din siya sa Mommy niya na doon muna sa kanila si Aidan hanggang Linggo at pumayag naman ito.



"Yan bahay nila Kah," turo ni Aidan sa gate na halos nasa tapat lang ng bahay ng mga ito. Sakay sila ng sasakyan at palabas na din ng gate.



Tumango lang si J dito. Hindi niya na lang pinaalam sa kaibigan na alam niya ang bahay nila Cheska dahil noong nakaraang Linggo lang sila lumabas ng kababata nito.



"May gusto ka ba kay Cheska?" narinig niyang saad ni Aidan sa kanya.



"She's cute," tipid niyang sagot.



"Don't-"



"Cool ka lang Gab. Wala akong balak patulan ang kababata mo," natatawang putol niya sa kaibigan at itinaas pa ang dalawang kamay.



Saglit siyang nilingon ni Aidan at tinapunan ng mabilis na tingin. "I hope. Pero huwag kang magsalita ng tapos. Gusto ko lang na 'pag dumating ang panahon na yun, seryosohin mo sana siya. Ibahin mo si Kah," seryosong saad nito at nasa tinig ang pagbabanta.



Nagkibit-balikat lamang siya dito.



Hindi niya alam kung naka-move on na si Cheska kay Aidan. Hindi niya ikakailang attracted siya kay Cheska lalo nang unang makita niya ito. She's a major head turner. Pero ang kaalamang parang kapatid na ang turing dito ng pinakamalapit niyang kaibigan, malaking rason iyon sa kanya upang huwag itong isama sa mga listahan ng mga babaeng dinidiskartehan niya. Alam niyang katulad niya, malaki ang respeto at pagpapahalaga ni Aidan kay Cheska. Katulad ng ayaw niya ding paglaruan si Louie ng mga kabaro niya sa huli.



Kaya kahit magkatext sila ay hindi niya ito inaayang lumabas. Bukod sa may nobya na din naman siya, alam niyang may pinagdadaanan din ito. Nagulat din siya ng ayain siya ni Cheska na lumabas noong Linggo. Akala niya noong una ay gagawin siyang rebound ng dalaga. But when he saw her, bahagya siyang naawa para dito. And he knew she was just trying to mend her heart. Gusto lang nitong saglit na kalimutan ang pagkabigo sa kababata.



Saglit niyang tinapunan ng tingin ang gate nina Cheska bago nila tuluyang lisanin ni Aidan ang subdivision.



***



Asikasong-asikaso si Aidan sa bahay nila J. Magkaklase pa pala ang Mommy niya at ang Mommy nito dati sa Miriam kaya naman matagal ding kinamusta ng ina niya ang Mommy ni Aidan. Pagkatapos maghapunan ay nagkayayaan silang maglaro sa game room. Isang malaking kwarto iyon na kumpleto sa modernong gamit. Mula sa malaking flat screen na may katabing dalawang malalaking amplifier na para sa pagpi-play station at X-Box kinect, may mahabang L-shape sofa at maliit na mesita din sa harap ng flat screen tv, apat na desk top computers sa kabilang side, at ang mga lamesa ng foosball, table tennis set at billiards. Sa pinakadulo ng kwarto ay naka-set up ang malaking obstacle car racing course nila ng tamiya.



Kumpleto ang kagamitan nila sa bahay. At dahil extended family sila kaya malaki din ang solar ng bahay. Hindi naman sila masasabing sobrang yaman ngunit dahil puro propesyunal ang mga magulang nila, may mga na-invest na negosyo ang ito pati ang kanilang grandparents kaya masasabing nakakaangat din naman sila sa buhay. Ayaw din kasi ng mga itong nakikita sila sa mga computer shop kung saan saan kaya sinigurado ng mga ito na kung aabutin man sila ng hating gabi sa paglalaro ay mas mainam na nasa sarili silang pamamahay.



"Wow! Ang laki ng game room niyo ah. Kaya pala nagmamadali ka din minsang umuwi," bulalas ni Aidan.



"Nah. Hindi kami pwedeng magbabad dito kapag may pasok or malapit na ang exam," paliwanag niya sa kaibigan. "O ano, 9 balls?" turo niya sa billiard table.



"Sure," sagot naman ni Aidan at naghanap ng tako na gagamitin sa rack. Inayos naman ni J ang set ng mga bola sa lamesa.



"Sasali ba kayo?" lingon niya sa kapatid na si K at sa dalawang pinsang sina Justin at Kurt nang ma-set na ang mga bola. "Si Louie, asan?"



Umiling ang mga ito. "Kayo na lang mag-one on one. Bababa na din yun," sagot ni Kurt.



"Ano namang lalaruin niyo?" tanong ni J sa mga ito.



"Counterstrike. Kampi kami ni K ngayon," sagot naman ni Justin. Salitan kasi sila ng team play para fair dahil lima sila at minsan ay hindi nakakasali ang isa.



Nang makababa si Louie ay nakapajama set na ito. Humihikab pa ito at halatang inaantok na. Hindi nito pinansin ang bisita at dumiretso agad ng upo sa isang desktop computer. Nagsimula na din silang magbilliards ni Aidan. Natalo siya sa unang game nila. Kakasimula pa lang nila ng second game ng kumatok ang isang kawaksi at pinapatawag sila ng kapatid na si K. Tumawag daw ang Daddy nila at gusto silang makausap.



"Pakisabi, susunod na," saad ni J dito.



Via skype kasi iyon at madalas ay gusto ng ama nilang makita sila na kumpleto sa video call. Mechanical Engineer ang Daddy nila sa Singapore.



Nang maalalang baka matagalan ang pagkausap sa ama ay binalingan niya ang kaibigan. "Okay lang ba kung iba muna paglaruin ko para di ka mainip sa paghihintay? Baka matagalan ang pagkausap samin ni Daddy eh."



"It's alright," sagot naman ni Aidan na nakatingin na kina Justin na tuloy pa rin sa paglaro ng counterstrike.



Napangisi siya ng may maisip na ideya. "Hoy K, tara na. Hinahanap na tayo ni Daddy," tawag niya sa kapatid na agad namang tumayo. Sunod niyang tinawag ang bunsong pinsan. "Louie."



"Hmm?" tanging sagot nito. Ni hindi man lang lumingon.



"Sub mo ko sa billiards. Dahil kailangan niyong i-pause yan kasi hindi makakalaro si K. Kulang kayo ng isa."



Doon lamang lumingon si Louie sa kay J. "Si Kuya Justin o Kuya Kurt na lang po. Matatalo lang ako."



"Sige na. Ikaw gusto ko eh. Walang rules. Don't go easy on him," nguso niya kay Aidan na kasalukuyang nagtatakang nakamata lang sa kanila.



Nagulat siguro ito sa sinasabi niyang rules o sa kaalamang marunong ding magbilliards si Louie.



"Walang rules?" paniniguro naman ni Louie.



"Wala nga. Oh," abot ni J ng tako dito.



Nginisihan niya si Aidan ng kunin iyon ni Louie. Binulungan niya ito bago tuluyang lumabas. "Goodluck pre. Huwag kang iiyak ha?"



He couldn't suppress his smirk when he left the game room.



***



"Nagbibilliards ka din pala?" tanong ni Gabbey kay Louie.



Naisipan ni Gabbey na magsimula ng paksa dito. Pagkatapos lumabas nina J at K ay apat na lamang sila nina Justin at Kurt sa game room. At kasalukuyang one-on-one ang magkapatid na Justin at Kurt kaya hindi din sila nito pinapansin ni Louie. Kung hindi dahil sa kasalukuyang house music ay baka nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa habang naglalaro.



"Kay Kuya na ba?" tanging saad ni Louie.



Naisip niya tuloy baka may lihim pa rin itong galit dahil sa huling atraso niya. Mabilis ding winaksi ni Gabbey sa isip ang sapantaha. Baka nga weirdo lang talaga ang pinsan nina J.



Tumango siya dito. "Uhm. Kay J na nga."



Nakita niyang tinitigan nito saglit ang kabuuang table. Inabot din yata ng isang minuto ang pagtitig nito doon. Nang sa wakas ay nakuntento, kumuha ito ng pulbo at nilagyan ng mga linya gamit iyon ang may dalawang pulgadang distansya mula sa mga pocket. Apat na pocket ang nilagyan nito ng mga linya.



Pampadulas ng bola?



Napapantiskuhang inobserbahan ni Gabbey ang ginagawa ni Louie. Maya-maya ay kumuha ito ng tisa para sa hawak na tako at matagal na binabad doon ang dulo ng tako nito. Habang ginagawa iyon ay nakatingin pa rin ito sa mga bola. Tila pinag-aaralan nito kung paano titira.



"Game," mahinang bulong nito na mas patungkol sa sarili.



Pinosisyon nito ang kamay sa lamesa, aiming the white cue ball na nasa bandang edge na halos at malapit sa pocket. Nasa kabilang bahagi ito ng lamesa at kaharap niya ito. Nasa parte siya ng baulk line, ang lugar na malapit sa D kung saan unang tinitira ang bola kapag nagsisimula ang laro.



Kung titignan ang posisyon ni Louie, imposibleng may matamaan itong bola dahil nagkalat na ang mga iyon kanina. J has an in-offs score fom entering 2 balls: ball number 1 and 3. Siya naman ay ang ball number 2. May anim pang natitira at kailangang tama ang pagkasunod-sunod na pagshoot ng bola sa pocket dahil 9 balls ang laro nila.



Alam niyang ball number 4 muna ang kailangang ipasok ni Louie, but her aim is directed to ball number 7 dahil doon nakatago sa likod niyon ang ball number 4.



Nang akmang titira na ito ay nakita niyang inakbayan ito ng pinsang si Justin. Halos hindi niya napansin na nanonood na pala sila ni Kurt. Marahil ay naisip ng mga ito na hindi man lamang siya kinakausap ni Louie. Hindi kasi ito nagsasalita.



"Masyado kang seryoso. Minamadali mo talagang matapos ang laro ah," komento ni Justin dito.



Sumimangot lang si Louie at kinuha ang kamay ng pinsan sa balikat. "Gusto ko nang matulog. It's past 11."



"Huwag kang kumurap Aidan," nakangiti namang saad ni Kurt sa kanya. Mababakas ang excitement sa tinig nito na halatang alam na halos ang gagawin ng nakababatang pinsan.



Louie then hits the white cue ball in a swift but sharp move. Nakita niya kung paano tumalon ang puting bola upang iwasan ang ball number 7 at swabeng tamaan ang ball number 4. Sunod-sunod na tinamaan na niyon ang ibang mga bola. Isa isang pumasok ang apat na bola sa magkakabilang pocket. Doon mismo sa nilagyan nito ng mga linya gamit ang pulbo.



An in-offs, and it's a four ball score!



"Aidan?"



Napalingon siya kay Justin. "Huh?"



"Gusto mo pa bang magbilliards? Kami na muna kalaro mo, umakyat na si Louie. Inaantok na eh," tanong nito sa kanya pero halata sa itsurang natatawa na sa reaksyon niya.



"Ayos lang yan. Huwag kang ma-trauma. Kahit kami, natatalo din ni Louie kapag walang rules. I mean, if she's using both her right and left hand," dagdag naman ni Kurt.



"Paano niya naipasok ang dalawang natira?" nagtatakang tanong niya sa magkapatid.



"Hindi mo nakita? Pot score after ng in-offs," sagot ni Justin. Hindi na napigilang ng mga ito ang paghagalpak.



Ni hindi niya napansing tapos na pala ang laro. Ni hindi niya napansing nakalabas na pala si Louie ng game room.



And worst, hindi niya napansing kanina pa niya pala pigil ang hininga.



Damn! Nakakapangilabot na bata talaga.





***

Simplified Billiard Terminologies (according lang sa laro sa taas at sa mga nagamit kong terms)



In-offs - a score where in your cue ball hits one or more balls and then enters a pocket.

Pot - a score that occurs when any ball other than your cue ball enters the pocket (normal na pagscore ng isang bola)

Pocket - the hole where you aim the ball to shoot

Cue ball - white ball

D - this is the place where the cue ball is first placed when starting the game. (yung parang half circle siya basta dito banda nakaposisyon ang white cue ball everytime nagsisimula pa lang ang laro)

Baulk - the line next to the D is called baulk line and when you are playing from the D you are not allowed to hit a ball behind the baulk line, directly.

~pinagdadasal ko po na naintindihan niyo ang explaination ko tungkol sa billiards hahaha. Minsan po kasi talaga nahihirapan akong magsimplify ng terms huhu. Sana naimagine niyo po yung pangyayari. -___-'



A/N:

Sana na-enjoy niyo ang mahabang Chapter na 'to at hindi nabagot sa pagbabasa haha. Kalma po tayo! Pinigilan ko talagang pakinggan ang kalandian ni Kuya J kaya ang epekto, lumabas ang pangungulila ko kay Louie. Ayan tuloy, durog na naman ang pagkalalaki ni Aidan hahaha. Saree naman. Juskopo. Ayoko maging masamang impluwensya sa mga kabataan kaya susubukan kong rendahan si J hahahaha.

PS: First two persons na may pinakamagandang comment ay bibigyan ko ng cameo role sa next chapter! Lagyan niyo po ng name niyo after ng magandang comment ha? <-- medyo demanding otter. Must be girl pala. Ano ang role? Surprise! Hahahaha. Kung ayaw niyo, ayos lang...

Ang power ninjas po ang magja-judge hihihi.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon