~12~
"And our Miss Intramurals this year…. Is no other than... Miss Louie Antoinette Kwok!"
Dinig agad ang malakas na tilian at sigawan ng mga tao sa loob ng high school gymnasium kung saan ginanap ang awarding ng pageant. Halatang maraming tagahanga ang dalagita sapagkat malakas din ang hiyawan ng karamihan sa mga kalalakihan na pumuno din sa gym.
Sa pwesto ni Gabbey na nasa harap mismo ng entablado ay katabi niya si J at iba pang kamag-anak ni Louie na talagang todo suporta dito. Maging ang lolo't lola at mga tita nito ay naroon upang magpakita ng suporta dito.
Sa apat na kalahok mula first year to fourth year na noo'y nakatayo lahat sa entablado, mababakas ang pagtanggap ng mga ito sa pagkapanalo ni Louie. Yumapos pa dito ang representative ng sophomore na nagngangalang Clarisse del Rosario at sa junior department na si Marishka Gomez. Maging si Allison ay tila humupa na din ang inis nito sapagkat nakita ni Gabbey na kinamayan din nito ang dalagita bilang pagbati.
"For the first time in the history of pageant in the Secondary Education, we have our Miss Intramurals from the freshmen department. Clearly, our winner has exemplified outstanding performance during the course of the competition and has shown a true spirit of sportsmanship. Congratulations again, Miss Kwok! We all believe that you deserve the title. Do you guys agree with me?" muling saad ng MC na patanong sa mga audience habang kinokoronahan si Louie.
"YES!" malakas namang sagot ng mga tao.
Maging si Gabbey at ang mga pinsan nito ay malakas ding sumigaw bilang pagsang-ayon kasama ng mga nanonood. He believes Louie clearly deserved the title. The pageant was no ordinary one. Meron iyong physical, emotional and mental challenge. Mental challenge pa lamang ay mikikita nang lamang na lamang na ang dalagita sa mga kalaban nito lalo’t naging katunggali nito sa isang impromptu debate si Allison na siyang nasa fourth year level na. Louie stated her opinion articulately na kahit sinong nanonood ay hindi lamang mapapakinig sa klase ng pagsasalita nito kundi mapapabilib din sa laman na nakapaloob doon. Ni hindi na ito nakaabot sa emotional challenge dahil ito din ang nanalo sa sumunod na physical round na siyang tila 'Amazing Race' naman. Bukod doon, todo suporta din ang mga pinsan nitong tumulong kay Louie sa pagboto sa larawan nito sa official page ng mga contestants sa facebook na siyang kukunan naman ng 30% sa kabuuang porsiento ng pagkapanalo ng mga kalahok. Ang 70% ay manggagaling sa physical, emotional and mental challenge.
"I can't believe I'll see her wearing short shorts, man," umiiling na saad ni J sa tabi niya.
Hindi napigilan ni Gabbey ang matawa sa kaibigan habang nakatingin din sa dalagita. "Dalaga na ngang tingnan si Louie."
"Yeah, right,” tila asar na saad nito. “Kanina, halos laglag panga kaming apat nina K nang lagyan siya nang wig. I mean, dude. It's like seeing her in a different light! Hindi lang—"
"What are you guys worrying about? Hindi niyo matanggap na nagdadalaga na ang bunso niyo?" natatawang putol niya dito. "Halata namang hindi katulad si Louie ng ibang mga bata dyan na kung anu-ano lang ang inaatupag."
"Tsk. Sabagay, tama ka. Nagulat lang talaga kami. Syempre, boyish yan eh. Tapos makikita mo ang mga lalaking nanonood? Mapapaaway na yata kami anytime," kunot-noong saad nito habang inilibot ang mga mata sa paligid.

BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...