~16~
"No, son. We have talked about this a long time ago. Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Do we need to discuss this all over again?"
Napasuntok na lamang sa hangin si Gabbey dala ng pagkadismaya. He was convincing his father na sa Pilipinas niya na lamang kukunin ang pagma-masterals. Hindi lang dahil sa ayaw na niyang umalis ng bansa kundi dahil alam niya ding hindi din naman magpapahuli ang mga magagandang eskwelahan sa Pilipinas upang mas mapalawak pa niya ang kaalaman niya sa pagpapalakad ng negosyo nila. Ngunit tila pinal na ang desisyon ni Gabriel kahit ano'ng pangungumbinsi pa ang gawin niya dito.
"Bata pa 'ko noon, dad. My decisions were out of my childhood impulses," he reasoned out while pacing back and forth sa loob ng malawak na opinisa ng ama. Doon siya naglalagi tuwing kailangan niyang i-supervise ang pagpapatakbo ng negosyo nila; tuwing pinag-aaral niya ang kalakaran ng pagpapatakbo niyon. Nangyayari lamang iyon kapag may libreng oras siya sa eskwela. Nakapagtataka mang kasagsagan nga ng thesis niya ay naroon siya, iyon ay dahil may iniutos si Gabriel sa kanya na nais nitong personal niyang pakiharapan.
"And you think you are mature enough now?" balik-tanong sa kanya ni Gabriel, slowly getting puzzled at his son's behavior.
Napahugot ang binata ng hininga. Kulang na lamang ay magmakaawa siya sa inang si Alicia upang kampihan siya nito, ngunit alam niyang sa puntong iyon, sasang-ayunan din nito ang kanyang ama't lalo na sa mga ganoong usapang may kinalaman na sa negosyo. His mother respected his father's ideals and decisions when it comes in handling their business.
"Your actions speaks otherwise, son," muling saad ng kanyang ama na nagpagising sa diwa niya. "Why the sudden change of heart? Mabibigyan mo ba ako ng mabigat na dahilan para maliwanagan kami ng mommy mo sa tila pabugso-bugso mong desisyon?"
Hindi agad nakasagot si Gabbey rito. Naririnig niya sa kabilang linya ang malumanay na tinig ng ina na tila sinasaway si Gabriel. Ngunit halatang ayaw na din magpaawat ng isa dito. His father might be the calmest and kindest person you've ever met. Once in a blue moon lang kung magalit, ika nga. Ngunit kapag tumaas na ang boses nito— tanda ng pagiging galit, halos magkumahog din ang mga empleyado nito sa opisina. Kahit ang kanyang ina ay tila maamong tupa na sa ganoong pagkakataon.
"See? You can't even—"
"I think I'm... Dad, please," he breathed some air in exasperation. "What if I'm in love?" nabiglang saad niya.
"That's bullshit Aidan Gabriel!"
Sa unang pagkakataon ay naranasan ni Gabbey ang mapagtaasan ng boses ni Gabriel. His first heartache with Mira then ay hinayaan lamang siya nitong magmukmok. Hindi man niya inaasahan ang reaksyon nito, mas lalo lamang sumidhi ang hangarin niyang ipaglaban ang nabuo nang desisyon.
"That's the stupid thing I have ever heard," dagdag pa ni Gabriel sa tonong tila galit na. "At sa anak ko pa. For christ sake, Gabbey! Isasakripisyo mo ang kinabukasan mo for some undecided feelings that you have for someone? How can you be that—"
"Shallow? Immature? Call it whatever you want dad. I may be stupid in your eyes, but I have decided and that's final. Sinunod ko naman lahat ng gusto niyo dad. If you want me to beg you, then I am begging you now. Ngayon lang dad. Please let me stay."
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...