8

5.1K 110 46
                                    

~8~

Malapit na ang graduation nang umabot ang balita kay Gabbey tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kasintahan niyang si Mira.

Karelasyon daw nito ang adviser sa school paper nila. Pamilyadong lalaki na nasa treinta na din ang edad at may dalawang maliliit na anak. Totoong may itsura din naman ito pero alam niyang mali pa rin iyon.

Ang masaklap, parang ayaw tanggapin ng utak niya ang mga akusasyon sa nobya.

"Aidan..." umiiyak na saad ni Mira. "I..."

Kasalukuyan silang nag-uusap sa bench sa campus nila at naghanap ng lugar na walang gaanong tao. Pinasya niyang kausapin na ito pagkatapos niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay kagabi.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Mira. "Tell me it's not true, tell me it's not. Na gumagawa lang sila ng kwento tungkol sayo. Sabihin mo sakin Mira, please."

Hindi sumagot ang kausap. Tanging nakayuko lang ito sa kanyang tabi habang patuloy na umiiyak.

"Then at least tell me na ako ang mahal mo. Na ginipit ka lang niya. Na napilitan ka lang. Sabihin mo... parang awa mo na," pagmamakaawa niya sa katipan.

"Aidan, I'm sorry..." mas lalo pang lumakas ang hagulgol nito.

Doon na siya napasuntok sa sementong upuan.

Hanggang kailan ka magbubulagbulagan Gabbey?

Pagkatapos siyang pagsabihan ni J may isang buwan na din ang nakalilipas ay unti-unti na niyang naramdaman na tila may kakaiba nga kay Mira pagkalipas ng mga araw. Lagi na itong nagsisimula ng munting away. Madali na itong magalit sa kanya. At minsan ay ito pa ang umuudyok na hiwalayan na niya ito.

Sa halos mag-iisang taon na ding relasyon nila kaya masasabi niyang kilala na niya ang ugali ni Mira, or so he thought.

Naalala niya noong kumprontahin siya ni J noong nakaraang linggo sa locker room.

"Bro, ano, natanong mo na siya?"

"Hindi pa," sagot niya dito dahil hindi niya naman talaga alam kung paano tatanungin si Mira.

"It's true," pahayag ni J sa kanya.

"J, please. Ayokong ito ang maging dahilan ng alitan natin," wala sa huwisyong sagot niya sa kaibigan. “Girlfriend ko yung tao.”

Pero tila mas lalo lamang nainis si J sa reaksyon niya. "I'm your friend kaya ayokong nakikita kang ganyan. Lagi ka na ngang wala sa sarili. Ano ba’ng pinakain sayo ng babaeng yan? Buksan mo nga mga mata mo Gab. She doesn't deserve you!"

"Baka... may dahilan lang siya," pagtatanggol niya pa rin kay Mira.

"Bullshit. Ano'ng klaseng dahilan yan at nagawa ka niyang lokohin ng ganun?" galit na saad nito. "Makinig ka. Your girlfriend is a whore."

Malakas na sinuntok ni Gabbey si J kaya bumalandra ito sa dingding. Ngunit nasaktan man ang isa ay marahang dinama lang nito ang dumugong nguso bago napailing.

"It's true. Cause she even offered herself to me," saad nito bago walang salitang inimis na ang mga gamit sa bag.

Tigagal lamang si Gabbey sa kinatatayuan sa sinabing iyon ni J. Hindi matanggap ng kalooban niya ang narinig.

"In case na bumalik na sa huwisyo ang utak mo, you know where to find me," saad pa ni J bago siya tinalikuran.

Isang linggong hindi sila nagkibuan ng matalik na kaibigan. Nagkataon ding nakauwi na ang mga magulang niya kaya may rason ding hindi siya mag-overnight sa bahay ng mga ito. Alam niyang concerned lang ang kaibigan niya sa kanya ngunit nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa nobya. Pero kahapon, habang pauwi siya ay naisipan niyang daanan ang nobya sa office ng school paper nila upang sorpresahin. Kasalukuyan daw kasi itong may dapat tapusin dahil deadline na ng submission ng articles para ma-publish na din sa buwang iyon.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon