3

7.5K 129 55
                                    

~3~

"Gab!" Malakas na sigaw ni Cheska ng makita ang kababata.

Nasa akma siyang pagpasok ng gate ng bahay nang mapalingon sa bahay nina Gabbey. Mabilis na binagsak niya ang hawak na school bag bago tinakbo ang kinaroroonan ng kababata na kasalukuyang nakaupo pasandal sa gate habang katabi naman ang bisikleta. Halatang nagpapahinga na ito base sa pagkakasalampak ng upo.

Alam ng dalaga na kagagaling lang ng binata sa routine nitong pagbibisikleta sa subdivision nila na siyang kinasanayan na nitong ehersisyo tuwing araw ng Sabado't Linggo. Iyon kasi ang payo ng Daddy nitong magandang ehersisyo.

Sa katunayan ay nagpabili din siya ng bisikleta sa kanyang mga magulang upang makasama sa matalik na kaibigan tuwing nag-eehersisyo. Ngunit ng araw na iyon ay nagkataong may ensayo sila para sa isang dula kung saan siya ang pangunahing tauhan kaya ginabi na din siya ng uwi.

Natutuwa siyang makitang naabutan pa niya ang binata sa labas ng bahay ng mga ito.

"Oh ba't mo binitawan ang bag mo? Madudumihan yun. Kamusta ang play?" nakangiting tanong sa kanya ni Gabbey nang tuluyang makalapit siya dito.

"Hayaan mo na, kukunin din ni yaya yun. Mabuti na lang naabutan kita sa labas. Ayos lang naman, ready na kami. Bukas ang final dry run with costumes na talaga. Monday kasi ang presentation, makakapanood ka ba?" tanong niya dito na nasa tinig ang pag-asam.

Saglit itong napaisip. "Hmm. Di ba may pasok kami?"

Hindi naitago ni Cheska ang paglungkot sa sinabi narimig. Hindi niya naman masisisi ang binata dahil may klase din ito at lubhang napakalayo ng campus niya sa paaralan ng kaibigan. Sa Miriam College kasi siya nag-aaral ng high school at nasa Katipunan pa iyon.

Ginulo ni Gabbey ang buhok niya kaya hindi na niya napigilan ang paglabi. "Huwag ka ng malungkot," pag-alo nito sa kanya. "Susubukan kong pumunta. Itext mo ako kung ano'ng oras."

Sa narinig ay bahagya ng napanatag ang kalooban ni Cheska. Umaasa siyang darating si Gabbey sa school play niya sa Lunes. "Aasahan ko yan ha?"

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Hindi ako nangako ha, sabi ko lang susubukan ko haha. Umuwi ka na. Amo'y pawis ka na oh," tukso nito sa kanya. Tumayo na ito sa pagkakaupo at nilukot pa ang ilong habang pabirong inamoy siya.

"W-What?! Hindi kaya!" mabilis siyang umatras palayo sa kababata at inamoy ang suot na t-shirt. Kakapalit niya lang nun kanina at alam niyang hindi niya din kinakalimutang magpabango.

Natawa si Gabbey sa inakto niya. "Hahaha. I'm just kidding. Masyado ka talagang conscious," tukso nito at pinisil ang pisngi niya.

"Aray! Hmp. Uuwi na nga ako, kainis ka," tumalikod na siya upang magmartsa pabalik ng bahay nila pero mabilis na naagapan ni Gabbey ang kanang kamay niya at hinila paharap dito.

"Ito naman, tampopot agad parang joke lang eh."

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon