~2~
7 years later…
"Gabbey! Laro tayo ng basketball!" malakas na sigaw ni J.
Kunot-noong tinapunan niya ng tingin ang kaibigan ng tuluyang makalapit dito.
"Quit calling me Gabbey kapag nasa school tayo. It's Aidan, okay? Nakakainis pakinggan. Parang bini-baby ang feeling ko. Pareho kayo ni Cheska. Alam mo namang sina Mommy lang ang tumatawag sakin niyan," saad ni Gabbey kasabay ng pagbuntong-hininga.
Parang gusto niyang pagsisihan na nadala niya minsan sa bahay nila ang kaibigang si J. Pagkatapos kasi nitong marinig sa mga magulang at mga kasambahay na Gabbey ang tawag sa kanya ay nakasanayan na din nitong tawagin siyang ganoon.
"Mas cool nga ang Gabbey eh. Anyway saan ka ba galing? Nawalan na pala ako ng ganang magbasketball. Bukas na lang sa bahay kasama ang mga pinsan ko. Saturday naman," pag-iiba nito ng usapan.
May hawak itong limang stick ng fishball at inabot sa kanya ang dalawa. Kinuha niya iyon at ginaya ang pagsandal nito sa dingding ng pintuan ng kanilang silid aralan.
Lahat ng napapadaan na estudyante ay hindi na naitago ang paghanga sa dalawang binatang nag-uusap. Maya’t maya din ang paglingon ng ilan kahit nilampasan na sila. Hindi maikakaila na agaw pansin ang taglay nilang kagwapuhan kahit sa murang edad.
Kung si J ay aliw na aliw sa atensyong binibigay ng mga kababaihan at minsan ay bumabalik pa ito ng kaway sa nagpapapansin, taliwas naman iyon sa ugali ni Gabbey. Madalas siyang napagkakamalang suplado dahil likas na sa kanya ang pagiging tahimik. Isang tipid na tango at ngiti lamang ang kanyang sinusukli kapag nagkataong may nakasalubong siya sa daan.
"Sa elementary department ako galing, nanood ng girls basketball. Nakakatawa talagang maglaro ang mga babae noh? Kung saan ang bola dun lahat eh," natatawang kwento niya sa kaibigan.
Ngumisi lang si J sa tinuran niya. "Sus. Wala namang magaling dun eh. Wait ‘til you see my cousin. Kayang makipagsabayan sa lalaki nun," mayabang na saad nito sa kanya.
Hindi maiwasang matawa ni Gabbey sa kaibigan. Alam niyang may katotohanan ang bawat pahayag ni J at siguro nga ay tunay na magaling ang pinsan nito pero hindi pa rin niya kayang paniwalaang kaya nga nitong makipagsabayan sa mga lalaking maglaro ng basketball. Hindi pa naman niya nakita ang sinasabi nitong pinsan. Baka masyado lang exaggerated ang kaibigan niya.
"You don’t believe me noh? I'm not kidding. Anyway baka dito na mag-aral next school year yun. Assumptionista kasi. Bothered na sina Mama Louise baka maging tomboy ang only girl niya. Aayain kong mag three on three tayo minsan nina K. Syempre kampi kami para masampolan ka niya hahahaha."
He can sense fondness in J’s voice. Halatang aliw na aliw ito sa pinsan. Isa din sa ikinaiinggit ni Gabbey dito. Lumaki kasi si J sa isang malaking pamilya kahit na dalawa lamang silang magkapatid ni K. Ayon sa kwento nito, kasama din nito sa bahay ang mga anak ng kapatid ng Mommy nito kaya may tatlo pa siyang pinsan na kasabay lumaki. Nakilala na niya sina Justin at Kurt na doon din nag-aaral sa UST. Panganay si J sa magpipinsan. Ang bunso na lamang ang hindi pa niya nakilala, na ayon dito ay babae daw.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Malapit na pala eh. March na ngayon oh. Sure. If she'll make me eat dust before I could."
Tila balewala naman kay J ang sinabi niya dahil nagkibit-balikat lamang ito.
Simula ng maging magkaklase silang dalawa noong grade one siya ay naging matalik na silang magkaibigan. Hindi na din kasi sila halos nagkahiwalay ng section. Lagi silang magkasangga sa kalokohan kahit madalas ay ang kaibigan ang pasimuno. Ang ilang insidenteng pagbisita niya sa guidance office sa kasong vandalism gamit ang spray paint ay dahil din sa utos ni J.
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...