~9~
Sa sobrang bilis ng panahon hindi na halos napansin ni Gabbey na marami-rami na din ang nagbago sa sarili niya. Minsan ay kusa na lamang sumusulpot sa balintatanaw ang dating kasintahan, ang mga masasayang sandali nilang magkasama at mapapangiti na lamang siya ng mapait kapag naaalala na niya ang panlolokong ginawa nito at sa huli ay mapapailing na din siya sa sariling kagaguhan.
She’s not worth it.
Mahal pa nga ba niya si Mira kaya hindi niya na magawang sumubok muli ng panibagong relasyon?
Agad din niyang inilihis ang sarili sa pagbabalik-tanaw.
"Louie!" malakas na tawag ni Gabbey sa dalagita na nakita niyang malalaki ang mga hakbang habang tinutungo ang direksyon ng high school department. "Hah! Grabe, ang bilis mmong maglakad. Orientation niyo daw?" tanong niya dito at sinabayan ito.
Noong nakaraang araw, nang pumunta siya sa bahay ng mga ito pagkatapos siyang tawagan ni J upang doon na lamang tumambay ay agad naman siyang napasugod. Bukod sa may lakad din ang mga magulang niya, hindi niya din mahagilap ang kababata. At ayon sa mommy nito ay kasama ang mga kaibigan para sa isang out-of-town trip kaya naman kaysa mabagot ay nagpasya na lamang siyang igugol kina J.
Naabutan niyang nakaupo ang dalagita sa pangalawang step ng porch sa bukana mismo ng pintuan ng bahay habang tila pinagdidiskitahan ang hawak na tamiya. Sinungitan pa siya nito na hindi na lamang niya pinansin. Nang tanungin niya si J ay doon niya nalaman na nagkasagutan daw pala si Louie at ang mama nito dahil ayaw itong payagang mag-aral sa Philippine Science High School kung saan ito pumasa at gustong-gustong pasukang campus ng dalagita.
Doon niya din napagtantong masyadong mature si Louie para sa edad nito dahil hindi lang nito alam ang gusto, bagkus ay ipaglalaban pa.
Sa nakalipas na taon habang abala siya sa pagseseryoso sa paglalaro bilang varsity player sa University kasabay ng pressure ng pag-aaral bilang college student, nasubaybayan niya din kung paano lumaki si Louie. Hindi naman imposible lalo’t halos doon na siya nakatira sa bahay ng mga ito. Masasabi ni Gabbey na parang pagtinging kapatid na din ang turing niya dito katulad ng pagtrato niya Cheska ngunit ang kaibahan nga lang, hindi niya magawang ipahalata masyado ang pag-aalala kay Louie dahil hindi ito sanay na pinoprotektahan. Kusang lumalayo ito. Kaya naman katulad ng mga pinsan ng dalagita, ay halos palihim lang din sila sa salitang pagtanaw dito mula sa malayo upang maya't mayang i-check ang kalagayan nito sa eskwela.
Lalo’t nasa hayskul na din ito ngayon.
"Oy pre, ikaw pala." Bahagya lamang siyang sinulyapan ng dalagita at muling itinuon nito ang pansin sa dinadaanan. "Oo eh, ikaw, ba't nandito ka sa high school department?"
Hindi niya mapigilan ang pagngiti dito lalo na nang mapansin niya ang mga ka-edarang kalalakihan nito na ilang beses ding sumulyap-sulyap kay Louie na halatang hindi naman napapansin ng isa. "Bibisitahin ka syempre." She's already sporting her hair short, walks like a boy, but still a head-turner for that matter. "Tsaka baka maglalaro kami mamaya nina J, nood ka ha?" He gave a wink after saying that.
Agad naman itong nagpahayag ng pagsang-ayon. He offered to pick her up from their classroom later that afternoon pero magalang na tumanggi si Louie at nagmamadaling nagpaalam na sa kanya.
Excited sa first day of orientation.
Napangiti na lamang si Gabbey sa naisip at ginulo ang buhok ng dalagita bago nagpasyang bumalik na sa gym ng college department.
Naabutan niya si J sa labas ng gym na katulad niya ay naka-jersey uniform din at kasalukuyang may kausap gamit ang Bluetooth device headset habang kumakain ng cookies mula sa hawak na disposable Tupperware. Nasa maliit na pouch bag na nakasabit sa leeg nito ang cellphone.
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...