~15~
"Tang'na naman oh. Ang gago talaga mag-isip," marahas na bulong ni Gabbey habang mag-isang nakaupo sa malaking sofa sa TV room ng mansyon nila. Wala din naman ang atensyon niya sa pinapanood bagkus lumilipad pa rin ang utak niya sa huling pag-uusap nila ng matalik na kaibigan dalawang araw na ang nakalilipas. Hindi ito pumasok kahapon at kung anuman ang dahilan nito ay palaisipan din sa binata.
Nang gabi ding iyon ay natagpuan na lamang ni Gabbey ang sarili sa isang bar sa Makati. Mag-iisang oras na siyang nakaupo, nakadalawang bucket na ng beer at makailang beses na ding itaboy ang mga babaeng gustong maki-share ng upuan sa kanya.
He was not it the mood to mingle. Pero nang magsimula na siya sa pangatlong bucket ay naramdaman na din niyang medyo natatamaan na siya ng alak.
"Uhm, hi? Pwedeng maki-share?" tanong ng isang babae sa kanya.
Saglit lamang na tinapunan ni Gabbey ang kabuuan nito at napatango. Marahil ay dala na din ng mga nainom kaya wala sa sariling napaunlakan niya ito.
The woman was slender with long wavy hair and her outfit showed the curves of her body. She was wearing a tube top na napapatungan ng cardigan, a skirt that revealed her long legs at gladiator na pangsapin nito sa mga paa. Kulang ang salitang magaling itong magdala ng damit dahil halata sa postura nito na may sinasabi sa buhay ang babae. She must be on his age too o baka ahead pa sa kanya ng ilang taon.
He shrugged at the thought.
"You like what you see?" amused na tanong ng babae sa kanya.
Gabbey averted his eyes from her and focused on his beer. Nagpakawala ang babae ng mahinhing tawa saka hinila ang upuang nasa harap ng binata at umupo. Narinig niyang nagpakilala ito sa kanya, ngunit hindi na niya inabala ang sariling tandaan ang pangalan nito.
Patuloy lamang sa pagsasalita ang babae, na sa palagay ng binata ay nililipad ng hangin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Wala naman siyang narinig na reklamo, ngunit hindi nagtagal, natagpuan na lamang ni Gabbey ang sariling kahit papaano ay nakikinig na dito.
Bahagya niyang tinitigan ang bote ng hawak na beer na tila iyon ang tinuturong salarin.
"...actually, napansin na kita kanina pa. I was sitting there," turo nito sa kabilang mesa na tapat lamang ng inuupuan niya. Napansin niyang napapatingin na din ang ibang mga kalalakihan sa table nila. Marahil ay dahil sa kasama niyang babae. Hindi naman kaila sa kanya na head-turner nga ito.
"Halos magkasabay lang kasi tayong pumasok dito. But it seems that you didn't notice anybody in the room," pagpapatuloy pa nito.
Tumango lamang siya dito. "Uhm."
"Do you wanna share your... problem? Makakatulong daw sa paggaan ng pakiramdam 'yon."
Nagkunwari siyang walang narinig.
"Ikaw din," dagdag nito. "I think it's better to share it with strangers."
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...