~13~
"Dad, akala ko ba uuwi na kayo this time? Is there something else that I need to know? I'm lost here," may kataasang boses na ding tanong ni Gabbey sa ama.
Ang sinabi nitong next month na pag-uwi ay nauwi sa isang taon. Na nasundan pa ng isang taon. At ng isa pa. Parang siya na halos ang nagpapatakbo ng negosyo nila kasama ang itinagala nitong pansamantalang OIC. Sabihin pang naroon naman ang mga tauhan ng kanyang ama at more on supervision lamang siya. Pakonswelo na lang na lahat ng mga tauhan nila ay talaga namang reliable. Minsan ay hindi na rin niya ito nahahagilap. Maging ang kanyang ina ay bihira na din niyang makausap sa telepono. Iilang beses lang umuwi ang kanyang ama sa nakalipas na mga taon at mabibilang pa niya sa limang daliri. Hindi pa nito kasama ang kanyang ina sapagkat ito daw ang pansamantalang humaharap sa ibang business deals nila sa US. Ngunit kahit si Gabbey ay bahagyang nagdududa na.
Something's going on.
Pero agad din siyang napailing upang iwaksi ang mga negatibong ideya sa utak.
You're too doubtful, Gabbey.
Narinig ng binata ang pagbuntong hininga ng ama sa kabilang linya. "Hijo, alam naming marami nang katanungan ngayon dyan sa isipan mo. Hinihiling lang namin ng mommy mo na tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Graduating ka na naman di ba? Isang taon na lang. Then papupuntahin ka na namin dito ng mommy mo."
Awtomatikong napalunok siya sa narinig. "W-Why?"
Mahinang tumawa si Gabriel sa kabilang linya. "You sound surprised. Ayaw mo ba kaming makasama ng mommy mo?"
"I-I mean, who will handle our business here if that's the case, Dad?" he countered immediately.
"Gusto namin ng mommy mo na dito ka magpakadalubhasa sa US. You're going to take your master's degree here. Hindi ba't napag-usapan na din natin ito dati pa?"
Wala sa sariling napatango na lamang ang binata na tila kaharap ang ama.
But Dad...
"May problema ba, anak? Is there something, or should we say someone, that's holding you back now?" tanong ni Gabriel sa tonong nananantiya.
Matagal na sandali bago nakasagot si Gabbey dito.
"Nothing, Dad. Nothing."
Hindi nagtagal ay nagpaalam na din ito. Hindi na niya nakausap ang ina sapagkat nagpapahinga na daw. Matagal nang nakahiga sa kama ang binata ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ng ama. Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga upang aliwin ang sarili sa ibang bagay ngunit mas lalo lamang tumaas-baba ang dibdib niya sa naramdamang tensyon at biglang pagdagundong ng dibdib. Dumako ang tingin niya sa partikular na framed painting na nakasabit sa dingding ng silid. Kahit malayo sa kasalukuyang pwesto ay hindi na niya kailangang lapitan pa iyon upang malaman ang mga nakasulat na tula sa gitna ng naturang painting.
Dahil sauladong saulo niya ang bawat katagang nakalagay doon.

BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...