~17~
"Gab, I need to talk to you about something."
He didn't know why he suddenly felt a pang in his chest upon hearing J's words. It was as if the air going through his lungs was impeded or something. Ilang mga katagang mabilis na naghatid ng samu’t saring emosyon sa binata. Wala pa man ding nababanggit na pangalan ang kausap ay tila may partikular na tao nang sumagi sa isipan niya.
He blinked.
Nagawa naman niyang iangat ang paningin mula sa hawak na folder. Hindi naman talaga siya nagbabasa. Walang pumapasok sa utak niya sa kasalukuyan dahil kung anu-ano na ang mga tumatakbo sa utak niya. Bagamat nasa library siya ng kanilang mansyon at pinipilit ang sariling magbasa ng mga dokumento, hindi naman siya nagambala ng pagpasok ng kaibigan pagkatapos itong ihatid ng kawaksi.
Sa nakalipas na ilang araw ay bahay-opisina-at-eskwelahan na lamang ang routine ni Gabbey. Sa katunayan, gusto niya ring gamitin ang ilang nalalabing mga araw sa Pilipinas upang makasama si Louie. Ngunit hindi iyon sinang-ayunan ng kaibigan niyang si J pagkatapos nitong malaman ang tungkol sa sitwasyon ng kanyang ina at sa napipintong pag-alis niya. Ito pa mismo ang nagsabing hindi makakabuti ang patuloy niyang paglapit sa pinsan nito.
Kaya hindi man maisatinig ni J sa kanya, alam na ni Gabbey ang dahilan kung bakit bigla-biglang tila ayaw na nitong bumisita siya sa bahay ng kaibigan.
Dahil kay Louie.
Lihim siyang napahugot ng buntong-hininga.
Louie Antoinette...
Napansin niya ang nakakunot-noong ekspresyon ni J habang nakatingin sa kanya. "Did you hear me, Gab?”
“What?”
“I said, you should stay away from Louie."
Napasandal siya sa swivel chair sa kawalan ng sasabihin. Hindi niya alam kung bakit pero tila inaasahan na niyang mangyayari ang insidenteng ito isa sa mga araw na iyon. Ang nakakatawa pa, alam niya rin sa sariling matagal na niya dapat na ginawa iyon. Right after he knew he had to fly abroad.
But he couldn’t.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang ayaw makisama ng puso't isip niya sa narinig?
"Ano'ng—"
"Huwag na nga tayong maglokohan ‘pre. I don’t want to risk our friendship kaya ngayon pa lang, huwag na nating hayaang umabot pa iyon sa ganoong punto. Ang masira tayo dahil lang kay Bunso. So I am asking you this favor for the first time."
Matagal siyang hindi nakapagsalita habang nagtatalo ang isipan. He felt uneasy that he couldn’t explain why he didn’t want to hear any of it.
But he had to.
Why life has to be this cruel to him?
![](https://img.wattpad.com/cover/7812469-288-k788523.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...