~10~
Napangiti si Gabbey nang matanaw niya si Louie papasok ng gym. Bitbit ang katamtamang laking backpack nito na kulay luntian, tahimik lamang itong umupo sa bandang gitna ng bleachers na sentro din ng court. Hindi man lamang nito inabalang kunin ang pagkakasukbit ng backpack sa likod habang hindi inaalisan ng tingin ang mga naglalaro.
Alam niyang pinag-aaralan nitong mabuti ang galaw ng pinsan na kasalukuyang power forward ang posisyon. Isa iyon sa magandang ugali ng magpipinsan dahil sila-sila din mismo ang nagki-critique sa galaw ng bawat isa at nagsa-suggest ng kailangang i-improve sa play.
Kasalukuyang practice game nila sa pagitan ng FEU kaya medyo madami din ang mga taong nanonood sa gym. Kaka-sub lamang sa kanya upang makapagpahinga ng konti at nagkataong nakita niya si Louie. Siya din kasi mismo ang nagsabi dito na may practice game sila.
Napagpasyahan niyang magpaalam saglit sa coach at lapitan na ang dalagita.
"O asan ang mga bagong kaibigan mo, ba't nag-iisa ka?" nakangiting tanong niya kay Louie nang tuluyan na siyang makalapit dito.
Dalawang beses pa siyang nilingon nito na tila nagulat sa pagsulpot niya.
"Wuy, Aidan!" bahagyang nanlaki pa ang mga mata nito. "Ah, ano. May tryout si Charlie sa softball eh, though feeling ko for formality’s sake lang naman. Then si Chan-Chan, may meeting sa other presidents ng ibang year level. Di rin naman mahilig sa basketball yun."
Nauna niyang nakilala ang babaeng kaibigan nitong si Charlie nang isama nitong pumunta sa gym bandang lunch break kahapon. Kinahapunan naman niya nakilala si Chan-Chan, na nakita nila ni J na hinahabol ito ng isa sa football field. Base sa nakita nila ay halatang pinagdiskitahan ni Louie ang kaibigan dahil halos maiyak na si Chan-Chan dito na napagkamalan pa nilang babae.
Natutuwa sila nila J na may nakakasama na itong mga kaibigan dahil bihira lamang itong makipaglapit sa mga tao lalo na sa eskwela. Marahil nga ay nakapalagayang loob nito si Charlie dahil parang kaugali lang halos ito ni Louie. Pareho kasing boyish ang dalawa at animo mga siga kung maglakad habang si Chan-Chan naman ay… tila mas babae pa yatang kumilos sa mga ito.
Ngumiti siya sa paliwanag ni Louie bago umupo sa tabi nito. Sabay nilang pinanood ang laro.
Tatawagin na lang ako ni coach mamaya, usal niya sa isip habang pasimpleng tinanaw ang bench ng team nila.
"Galing mo talaga kahapon ah," hindi niya napigilang saad nang maalala ang nangyari kahapon.
Natatawang nilingon naman siya nito sa namimilog na mga mata. "Ha? Tsamba kamo, hahaha! Mabuti na lang magaling si Charlie sa softball!"
Nagulat kasi siya nang malaman niyang nakipagpustahan ito kahapon kay Allison. Hindi niya alam kung paano nagkakilala ang dalawa dahil freshman pa lamang si Louie samantalang senior na ang isa.
But he had to admit that he kind of made a little mischief during the softball match yesterday.
BINABASA MO ANG
Chasing My Stubborn Princess
Romance"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I will still give you everything I've got even if it's barely anything at all," Aidan Gabriel. Note: T...