1

11.6K 178 71
                                        

~1~

"How's your first day in school anak?"

Napalingon ang pitong taong gulang na si Gabbey sa ina na kasalukuyang gumagawa ng laruang baril gamit ang Lego. "Great Mom! I have a new friend. His name's J and he's very patient in teaching me how to perfectly shoot balls."

Nasa unang baitang ng elementarya si Aidan Gabriel o mas nakasanayan nilang tawagin sa palayaw na Gabbey ang kanilang unico hijo. Pinagpasyahan nilang ipasok na mag-asawa sa isang Katolikong paaralan ang anak na may kalapitan sa kanilang bahay. Sa University of San Tomas o mas kilala sa tawag na UST, kung saan doon din dating nag-aral ang kanyang esposo hanggang sa magtapos ito ng kolehiyo bago nagpatuloy ng master's degree sa Oxford, California.

Nasiyahan naman si Alicia sa sinabi ng anak. "I'm very happy that you already found a friend. Do you like your new school then?"

Masayang tumango ang bata sa ina. "I want to be a varsity player Mom. In basketball specifically. That’s what Dad was before, too, right?"

Tumango siya bilang sagot.

Hindi na ikinagulat iyon ni Alicia. Halatang nagmana ang kanyang anak sa ama nitong dating basketbolista noong kabataan. "Aren't you going to miss your friends in California? We might stay here for good." Nananantiyang tanong niya dito.

"I already miss them, but we'll visit them on holidays, right? Besides, Cheska's just a few blocks from our home," nakangiti pang dagdag nito sa ina na tila noong mga nakaraang linggo lang ay inuungot na ang pagbalik nilang mag-anak sa California.

Si Cheska ay anak ng matalik na kaibigan ng kanyang esposo. Ang ama din ni Cheska ang tumulong sa kanila para makabili ng bahay sa ekslusibong subdivision na iyon. Nasa ibang bansa na din kasi halos lahat ng ari-arian nila at ang mga property na meron sila sa Pilipinas ay malayo din sa sibilisasyon bukod sa hindi din residential.

Kaedad ni Gabbey si Cheska na siyang naging unang kaibigan ng kanyang anak simula ng lumipat sila noong nakaraang buwan. The girl’s too friendly to make friends with her son na noo’y halos kibuin-dili din ni Gabbey. Masyado kasing mahiyain ang anak niya sa bagong tao. At dahil sa katotohanan ding hindi pa ito matatas magsalita ng Tagalog at tila ayaw ding pagtawanan ang mali mali nitong pagsasalita.

Wala silang malalapit na pamilya sa Pilipinas dahil kapwa sila nag-iisang anak na mag-asawa. Kahit ang kanyang mga magulang ay naka-base na din sa California habang ulila naman si Gabriel sa magulang pagkatapos masangkot ang mga ito sa plane crash. At noo'y ipinagbubuntis pa lamang niya ang kanilang anak na si Gabbey ng mangyari ang insidenteng kumitil sa buhay ng mga magulang nito.

Bukod sa naunang nabanggit, ayaw din ng asawa niya na masyadong malayo ang byaheng bubunuin nito sa kasalukuyang pinapatayong bagong building ng opisina at pati na rin sa pinapasukang eskwelahan ng anak nila. Ayun dito ay mas mainam na sa murang edad ay maging hantad na ang kanilang anak sa bilis ng buhay sa siyudad upang hindi ito mahirapang makipagkapwa tao sa hinaharap.

"I don't know with your Dad. He wants us to settle here. But maybe we'll find time to visit your friends in California someday," pagpapaliwanag naman ni Alicia sa anak.

Maya-maya ay narinig nila ang busina ng sasakyan sa labas ng mataas na gate. Dali-daling iniwan ni Gabbey ang kasalukuyang pag-aayos ng baril-barilan at tinakbo ang gate upang salubungin ang ama pagkatapos ito pagbuksan ng mga kawaksi.

"Dad! Did you buy something for me today?"

Mabilis na binuhat ni Gabriel ang anak at pinupog ng halik. "Of course I have. Here," inabot nito ang isang malaking box na kinuha sa passenger seat. Makikita ang larawan ng helikopter sa labas ng kahon na iyon.

Excitement and sheer gladness masked Gabbey’s face. Mabilis nitong kinuha ang kahon habang patakbong dinala sa loob ng bahay at dali-daling binukadkad ang remote control helicopter.

Sinundan na lamang ito ng nakangiting mag-asawa na ngayo’y magkaakbay ng pinagmamasdan ang nag-iisang anak.

"How does this thing work, Dad?" kunot-noong saad ni Gabbey pagkatapos ilahatag ang lahat ng laman ng kahon sa sahig ng kanilang silid tanggapan.

Mabilis namang dinaluhan ni Gabriel ang anak at sumalampak din sa sahig upang tulungan ito sa pagmaniobra ng laruan. Pagkatapos maikabit ang baterya ng naturang laruan at turuan ang anak kung paano gamitin ang controller ay tuwang-tuwa pinalipad na iyon ni Gabbey. Hindi na sila halos pinansin ng batang lalaki habang paikot ikot na ito sa loob ng kabahayan.

Tumayo si Gabriel sa pagkakasalampak at hinarap si Alicia ng makitang abala na ang anak sa paglalaro. "Naka-adjust na siya di ba?"

Nakangiti namang tumango si Alicia dito. "Oo. May kaibigan na nga sa school. Ibinibida niya kanina.”

“He’ll be fine,” siguradong saad ni Gabriel habang sinusundan ng tingin ang anak na mag-isang naglalaro. Mababakas sa mata ang pagkaaliw at pagmamahal.

“Gusto daw magvarsity sa basketball. Panigurado, hindi matatapos ang buwan na 'to, matatas na magsalita ng tagalog iyang anak mo," dagdag pa ni Alicia sa kabiyak.

Natuwa naman si Gabriel sa narinig kaya napalingon siya sa asawa. "Aba! Gusto pa talagang tularan ang Daddy niya sa pagiging heartthrob?"

Kinurot naman ng marahan ni Alicia si Gabriel sa braso habang mahinang natawa. "Inatake ka na naman ng kayabangan mo ah."

"Totoo naman ah. Hindi ba't kaya ka nga nahumaling sakin noon at sunod ng sunod sa likod ko?" panunukso pa ni Gabriel sa kanya.

"Tumigil ka Gabriel, babaliktarin mo pa eh. Ikaw kaya ang sunod ng sunod sakin dati at kahit saan kami maglaro. Hindi naman tayo school mates noon," namumula nang saad ni Alicia.

"Asus. Oo na. Ako na nga. Kakalimutan ko ng sinadya mo akong batuhin ng bola para lang magpapansin hahaha."

Sa interschool competition na ginanap sa eskwelahan nila sa Ateneo ang dahilan kung paano sila nagkakilala ng asawa. Aksidente kasing natamaan niya ito ng bola ng volleyball habang nagdi-drills sila kasama ang kanyang team nang mapadaan naman ang grupo ni Gabriel na noo’y patungo naman sa gym upang maglaro ng basketball.

Lalo lamang pinagkukurot ni Alicia ang asawa sa tinuran nito na tawa lang ng tawa habang maya't mayang humihiyaw.

"Mom? Dad? Are you two fighting?" bakas ang pagtatakang bumadha sa mukha ni Gabbey habang hawak ang remote controller ng laruan.

Halatang nagsawa na ito kakalaro at maang nang nakatingin sa magulang.

Napatigil naman ang mag-asawa sa paglalambingan at kapwa nakangiting hinarap ang naguguluhang anak.

Marahan itong binuhat ni Gabriel at iniharap kay Alicia. "No we're not. Ganyan lang talaga magmahal ang Mommy mo, medyo masakit. You want a dose of her love too?"

Mabilis ang sunod sunod na pag-iling ni Gabbey sa sinabi ng ama.

Napuno ng halakhak ang kabahayan na iyon at saglit pa ay masayang nagtungo ang mag-anak sa komedor upang sabay-sabay maghapunan.

A/N:

Edi si Aidan na ang walang problema sa buhay at may masayang pamilya haha. Uyyy hindi sanay sa Gabbey. Totoo pong baby picture ni Wu Chun yang sa kilid. Dyan ako nahirapan actually kasi naghanap talaga ako. Kinabahan kayo no? Kala niyo ba lalabas na si Louie? Hahaha.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon