11

4.8K 118 41
                                        

~11~

 

"Who's that?" tanong ni J na kakarating lang.

Bahagyang napapiksi si Gabbey sa gulat pero hindi iyon nahalata ng kaibigan. Ngayon lang ulit siya nito kinibo pagkatapos ng pagkompronta nito sa kanya noong nakaraang araw. Marahil dahil na din sa naabutan nitong napapangiti siyang mag-isa habang hawak hawak ang cellphone na talaga namang nakakagulat. Pero bago pa makahuma si Gabbey ay hinablot na iyon ni J mula sa kamay niya.

"Hey, that’s mine! Give it back, man!" malakas na saad niya sa kaibigan at nagkukumahog na tumayo sa pagkakaupo upang habulin ito.

"What's the fuss? Ba't ka namumula, ha? Sino ba tong katext mo? Babae ba?" natatawang pang-aasar naman ni J habang paikot-ikot sila sa loob ng classroom. Sinubukan din nitong kalikutin ang cellphone niya pero hindi matuloy-tuloy dahil patuloy niya ding hinahabol ito.

"Tsk, ano ba! Si Louie lang yan," naiinis nang sabi ni Gabbey dito. Magkaharap na sila nito sa teacher’s table at nasa platform naman si J banda.

Ngising asong tiningnan lang siya ni J, halatang hindi naniniwala. "Si Louie lang, ganyan ka mamula? Gagawin mo pang front ang pinsan ko."

Napasuklay na siya sa buhok ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. "Oo nga. Akin na nga yang cellphone ko. J, ano ba?!"

"Then let me see it kung si Louie nga."

Napapikit na lamang si Gabbey sa kakulitan ng kaibigan at walang nagawang napaupo na lamang siya sa silya. "Fine. Just don't... laugh at me."

"Now that's weird, man," naiiling na natatawang saad ni J at naupo na din sa tabi niya. Pinuntahan nito agad ang inbox at binasa ang palitan ng mga text messages nila ni Louie. "Why would I laugh..."

Gabbey:

Louie, alam mo yung pick-up line?

 

Louie:

Hindi eh. Ano ba yun?

 

Gabbey:

Basta sagot ka lang ng 'Bakit?' pag

tinanong kita. :)

 

Louie:

Sige bah.

 

Gabbey:

Am I a bad shooter?

 

Louie:

Bakit?

 

Gabbey:

'Coz I keep on missing you. :)

 

Louie:

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon