6

5.7K 107 34
                                    

~6~

 

Rodriguez Residence, 6:00 am

Sapagkat isang buwang mawawala ang mga magulang, kinaugalian na ni Gabbey ang makitulog kina J tuwing walang pasok. Kasalukuyang pangalawang Sabado na ng pagtulog niya sa bahay ng kaibigan ay gumising siya ng maaga upang magjogging sa subdivision ng mga ito. Papasok siya sa kabahayan at dire-diretsong nagtungo sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Napatigil siya sa pintuan ng maulingan ang boses na tila tumutula.

"All my life I've been good, but now. O-O-O-O-O... What... the hell!"

Hinanap niya ang tinig at nakita niya si Louie na nakatayo malapit sa lababo. May hawak itong baso na may lamang tubig. Nakasuot ito ng puting jersey shorts at maluwag na t-shirt. Halatang galing din ito sa pag-eerhesisyo. Napag-alaman niya kay J na maaga ding gumigising si Louie upang magjogging. Pero hindi niya ito nakita kanina. Malamang mas nauna ito sa kanyang tumakbo. Halata kasing tuyo na ang pawis nito.

May suksok na headset sa tenga ni Louie habang hawak-hawak ang maliit na notebook. Nakatayo ito patalikod sa kanya at halatang hindi napansin ang presensiya niya. Amused na inobserbahan niya ang dalagita. Napangiti siya sa simpleng pag-indak nito ng katawan na tila sumasayaw sa saliw ng rock music.

Nag-aaral ba 'to? May notebook eh. Pero bakit may... 'What the hell?', hindi mapigilang tanong ni Gabbey sa sarili.

Maya-maya ay mahinang nagheadbang na ito ng ulo. At muli ay narinig niya ang pagtutula nito.

"All I want is to mess around... And o-o-o-o-o don't really care... about!"

Naglakad ito patungo sa fridge at kumuha ng fresh milk, muling isinalin sa baso at inisang lagok ang gatas. Nang pagpasyahan niyang iparamdam sa dalagita ang presensiya ay mahina muna siyang tumikhim.

"Lou—"

"What..." Nang bigla itong lumingon pagkatapos ilapag ang baso sa lababo. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at biglang humina ang boses, "the hell."

"N-Nagulat ba kita? I'm sorry," hinging paumanhin ni Gabbey kay Louie.

Marahil ang pagkagulat sa anyo nito ay dahil sa ideyang naabutan niya itong tumutula. Mabilis naman itong nakabawi bago siya nilampasan na tila walang nangyari. Bilib talaga siya sa ugali ng dalagitang ibalik ang kalmadong anyo. Wala sa sariling sumunod siya sa likod ni Louie nang makita niyang nakasalubong nito ang pinsang si K.

"Ang pangit talaga ng boses mo," pang-aasar ni K sa pinsan. Tinanguan naman siya nito.

Hindi naman pinansin ni Louie ang pasaring nito na marahil ay dahil may pinakikinggan ito sa headset kaya patuloy lang itong naglakad patungo sa silid tanggapan.

"Ba't ka pa kasi kumakanta? Idol mo pa si Avril, you're just ruining her songs," dagdag ni K dito na halata ang pang-iinis sa mukha. Nagpasya itong umupo sa tapat ni Louie na noo’y ipinikit na ang mga mata.

Chasing My Stubborn PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon