Hindi ako mayaman pero hindi rin naman sobrang hirap sapat lang kung baga.
Kimikita ng 40 k isang buwan nakakapagbayad ny bills nakakakain ng 3 beses isang araw minsan mahigit pa nga at higit sa lahat nakakapag abot naman sa magulang kahit papano, kahit pa nga ayaw nilang tanggapin kasi kapwa naman sila may trabaho. Kaya ang ginagawa ko nag si share na lang ako sa pagbabayad ng mga bills.
Pero sa kasalukuyang kinikita ko hindi ko afford ang iba pang extra expenses na out of budget, tulad na lang ng pagba bar.
"Come on Clay. Wala ka namang gagastosin dun birthday nga nung friend ni James. " pamimilit sa akin ng kaibigan at katrabaho kong si Cloe.
Inaaya nya akong sumama sa kanya mag bar kasi nga weekend at off naman namin.
"Ayaw ko sabi. Nakakahiya. Kung birthday yan ni James pwede pa. Pero birthday yan ng kaibigan nya na ni hindi nga natin kilala."
"Clay sige na naman oh. Please. Ayaw ko naman kasi na magisa lang ako pupunta dun."
"Kasama mo naman si James."
"Oo nga pero alam mo naman yun pag nagsimula na silang mag inoman ng mga friends nya na o OP na ako. Kaya nga gusto ko kasama ka para may kausap naman ako dun."
"Cloe sorry ayaw ko talaga. Iba na lang isama mo."
"At sino naman. Alam mo namang ikaw lang naman friends ko."
At nag sad face pa ito.
Pero walang epekto yun sa akin.
"Sorry talaga pero ayaw ko."
Wala ngang nagawa si Cloe.
Eight ng gabi dumating si James para sunduin si Cloe.
Ako na ang nagbukas ng pinto ng apartment namin para kay James.
"Pasok ka muna nasa kwarto pa si Cloe di pa yata tapos mag bihis."
"Sige. O ikaw bakit di ka pa nakabihis."
Sabi nya sa akin.
"Ayaw ko talagang sumama James. Sorry."
" But why?' Tila nagulat na sagot nito bago pumasok sa loob noon ko lang napansin ang lalaking nasa likuran nya.
"May kasama ka pala. Pasok kayo." Sabi ko.
"Yeah si Jude. The celebrant. Sinama ko kasi akala ko sasama ka. Naka motor lang kasi ako kaya sinama ko sya para may sasakyan ka. Bye the way Jude this is Clay. Clay si Jude best friend ko." Pagpapakilala sa amin ni James.
Kakawayan ko lang sana sya, pero iniabot nya sa akin ang kanyang kamay kaya inabot ko na rin at nakipag kamay ako sa kanya.
At para akong dinaluyan ng isang libong boltahe ng kuryente ng mag daop ang mga palad namin. At di ko alam kong naramdan nya din ba yun dahil bigla nyang napisil ang aking kamay.
"Hi nice meeting you." Sabi nya.
Isang simpleng handshake lang yun pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Akyat lang ako puntahan ko lang si Cloe." Paalam.ni James at dumeretso na ito sa taas kung saan naroroon ang ang silid ni Cloe.
Naiwan kami sa sala ni Jude.
"Upo ka." Sabi ko dito.
"Thank you." Sabi nya sabay upo sa mahabang sofa.
"Patapos na rin yun. Matagal lang kasi talaga si Cloe mag ayos." Sabi ko just to be polite.
"Ikaw. Akala ko sasama ka.?"
Ngumiti ako.
"Hindi. Nakakahiya"

BINABASA MO ANG
Fit into Mine
RomanceJude and Clay nagmula sa magkaibang mundo makaya kaya nilang yakapin ang pagkakaiba nila para sa pagmamahal.