Chapter 16(Matured content)

176 12 9
                                    

Warning: Desisyon niyo na yan choss haha.

Kinaumagahan maaga akong umalis ng hotel para makapag jogging. Hindi pwedeng walang excercise dahil kailangan naming hubugin ang katawan at panatilihing malakas.

Nangunot ang noo ko nang may aso sa daan na parang naliligaw. Maganda ito, may lahi. Maputi ang balahibo niya at malinis. Huminto ako at dahan-dahan lumapit sa tuta. "Hi puppy, saan ang punta mo? Naliligaw ka ba? Ang kyut kyut mo, gusto mo sumama sa akin? Halika," tinawag ko ito at dahan-dahan inabot ang ulo niya.

Hindi naman ito agresibo kaya nang nahawakan ko ito agad ko itong kinarga. Napangiti ako. She is a girl. Akin na muna ito, baka gagawan pa ito ng masama sa iba.

I immediately went back to the hotel and to my surprise, nakasandal si Dale sa pintuan ko na tila may hinihintay. My forehead creased. "What are you doing?" Agad siyang napalingon sa akin at nagliwanag kaagad ang mukha niya ngunit bumaba ang tingin niya sa karga ko.

"Where did you get that? She is a girl? She is cute," papuri niya, "I'm asking you sir," paguulit ko. He scratched his nape. "I was waiting for you to go out. Want to treat you for breakfast," he said.

Pumasok ako ng kwarto at nilapag ko ang tuta sa sahig. Agad naman itong naglibot. "Get inside," sabi ko sa kanya at agad naman siyang sumunod.

"Wait me, I will take a shower first," hindi na ako nag-abalang tapunan ito ng tingin at kumuha ako ng damit sa closet. Pumasok ako ng bathroom at agad ginawa ang pagligo.

Umabot ng ilang minuto ako sa banyo at pagkalabas ko maayos na ang aking sarili. Agad dumapo ang tingin ko sa sahig. Napahinto ako at parang bumagal ang pagikot ng oras. Nasilayan ko ang matamis na ngiti ni Dale habang hinihimas niya ang ulo ng tuta na ngayon ay kumakain. I gulped and composed myself. This is insane.

"Did you get her a food?" I asked. Agad siyang napatingin sa akin at tumayo. "Yes, I bought some." Napatango-tango ako. Mabuti at naisipan niya iyun, "Shall we go?" Tumango ulit ako bilang tugon at nauna nang naglakad.

Sa mismong hotel lang kami kumain ng agahan, mamaya magwithdraw ako dahil paubos na yata pera ko, "Where are you planning to go after this?" napaisip naman ako. Saan nga ba? Kung may kapamilya lang ako dito bumisita na ako. Gustuhin ko man bumisita sa amin ngunit wala akong saktong pera, gusto ko malaki pera ko kapag uuwi.

"I don't know," I answered. He stared at me. "What?" agad akong nairita sa titig niya. Tumikhim siya at pinunasan ang kanyang bibig. "We can tour around," he suggested. Well, that's not a big deal. I just shrugged which showed that I agree.

Ngumiti naman siya. "I hope we remain like this," napatitig ako sa kanya. "I'm afraid this will end after one week of restriction." Bahagya akong natawa dahil sa seryoso niyang mukha.

"Why? Are you already in love with me?" Napailing-iling ako at bakas pa din sa mukha na natatawa. "Yes," tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sagot niya. Literal nalaglag ang panga ko.

Ang kaniyang mga mata, hindi ko ito nakikitaan na nagbibiro. The heck? Seryoso ba siya? Paano?

"H-how? Why?" I even stammered. "Beacuse you are likable," he said. I stared at him. Seriously? Ganito ba talaga ang mga kano? Ang bilis naman at isa pa, lagi ko itong sinusungitan.

"I think you are just confused," pilit kong itanggi sa isipan ko ang sinabi niya.

"You think?" he asked. Sumubo ako dahil ang totoo nakaramdam ako ng kaunting kaba. Tumango-tango ako bilang tugon at nag-iwas ng tingin.

Pagkatapos ng breakfast namin, lumabas kaming dalawa upang maglibot muli. Nagwithdraw na din ako. Buong araw kaming gumala at aaminin kong nag-eenjoy ako na kasama siya.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon