Chapter 15

154 9 1
                                    

 
Mabigat ang mga balikat ko habang palabas ng base. Saan ako pupunta? Siguro naman may laman pa yung atm ko. I sighed heavily. Alam na din nilang Hailey ang nangyari at nalulungkot din sila. Alam kong laman na ng balita ang nangyaring gyera sa Zamboanga, ganoon naman lagi hindi magpapahuli ang mga media. Unang hakbang ko palang napatigil ako nang may sumigaw. "Hey Kath!" Napalingon ako ngunit agad din pumihit palakad.

Mabilis ang mga hakbang ko. "Goodness kath, you're killing me." Napairap nalang ako dahil nakahabol pa din siya.

"I'll be glad then." Umismid pa ako. Naging tahimik lang kami habang sumabay siya sa hakbang ko.

"Are you okay?" I didn't answer. "Are you upset?" I sighed heavily. Damn this person. Ang kulit, "I'm fine," walang gana kong turan. Nakarating kami ng waiting shed at naghintay ng masasakyan.

"Where are you planning to stay?" Umirap naman ako dahil kanina pa ito tanong ng tanong. May bus namang huminto sa tapat namin kaya nagmamadali akong sumakay. Umupo ako sa pinadulo at namalayan kong tumabi siya sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at humilig sa bintana ng bus. I'm tired.

Naipikit ko ang mga mata.

Tumutulo ang luha ko habang nagpipigil na humikbi. Nandidiri ako sa mga mukha nila. Mga baboy sila, mga hangal sa laman. Umiling-iling ako nang hinaplos ng isa sa kanila ang dibdib ko. Fuck! Can somebody save me? Halos mapugto ang mga ugat ko nang sinaksak ng kutsilyo ang aking hita.

"Hey Kath!"

Nagpupungas-pungas ako nang makamulat. Mabigat ang paghinga ko at napalunok ng ilang beses. I clenched my fists. Those jerk. Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari sa akin. That was a nightmare. I can still feel the nervousness. I was afraid.

"Kath? Are you okay?" Napakurap ako nang may nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakita ko sa mga maganda niyang mata ang pag-alala, "I'm okay," I said.

Bahagya akong napausog nang lumapat ang mga hintuturo niya sa pisngi ko. He wiped something. Shit, Am I crying? Agad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. "Did you still remember?" hindi ako nagsalita, "I'm sorry. If I wasn't rescued you right away, you might not experience those unpleasant situation." Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya.

"Don't feel sorry, it was not your fault," I said. Bumaba kami sa paradahan at nagpara ako ng taxi. Hindi ko naman inaasahan na susunod pa din ito sa akin kaya nakaramdam na naman ako ng inis. Hindi niya ba ako lulubayan?

"What?" tanong niya dahil siguro masama ang tingin ko sa kanya, "Can you just stay away from me?" pagtataray ko. Sinarado nito ang pintuan ng taxi at pinaandar naman ng driver.

"No, this is not my country and I must stick to you," pagmamatigas niya, "Excuse me? Our country is safe. Besides, you can fight hindi ka naman lampa," sinadya kong tagalogin ang huli kong sinabi.

"Still." Umirap ako. Wala talaga akong laban sa kakulitan nito. Matigas ang ulo.

"Ma'am saan po tayo bababa?" naagaw ang atensiyon ko sa driver. "Sa may malapit na hotel po kuya," tugon ko.

Sa huli, parehas kaming nag check-in sa isang hotel. Mabuti hindi ito kamahalan. Kailangan ko kasing magtipid.

Pagpasok ko sa kwarto bumungad sa akin ang simpleng design pero hindi naman ito pangit. Nasa kabilang kwarto lang si Dale dahil magkasabay kaming dalawa. Nilagay ko sa closet ang mga damit ko. Hindi naman ito marami. Hinubad ko ang aking uniform pagkatapos nagtungo sa bathroom. Simple lang din ang nasa loob pero malinis.

Kinabukasan, nagpasya akong lumabas para aliwin ang sarili. Nakasuot lang ako ng itim na T-shirt at black ripped jeans. Nakabota ako ng itim. Paglabas ko ng kwarto sakto naman ang paglabas ni Dale kaya nagmamadali akong naglakad paalis.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon