Chapter 32

118 4 10
                                    

Pagkatapos ng pangyayari tila naalimpungatan na lamang ako sa pagkakaidlip nang pagdilat ng aking mga mata matinding sakit ng ulo ang naramdaman ko. Hindi ko lubos maaninag ang paligid ngunit sinikap ko pa rin ang tumayo at humakbang. Sa paglabas ko napagtanto ko na lang na nakabaliktad na bus ang nilabasan ko. Unti-unting naging malinaw ang lahat. I gulped so hard and I roamed my eyes.

Nandito pa ako, hindi pa ako nalalayo.

Napaigtad ako nang may umubo sa aking likuran. Sa aking paglingon nagimbal ako sa mga taong nagsumikap na lumabas na kahit pasuray-suray sila. Agad ko silang inalalayan at pilit wag indahin ang sakit ng katawan ko.

Nakalabas ang iilan sa amin at sa kasamaang palad marami pa ding nasawi. Napako ako sa kinatayuan nang may naalala. Si Dale.

Akma akong papasok sa bus ngunit isang sipol ang nagpatigil sa akin. Dahan-dahan akong pumihit paharap habang lumalakas naman ang tambol ng dibdib ko. Agad sumiklab ang takot sa aking dibdib dahil sa mga armadong lalaki na kaharap namin ngayon, hawak nila si Dale.

Nataranta ako nang lumapit sa amin ang mga armadong lalaki at agad dumilim ang aking paningin nang tinakpan nila ang aking mga mata ng tela. Napaigik ako dahil nang may sumipa sa aking binti. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto nitong mangyari. Humakbang ako ayun sa gusto nito.

Kahit may takip ang aking mga mata ramdam kong nakasakay na kami ngayon sa isang sasakyan na umaandar. Kahit bumigat ang talukap ko hindi ko hinayaan ang sarili na makatulog. Mabigat ang aking katawan na tila dinaganan ako ng mabigat na bagay, "Kath?" napapintig ang tenga ko doon.

"Dale?" tawag ko rin sa kanya sa mahinang paraan, "Are you okay?" bakas sa boses niya ang pag-alala, "I'm fine," sagot ko na lang na kahit ang totoo ay hindi naman.

"Sweet," napalunok ako nang may sumabat at tumawa pa ito. Nagsimula na rin magtawanan ang iba, "F*ck you!" malutong kong mura sa kanila.

"Aba, matapang. Mga brad pak you daw, nanghahamon," humalakhak pa sila lalo. Napaigtad na lang ako nang may humawak sa aking leeg. Kinilabutan agad ako dahil sa gaspang nitong kamay, "Matapang ka, gusto ko ang ganoon na mga babae," mas lalo pa akong kinilabutan sa boses niya.

Agad akong nagpumiglas nang bumaba ang kanyang kamay sa aking dibdib. "F*ck. Get your filthy hand of me!" Mas lalo pa akong nagpumiglas.

"Kath? What's happening?" hindi ko na napansin ang tanong ni Dale. Nasapo nito ng tuluyan ang dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa matinding takot, iyak na walang boses. "Let me go!" basag ang aking boses na parang nagmamakaawa. Nakahinga na lang ako nang maluwag kahit papaano nang inalis din nito ang kamay roon.

I clenched my fists. I swear, I will kill them with no mercy. Ang sama nila. Mga walang puso.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa byahe sa mga oras na iyun. Ang naalala ko sa pagbaba namin sa sinasakyan namin, natagpuan na lang namin ang mga sarili sa isang malamig na silid. Wala ng takip ang mga mata namin habang nakaupo kami sa malamig na sahig. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Bihag kami ng mga kalaban at maaaring hindi na kami makalabas dito ng buhay.

Nasa tabi ko ngayon si Dale kaya kahit papaano lumalakas ang aking loob, "What are we going to do now?" I asked him. He sighed heavily. "We don't have a choice but to wait," nanlumo ako. Tama siya, ang tanging magagawa lang namin ay ang maghintay. Nakakaawa lang ang mga sibilyan na kasama namin. Inosente sila, wala silang kinalaman sa mga nangyayari.

Nakikita kong nag-umaga na dahil sa maliit na bintana. Tuyong-tuyo na aking lalamunan at nagugutom na rin. Pinapanalangin ko na lang na sana may dadating na tulong.

Nagitla kaming lahat nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang lalaki. Nataranta ako dahil walang pasabi nilang dinampot si Dale. "Saan niyo siya dadalhin? Bitawan niyo siya!" takot kong pigil sa kanila at pilit na tumayo ngunit hindi ko magawa. Nagsimulang magiyakan ang lahat ng sibilyan. Nilingon ako ni Dale at tanging tango lang ang binigay niya sa akin. Nanlumo ako at tumulo na rin ang aking mga luha.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon