Chapter 21

128 8 3
                                    

    Nagmamadali akong pumasok sa building at agad akong pumasok sa kwarto ko. Nakasunod kaagad ang mga kaibigan ko. "Kath? Anong nangyari?" tanong nila. Pinipigilan ko ang mga luha at nilingon sila. "Ikakasal na sila, tang*na!" Pabagsak akong naupo sa kama.
   
    Their eyes widened. "Ano?!" Dali-dali silang lumapit sa akin. "G*go seryoso? Agad agad?" kahit sila, hindi makapaniwala sa nalaman.
   
    Tumango ako. Pabagsak silang naupo sa kama at hindi nakapag salita. Agad humarap sa akin si Hailey. "Anong plano mo?" she asked. Plano? Wala akong plano dahil hindi ko na alam ang gagawin. I shook my head.
   
    Harriet gave me a hug. "It's okay Kath, mukhang hindi kayo para sa isa't isa," tila sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. We are not meant to be? Fuck.
   
    Agad akong bumangon. "Saan ka pupunta?" I didn't respond at lumabas ng kwarto.
   
    Nagtungo muli ako sa gym. Magpapalabas lang ako ng sama ng loob dahil pakiramdam ko sasabog na ako. Pagdating ko sa gym nadatnan ko ang grupo ng kalalakihan. Agad naman nila akong napansin at 'yung iba pa sa kanila, napasipol na lang. Nagtungo ako sa gilid at kumuha ng gloves. Lumipat ako sa punching bag. I stretched my arms. I took a deep breath and I started to punch. Kada suntok ko nilalabas ko ang buong lakas. Rinig na rinig ng buong sulok ng kwarto ang suntok ko.
   
    Bigla naman may seneryo na lumitaw sa isipan ko. Senaryo ng isang kasalan. May mga ngiti sa labi ang dalawang ikakasal. They are happy!
   
    Hindi ko namalayan ang pagbilis ng bawat suntok ko. I can't imagine na ikakasal din pala siya kaagad!
   
    "Hey, hey easy easy." My forehead creased and I even stopped. Nakita ko ang pilyong ngiti ng lalaking hindi ko naman kilala. Nakahawak siya sa punching bag ko. "What are you doing?" I  asked seriously.
   
    "Masyado kang seryoso," he said. Mas lalong lumukot ang mukha ko. Ano naman ang pakialam niya? I took a deep breath. "Move," I uttered with a firm voice. He bit his lip. Hindi man lang ito umatras. Bingi ba ito?
   
    "Let's have a bet... " Tumaas ang kilay ko sa usal niya. "Maglaban tayo, kapag natalo mo ako ibibigay ko sa'yo ang sahod ko nitong buwan at kapag natalo kita, isang gabi. . . .sa kama ko," agad umusbong ang galit ko sa dugtong niya.
   
    "Loko ka ah!" walang pag-atubili ko siyang binigyan nang malakas na suntok sa mukha. Napaatras siya at napasapo sa mukha. Galit na galit ko itong tinignan. Gulat siyang tumungin sa akin. "Wow, ang sarap pala masuntok sa kamao mo," tuluyan akong sumabog sa galit at muli siyang binigyan ng suntok.
   
    Bumagsak siya sa sahig at mabilis ko itong sinakyan. Paulit-ulit ko itong sinuntok. Nandilim ang paningin ko at hindi ko na kontrolado ang sarili. Bumalik ang mga alaala ko noong binihag ako ng mg NPA. May umusbong na takot sa aking dibdib at tuluyang naninigas ang kalamnan ko. Umiling-iling ako. Ayaw ko ng mangyari ulit iyun!
   
    Mga baboy sila! Ang dapat sa kanila mamatay!
   
    Nakikita ko din si Dale na masayang kinakasal sa harap ng altar. Hindi! Ang sama niya. Ang kapal ng mukha niyang pa-ibigin ako tapos hindi din pala ako papanagutan!
   
    "Miss, miss! Tama na! Mapapatay mo siya!" tila nagising ako sa isang bangungot nang may humila sa akin. Hinihingal ako at napakurap. Saka ko lang naramdaman ang paginit ng buong katawan ko. Napatingin ako sa lalaki. Shit! Nakahandusay na ito at wala ng malay. Bulot ng dugo ang mukha niya. I gulped several times.
   
    "Anong nangyari dito?!" Napaigtad ako at agad napalingon sa sumigaw. Ang CO namin na ngayon ay nakatitig sa akin ng mariin.
   
    Agad akong nakaramdam nang kaba, "Ms. Llacer? Alam mo ba ang ginawa mo?" I gulped so hard and I nodded.
   
    "Sa field! Kayong lahat!" Napaigtad ako sa galit niyang sigaw. "Yes sir!" sigaw namin sabay tayo nang tuwid.
   
    Pagdating namin sa field, binigyan kaming lahat ng parusa. Nakatuwad kaming lahat. Nakatukod ang mga ulo namin sa lupa habang ang mga kamay namin ay nasa likod. Nakatuwid lang din ang mga binti namin.
   
    "Apat na oras at proceed kayo sa push-up, 400 counts. Maliwanag?" tila gumuho ang mundo ko sa sinabi ng CO namin, "Yes sir!" at kahit tutol kami, wala pa din kaming magawa. Umalis na ito sa harapan namin.
   
    Shit, kasalanan ko 'to. Nagpadala ako sa galit. Hindi na sana nangyari ito, may nadamay pa.
   
    Akala namin hindi na kami babalikan ng CO ngunit nagkamali kami. Naupo ito sa harapan namin at binantayan kami. Kada baba ng mga kamay namin, sinisigawan kami nito at sinasabing umayos kami.
   
    Nananatili kaming ganoon habang mainit ang araw. Tagaktak ang pawis ko at uhaw na uhaw na din. Ramdam ko din ang dugo ko na naipon sa ulo. Namamanhid sa kakayuko. Shit, mahihimatay yata ako nito. Nangangalalay na din ang mga tuhod ko. I feel so exhausted.
   
    "Ms. Llacer! Ayusin mo ang mga binti mo!" agad akong napaayos. Shit, hindi na ito mauulit pa. Hinding hindi na ako gagawa nang ikakapahamak ko.
   
    "Times up! Proceed sa push-up!" Bumagsak na lang ang katawan ko sa lupa. Narinig ko din ang ungol ng iba. "500 push-up!" Napabalikwas ako at nagmamadaling tumayo.
   
    Dumapa ako muli at nagsimulang nag push-up. Ganoon din ang iba. Habang ginagawa namin ay nagbibilang din kami nang malakas.
   
    "50! 51. . . ." umabot ako ng 300 at ramdam ko na ang panginginig ng mga braso ko. Hinang hina na din ang buong katawan ko at nahihirapam na akong iangat ang katawan. No, hindi pwedeng babagsak ako at baka madagdagan ang bilang na gagawin ko.
   
    "400! Ahhh!" sumigaw na lang ako upang magkaroon ng lakas kahit papaano. Kunti na lang, matatapos din ako.
   
    "Ayusin niyo kung ayaw niyong dagdagan ko pa!" pilit kong iayos ang bawat angat ko sa katawan, "500!" sa wakas. Bumagsak ang aking katawan sa lupa at lumabo na din ang paningin ko.
   
    Pumikit ako at tuluyan akong nilamon ng dilim.
   
    "Kath? Kath?" naalimpungatan ako sa tumawag, "Kath wake up." Dahan dahan kong minulat ang mga mata. Naaninag ko ang mukha ng isang lalaki. Pilit kong lakihan ang mga mata kahit hinihila pa din ako ng antok. Pagod na pagod ang katawan ko. "Kath? Hey," naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko.
   
    Napangiti ako. Si Dale ito. Nandito siya! Gusto kong abutin ang mukha niya ngunit hindi ko magawa. Ang bigat ng mga braso ko at nananakit ito.
   
    Gusto kong magwala. Nakakainis, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Kumalma na lang ako nang naramdaman ko ang malambot na bagay sa aking noo. Napapikit ako at muling hinila ng antok.
   
    Kinaumagahan pasado alas dose ng tanghali ako nagising. Ang sakit ng katawan ko. I winced as I stood up. Bumukas naman ang pinto, "My God Kath!" Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko ang dalawa kong kaibigan na may dalang trey at kagamitan para sa panggagamot.
   
    Naupo ako sa kama at napangiwi ulit. "Ayos ka na ba? Kumusta pakiramdam mo?" nag-alalang tanong ni Hailey, "Masakit," I uttered, "Gaga ka talaga, bakit kasi nambugbog?" atungal ni Harriet, "Heto, kumain ka muna ng magkalakas ka." Nilagay niya sa kandungan ko ang trey na may mga pagkain. Sakto namang kumulo ang tiyan ko.
   
    Agad kong sinimulan ang pagkain kahit masakit ang braso ko sa kada subo. Napatigil ako nang may naalala kasabay ng pagkabog ng dibdib. "Sino naghatid sa akin dito? Si Dale ba?" I asked them. Nagkatinginan sila. "Hindi, kaming dalawa ang bumuhat sayo dito," nadismaya ako sa sinabi ni Harriet. Niloko lang pala ako ng mata ko at baka nanaginip lang ako.
   
    "Ganoon ba, salamat," tanging nasabi ko. Tama na ang kahibangan na ito. Hindi na nakabubuti sa akin. Gusto kong magpahinga. Gusto kong mawala na ito. Gusto kong makaginhawa muli nang maluwag.
   
    Dumaan ang araw, unti-unti ng nawala ang sakit sa katawan ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi na iyun mauulit pa. Magtitino na ulit ako.
   
    Pinilit ko din libangin ang sarili. Nakikipaglaro ako ng basketball kasama ang mga lalaking sundalo. Sandali akong nakakalimot ngunit bumabalik pa din ang bigat ng nararamdaman ko kaya buo na ang pasya ko.
   
    Nandito ako ngayon sa office ng CO namin, "Good afternoon sir," bati ko. Saglit akong tinapunan ng tingin. "Bakit ka naparito?" he asked seriously. Tumikhim ako. "Gusto ko magfile ng leave. . . .sa taon na ito," turan ko pa.
   
    Wala siyang naging salita at binigyan niya lang ako ng papel. Leave form. 30 days ang gusto kong leave. Pinakahaba na 'yun at hindi na ako makakaulit pa dahil magagamit ko na ang lahat ng leave ko sa taon na ito. Every month may two to three days leave. Pwede itong magagamit ng pangisahan. Bahala na. Gusto kong umuwi sa pamilya ko.
   
    I need comfort from them. Namimiss ko na din sila at ang lugar ko.
   
    Siguro naman, magiging maayos na ako pagkatapos nito. Mawala na ang bangungot ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Kinikilabutan ako sa sarili ko dahil hindi ko akalain na maging ganito ang epekto sa akin. Malala pala ako mahulog at masaktan. I was once a gorgeous man-hater but I fell hard.
   
    @Missloorh

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon