Chapter 6

160 10 1
                                    

Nakabalik kami ng kampo na walang nakakita sa amin kaya laking pasalamat namin ni Harriet. Nawala na din kalasingan ko sa mga oras na iyun. Nalaman kong di lang pala kaming tatlo ang lumabas ng gabing iyun kundi meron pa. Naging tahimik lang kami para walang sumablay. Though, I enjoyed the night.

Kinabukasan maaga kaming nagising ni Harriet dahil kailangan naming mag ehersisyo. Pampapawis.

Nakasuot lang kami ng short at T-shirt. All green, as usual. Halos isang oras din kaming nag jajogging. Nakailang ikot na din kami sa field.

"Gosh, I'm so exhausted. Let's go to canteen?" Yaya naman ni Harriet. Tumango ako.

Nagtungo kami sa canteen at may iilan kaming nakasalubong na lalaking sundalo na topless lang.

"Wooaah ayos lang sa akin kung ganyang mga pandesal ang breakfast ko" Humagikhik siya sa nakita niya.

"Tumahimik ka, baka marinig ka nila" Sita ko dito. Inismiran lang niya ako. Papalapit kami ng canteen nang may biglang humarang sa amin.

"Breakfast? Can I join?" Tanong ni Dale.

"Yeah sure!" Walanghiya talaga ang babaeng 'to. Kagigil.

"Shemey nakikita mo ba ang nakikita ko kanina? Ang bakat" Nangunot ako sa bulong niya.

"What are you talking about?" Balik kong tanong. Napairap siya.

"Ang hina mo naman, yung talong niya bumakat sa short niya. Shuta ang laki" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Maghunos-dili ka naman Harriet, nakakahiya ka" Saway ko. Dahil na curious din ako, pasimple kong sinipat ang hinaharap ni Dale. I hardly gulped. The fuck? Why so big?

Kinilabutan ako sa nakita at agad nilihis ang tingin. Fucking hell Kath? Tumingin ka pa talaga.

Pilit kong iwala sa isipan ko ang nakita ko. Nakahanap naman kami ng mauupuan at nagorder na kaming tatlo. Pagtingin ko sa counter kung saan may mga food napadako ang tingin ko sa hotdog na malaki. Napalunok ulit ako at wala sa sariling kinuha iyun.

Tinitigan ko ito ng ilang segundo.

"Ay talong!" Napaigtad ako nang sinundot ako ni Harriet na ngayon ay tawang tawa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"OMG ka kath, iniisip mo ba ang talong ng kasama natin?" Di makapaniwala niyang tanong. Agad akong umiling-iling.

"Hindi noh!" Agaran kong depensa.

"Sus defensive" Sinamaan ko ulit siya ng tingin at nagmamadaling kumuha ng pagkain. It's free meal.

Nauna na akong bumalik sa lamesa namin. Maya'y maya dumating na din silang dalawa.

Tahimik lang akong kumakain at napapansin ko naman si Dale na panay sulyap sa akin ngunit binalewala ko lang.

"Hi guys!" Napatingin kaming lahat na nandito sa canteen dahil sa maarteng sigaw na iyun. Nangunot ang noo ko dahil anak ito ng president. Anong ginagawa niya dito?

"Diba't bawal dito ang outsider?" Tanong ni Harriet.

"Yes pero dahil anak ng president kaya siguro pinayagan na makapasok" Tugon ko. Napatingin ulit ako sa babae. May dala itong lunch box at naglibot ito ng tingin. Napadako ang tingin niya sa gawi namin at nagsimula na nga itong naglakad papalapit. My forehead creased.

"Hi, can I join?" She asked while staring at Dale.

"Sure" Tugon naman ng lalaki na kinanganga ko. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang americano? Kung may babaeng kakalampag dito agad ding kakalampag. What a shame.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon