Nakabalik kami sa kubo at ang bayabas muli ang kinain namin upang magkalaman ang aming mga bituka. I sighed. These are not enough to my tummy. Napatingin ako kay Dale na seryoso habang kinakagat niya ang bayabas. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya binato ko ito ng nakagat kong bayabas.
Nagtataka naman niya akong binalingan ng tingin.
"What are you thinking?" I asked.
"I'm thinking of what I am going to do just to make you fall in love with me," pilyo niyang sagot at ngumisi pa ito sa akin. Napatanga ako. Malakas talaga ang tama ng lalaking ito.
"Be serious," I uttered. Tumikhim siya at umayos sa pagkakaupo.
"I'm thinking when we can go back," he answered seriously. Napaisip naman ako. Ganun din ang iniisip ko. Kung babalik kami ngayon malaking posibilidad na makasalubong namin ang mga kalaban. Wala na kaming mga baril na pwede naming panlaban kaya ang babalik sa kinaroroonan namin ay isang pagpapakamatay.
I sighed heavily. Kung di naman kami makabalik baka mamatay kami sa gutom. Ipiniling ko ang ulo. Kailangan kong maging matatag sa sitwasyon na ito. Hindi ako napabilang sa mga sundalong pinadala dito kung mahina ako. Isa akong magaling na sundalong babae kaya nagtiwala sila sa akin at isinama sa mga labanan.
Ang mga babaeng sundalo talaga ay pinapanatili lamang sa camp dahil second option lang sila. Ang ibig sabihin ay, kapag kulang na ang mga lalaki talagang isasabak sila sa gyera. While me, I can't stay inside the camp and wait for my turn. I am adventurous and impatience kaya humiling ako sa itaas namin na sumali sa mga misyon. Nakita nila ang potential ko kaya nakuha ko ang kanilang tiwala.
Naagaw ang aming atensyon nang may umubo sa labas. Agad kaming naalerto at maingat kaming tumayo para sumilip sa mga butas ng dingding. My heart beat is getting heavy. May isang mama ang nasa labas. May dala itong mahabang itak at basket.
"Dale what are we going to do?" mahina kong tanong sa kanya.
"Stay quiet," mahina naman niyang tugon. Itinikom ko ang bibig. Marahan niya akong hinila sa gilid ng pintuan. Napalunok ako sa kaba.
Maya'y maya bumukas ang pinto at natakpan kami nito. Nakiramdam lang kami. Halos pinigilan kong huminga.
"Sino kayo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa boses na yun. Agad akong napatingin kay Dale. Tumango lang siya at maya'y maya lumabas kami sa likod ng pinto.
"T-teka po mama!" Agad kong pigil nang tinutok niya ang itak niya sa amin. Pilit naman akong itago ni Dale sa likod niya.
"Wait. Teka po mama, hindi po kami masama," nataranta ako ngunit hindi ito nakinig. Pilit kong pakalmahin ang sarili kahit tumatambol ng malakas ang dibdib ko.
"Mama, naliligaw po kami at itong kubo niyo ang natagpuan namin," masinsinan kong paliwanag at napalunok na lamang. Sana hindi kami nito maitak. Mapanuri niya kaming tinignan. Mga nasa 60 na ito kung tignan.
"Kayo ay mga sundalo," he uttered. Dahan dahan akong tumango.
"Paano kayo naligaw?" seryoso niyang tanong. Napatingin ako kay Dale at nakita ko na parang ayaw niya akong sumagot sa tanong nito. Tinignan ko muli ang mama.
"Hinahabol po kami ng mga myembro ng NPA at nahulog kami sa ilog kaya kami dumagsa dito," I explained honestly. Napaisip naman ito.
"Ilang araw na kayo nandito?" tanong niya.
"Mag-isang araw na po," agaran kong tugon. Napatangu-tango siya.
"Kung ganun malapit na dito ang mga NPA na tinutukoy niyo dahil hindi naman ito malayo sa lugar kung saan may gyera ngayon," saad niya na kinalaki ng mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/283880475-288-k678721.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)
Ficción General[COMPLETED] Upon the world where dwelling the bad and good, multiple incidents are unforseen. As many challenges you've conquered the person become more tougher. Kathnis Llacer is a soldier who always fight for justice. Despite of her gender, she i...