Chapter 20

115 8 6
                                    

 
Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto. Nagulat naman si Harriet, "Anong nangyari?" agad niyang tanong.

Salubong ang kilay ko at pawisan, "Tumakas tayo, magsaya tayo sa bar sa labas," I said. Tinignan ko siya. Nakakunot ang kaniyang noo. Halatang nalilito, "Osige," sumangayon naman siya.

Kinagabihan tumakas nga kaming dalawa at dumiretso kami sa bar na napuntahan ko noon. Tanging green shirt lang ang mga damit namin at unipormeng pants. Pagpasok pa lang namin sinalubong na kami ng malakas na tutog. Napatingin ang lahat sa amin. Halata kasing mga sundalo kami. Agad kaming naghanap ng table ni Harriet. Gusto kong maglasing. Naiirita na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Habang naginuman kami ni Harriet, walang nagtaka ang lumapit sa amin. Subukan lang nila.

Nakailang bote na ako ng beer habang si Harriet panay pigil sa akin, "My God Kath, wag kang masyadong magpakalasing at baka hindi na tayo makakabalik niyan. Yari tayo,"

"Hayaan mo ako Harriet. Gusto ko lang makalimot kahit pansamantala lang." Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking mukha. Mainit na din ang katawan ko at nahihilo.

"Ang bilis. . . .bakit may relasyon agad sila? At bakit siya sumuko agad?" Mangiyak-ngiyak kong usal. Nakakainis ang lalaking 'yun! Akala ko ba matigas ang bungo niya.

"So dahil pala ito kay Dale." Napailing-iling siya at tumango tango naman ako. "Sabi ko naman sayo na gumawa ka ng paraan... dahil mahal mo na siya ipaglaban mo, ano ka ba? Kung hindi mo makuha sa mabuting paraan, idaan mo sa dahas. Naku, alam ko mahal ka din niya kaya wag kang papatalo kay Jillan dahil siya naman yata itong unang nang-agaw. Aba! Matirang matibay," dagdag pa niya. Napatigil ako at hindi ko napigilan ang sarili na suminok. Tama, tama! Lalaban ako!

Agad akong tumayo. "Bumalik na tayo." Ngumisi ako at tinuro ang daan sabay lakad. Pilit kong patigasin ang mga hakbang ko. Shit, malakas na tama ko.

Sumakay kami ng Taxi ni Harriet. Ramdam ko na ang matinding hilo. Pagbaba namin sa taxi, pakiramdam ko tumataas ang laman ng tiyan ko, "Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Harriet. Nagusot ang aking mukha at hindi ko napigilan ang sarili na masuka. Shit, ang pangit sa pakiramdam.

Ramdam ko ang paghagod ni Harriet sa likod ko. Naupo ako sa kalsada pagkatapos. I wiped my lips. "My God, paano tayo makapasok niyan," bulalas niya.

"Pakalmahin mo muna ako." Pinikit ko ang mga mata. Dumaan ang ilang minuto saka ako nagdesisyon na tumayo. Nahihilo pa din ako pero kaya ko pang umakyat sa pader.

"Tara," nagtungo kami sa mismong pader na aakyatan namin. Hirap na hirap akong umakyat dahil tila gumagalaw ang paligid. Crap! Nakakainis!

"Pumatong ka sa likod ko Kath, umayos ayos ka, malilintikan talaga tayo nito." Tumango ako sa sinabi niya. Pumwesto siya sa harap ng pader at yumuko. Inapak ko ang isang paa sa likod niya. "Aray naman Kath! Dahan dahan lang, plano mo pa yata akong balian ng buto," narinig kong reklamo niya. Hindi ko lang ito pinansin, "Tatalon na ako," sabi ko. Huminga ako nang malalim upang ihanda ang sarili, "One, two, three!" Tumalon ako at sinabayan naman niya ako sa pagtayo ng tuwid upang itulak ako.

Sa wakas nakakapit na ako. Nahihirapan man iangat ang katawan ngunit hindi ako sumuko hanggang sa nagawa kong makaakyat sa itaas. Nilingon ko si Harriet sa baba at ibinaba ang kamay. "Abutin mo ako," sabi ko. Umirap siya. "Gaga, kung mahulog ka? Naku tumalon ka na, kaya ko na 'to," tumanggi naman siya. I just nodded. Tinignan ko ang tatalunan ko. Mababa lang pala.

Agad akong tumalon at napadaing na lang nang sumalampak ako sa lupa. Shit, yung ilong ko. Iyung boobs ko ang sakit. Nabalian pa yata ako ng binti dahil sumakit din ito. Mababa lang naman 'yun pero bakit ganito?

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon