Chapter 24

120 7 4
                                    

 
Tatlong araw bago nadischarge si papa dahil kahit nakarecover na siya kailangan pa din siyang maobserbahan at sa awa ng Diyos, walang nakita ang doctor na ikakasama sa kanya. Niresetahan din siya ng gamot para tuluyang manumbalik ang lakas niya.

Linggo ngayon kaya maaga akong nagising. Kailangan kong magsimba, matagal-tagal na din na hindi ako nakapagsimba. Nagbihis lang ako ng simpleng dress na kulay puti. Off-shoulder ang itaas.

Pagbaba ko galing itaas agad kong hinanap si papa at mama, "Ma? Pa?" dumeretso ako ng kusina at nadatnan ko si mama na nagluluto ng agahan namin.

"Ma, magsimba ka ba?" tanong ko at kumuha ng slice bread sa lamesa. Lumingon siya sa akin. "Oo, mauna na lang kayo ng papa mo. Hihintayin ko ang bunso niyo, kailangan magsimba ang batang 'yun." Tumango ako at iniwan din siya sa kusina para hanapin si papa.

"Pa?" nakarating ako sa garahe ngunit wala din siya doon kaya pumunta ako sa likod ng bahay.

Nakita ko siyang nagbungkal ng lupa kaya agad akong napakamot sa ulo. "Pa, kagagaling mo lang sa hospital tapos nagbubungkal ka d'yan. Tigilan mo 'yan Pa, hindi 'yan mabuti sayo." Agad naman siyang napatingin sa akin. Ngumiti siya at iniwan ang ginagawa, "Ano ka ba anak, nagpapawis lang." Umakbay siya sa akin at umirap naman ako. "Sya magsimba tayo," agad naman siyang sumangayon.

Nagvibrate ang cellphone ko na hawak ko lang. Binuksan ko ito at binasa ang nagtext. Agad sumikip ang dibdib ko at binalewala iyun.

"Sino 'yun anak? Nakita ko 'yun. Nangumusta sa'yo, hindi mo ba replayan?" Bumuntong-hininga ako. "Wala iyun Pa," tanggi ko. It was him. May number pa pala siya sa akin.

Saglit kong hinintay si papa na maghanda. Ilang minuto din bago kami nakaalis ng bahay.

"Ayos ka lang ba Anak?" Nilingon ko si papa. Ako kasi ang nagmaneho ng sasakyan. I just smiled and nodded. "Sabihin mo sa akin kung may problema ka." I nodded again of what he said.

"By the way Pa, isa ako sa grupo na nagpunta dito noong may gyera. Nakita ko na si Datu Salman. Nabanggit ba sayo ni Ninong kung sino siya?" Saglit ko siyang tinapunan ng tingin, "Oo kilala ko siya, nakausap ko na din siya noon," sagot niya, "Proud ako sa'yo anak. Ang tapang mo." Ngumiti ako at napabuntong-hininga din kalaunan.

"That was a nightmare Pa. They abducted me but I'm good now, sabi mo nga matapang ako," dinaan ko sa tawa ang usapan. Ayaw kong ipahalata na naging mahirap ang naranasan ko sa kamay nila.

"Sandali, ayos ka na ba talaga anak?" I turned my gaze to him. I smiled. "Yes Pa, may tumulong sa akin. Palaging siya ang nagliligtas sa akin kapag nalagay ako sa kapahamakan," naging mapait ang ngiti ko.

"Aba sino ang taong iyan? Gusto ko siyang makilala at mapasalamatan," halatang interesado si papa sa nalaman, "Matanda ka na anak, gusto kong siya ang mapangasawa mo." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala ko siyang nilingon. "Pa? Seriously? Hindi mo pa nga alam kung babae ba o lalaki." Napatawa ako at napailing-iling.

Muli kong tinuon ang atensyon sa pagmaneho, "Bakit? Nakasigurado naman akong lalaki siya... at isa pa, bihira na lang ang lalaking ganoon," giit pa niya. I took a deep breath. "Wag na lang natin siya pag-usapan Pa," sabi ko. Sumisikip ang dibdib ko kapag naalala siya.

Iniba ko na lang ang usapan. Hindi pa pala ako handa na ikwento si Dale kay Papa. Nahihiya ako.

Nakarating kami ng simbahan at tamang tama, nagsimula ang sermon ng pari. Patapos na ang mesa saka nakarating sila mama. Nangumpisal ako at pagkatapos kumain kami sa labas. Masaya ako na kasama sila at kahit papaano nakalimutan ko si Dale.

Ginugol ko ang oras para sa pamilya ko hanggang sa napagpasyahan namin na magbakasyon sa Palawan Beach.

"Handa na ba ang lahat?" tanong ni mama. Naghahanda kami ngayon para bumyahe papuntang Palawan.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon