Chapter 19

121 10 7
                                    

 
Dumaan ang mga araw hindi na ako kinulit ni Dale, mukhang sumuko na. That's good, wala siyang mapapala sa akin. Naging payapa ang buhay ko sa mga dumaan na araw at ayos na sa akin iyun ngunit hindi ko din masasabi na masaya ako. I don't know why, I just can't feel it.

Naging tambay kami sa base dahil wala din akong ganang tumakas para magaliw. Nagkasahod na din ako. Minsan may naging palaro kaya hindi na din ako nabuburyo. May mga pinapagaw din na assignment ang Captain at ang CO lang ang nagbabantay sa amin.

Kagaya ngayon, nasa kalsada kami. Nakabantay sa mga dumadaan na sasakyan. Bali-balita kasi na may mga armadong kalalakihan ang nakapasok dito sa lugar. Ang pwesto namin ay malapit sa palasyo. Akala ko magisa lang akong babae na makakasama ngunit si Harriet din pala.

"Kath?" Nilingon ko siya at lumapit ito sa akin. "Nabalitaan ko, bumalik na pala ang mga U.S soldier sa lugar nila," napapintig ang tenga ako. Bumalik? Kumurap ako bago nagsalita, "Ganoon ba," tanging nasabi ko. May parte sa akin na parang nalulungkot hindi ko alam kung bakit.

"Oo, kasama si Dale." Agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring nagbantay sa daan kung may dadating na sasakyan.

Hindi na din siya nagsalita pa. I sighed. Siguro naman hindi na siya babalik. Mas mabuti iyun. I sighed again. Goodness, bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Nababaliw na ba ako? Ipiniling ko ang ulo.

May paparating naman na trak kaya agad kaming humarang sa daan. Sumenyas ako na huminto. Maigi kong tinignan ang driver at nababakasan ko sa mukha niya ang kaba. My forehead creased. "Manong pwede ba namin matignan ang trak niyo?" tanong ko pa rito. Hindi agad ito nagsalita ngunit tumango din kalaunan.

Nagtungo kami sa likod ng trak at pinabuksan namin iyun sa kanya. Nakamasid pa din ako kay manong dahil may kakaiba sa kinikilos niya.

Nakita namin sa loob ng trak ang nakakakaban na mga isda, "Osige manong, pasensiya na," saad ng kasama kong lalaki.

Tinitigan ko ang mga isda, tuyong tuyo ang mga 'yun. Hindi na din fresh, sinong bibili kapag ganito ang isda? Lumapit ako sa isang kaban at hinawakan ang mga isda. Malambot na din sila. Agad akong kinutuban. Mabilis kong hinalungkay ang ilalim at nanlaki ang mga mata dahil mga baril ito.

"Shit, mga baril ito!" nagulat ang mga kasamahan ko at agad silang naalerto. Nagtangka pang tatakbo si manong ngunit agad siyang nahawakan ng isa ko pang kasamahan, "Napagutusan lang ako mga sir, ma'am!" kabado nitong sabi at halos maiyak na. Nagtitigan kaming lahat.

Hinalungkay namin ang iba pa at tama nga ako lahat ng nasa ilalim ng mga isda ay mga baril, "Magaling ka talaga Kath," puri ng mga kasama ko. I hissed. "Mga tanga kasi kayo," pabiro ko pa.

Bumaba na kami ng trak at aristado namin si manong. Ang lakas ng loob niyang gawin ito. Nag-iisa lang naman siya. Binalikan ko si Harriet ngunit napatigil na lang dahil sa nakikita. Crap! Hawak ng mga armadong lalaki sa leeg si Harriet. Lima sila.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo kung ayaw niyong mamatay ang kasama niyo!" utos nito sa amin. Kinabahan naman ako sa lagay ng kaibigan ko ngayon ngunit nananatiling seryoso ang ekspresyon niya. Dahan-dahan kong binaba ang baril sa kalsada. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Suminyas ang isa sa kanila na lumapit si manong sa kanila at agad naman itong sumunod, "Sakay sa trak," utos ng isa sa kanila kay manong. Dali-daling sumakay si manong sa trak habang kami nanuod lang at walang nagawa.

Lumapit sa amin ang isang kasamahan nila at kinapkapan kami kung may natitira pa bang baril. Nahagip ko sa mga mata ang paghulog ng punyal sa ilalim ng manggas ni Harriet, nasalo niya ito sa kamay niya. Pasimple siyang tumango at sabay kaming kumilos ni Harriet. "Dapa!" sigaw ko sa mga kasamahan ko sabay tadyak sa binti ng kalaban na nasa gilid ko. Marahas kong hinablot ang baril niya at naagaw ko agad ito. Buong pwersa ko itong pinatayo at hinarang sa aking harapan.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon