Prologue

423 23 2
                                    

I automatically bent my head as the bullet passed above. Shit, that was closed. Agad kong binaril ang kalaban at sapol ito sa noo. Our troops assigned to fight against the NPA were retributively killing the innocent people in Hulo.

May iilan na rin sa amin ang nasawi at ang iba nauubusan na ng bala. Tatlong araw na kaming namamalagi rito hindi pa rin naaagnas ang mga rebelde. We already called for reinforcement to help us. Napakagat ako ng labi dahil sa kaba. Kung titingnan mo ang lugar parang hindi na ito tahanan ng mga tao. Giba na ang mga gusali at maraming butas. Umuusok ang paligid dala ng mga sumabog na bomba at pulbura ng mga bala.

Nahagip ng aking mga mata ang kalaban na nagtatago sa itaas ng gibang gusali. Agad ko itong pinuntirya at walang pag-atubiling kinalabit ang gatilyo ng aking baril. Agad akong nagtago nang may bumaril na naman sa akin. Sa apat na taon ng pagsusundalo ko ngayon lang ako nakaranas ng matinding pag sabak. Hindi kami pwedeng umatras hangga't wala pang sinabi si captain. May kaylangan din kaming iligtas na mga hostage sa unahan. Ako lang ang nag-iisang babae sa aming samahan at kahit babae ako malaki ang tiwala nila sa akin. Naniwala rin ako sa kakayahan ko na sumabak sa giyera. I'm strong enough to fight.

Mabilis akong umalis sa pagtago at binaril ang bumaril sa pwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang wala ng bala ang lumabas. I quickly hid. I could hear my heart beats rapidly. Agad akong napatingin sa kasama ko.

"Naubusan na ako ng bala!" Sigaw ko sa kanya. Saglit niya akong tiningnan at muling itinuon ang atensyon sa pagbaril.

"Maghanap ka ng matataguan mo, I'll cover you." Balik niyang sigaw sa akin. Tumango ako at tumingin sa paligid. Kahit labag sa kalooban kong iwan sila kaylangan ko pa ring gawin dahil magiging pabigat lamang ako. Nakakasigurado akong paubos na rin ang mga bala nila kaya kaylangan kong makahanap ng paraan para muling makalaban. Nang nasigurado kong abala ang mga kalaban mabilis akong tumakbo habang nakayuko.

Nakita ko sa unahan ang isang sementadong bahay na hindi masyadong nagiba kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Agad akong napahinto nang sumabog ang kalapit na gusali sa gawi ko. Parang nawalan ako ng lakas dahil sa impact ng pag sabog. May naramdaman rin akong kirot sa tagiliran ko. Pasuray-suray akong naglakad habang umiikot ang paningin. Wala na rin akong naririnig sa ingay sa paligid. Naramdaman ko ang pag bigat ng talukap ko ngunit pinilit ko pa ring panatilihing nakadilat ang mga mata. Jesus, ito ba ang katapusan ko? 

Naaninag ko sa unahan ang bagong dating na sundalo. May iilan ang napatingin sa akin at agad nila akong sinenyasan na tumabi. Bumubuka ang bibig nila ngunit wala akong narinig hanggang sa may kung anong bumangga sa akin at bumagsak ako sa lupa.

"A beautiful woman like you shouldn't be here, you more than deserve the kind of luxurious life with me," may narinig naman akong mahinang boses sa gilid kaya dahan-dahan akong napalingon roon at sumalubong sa akin ang asul ng mga mata.

"A deadly gun isn't fit to your hands but my gun is. A gun which can take you to the heaven because of excessive pleasure." nakangisi niyang dugtong at kumindat pa sa akin. Nanghihina kong tiningnan ang suot niya at doon ko napagtanto.

The guy who embracing me right now is a freaking US soldier!

"Such a cocky jerk," I uttered despite my weakness.

@Missloorh

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon