Chapter 1

455 23 1
                                    

Kathnis P.O.V

Hanggang ngayon namumuro pa rin ako sa sundalong kano kanina na kung sinong super herong nagligtas sa akin pero binastos naman ako.

"Alam mo, pag ang sundalong 'yun makita ko ulit pipingutin ko talaga ari niya," inis kong sabi kay Hailey na kaibigan kong medic. Naikwento ko na sa kanya ang nangyari sa akin sa giyera. Napangiti siya habang pinitik ang injection at pagkatapos itinurok sa tagiliran ko na may sugat kaya napangiwi nalang ako.

"Iyun ba talaga ang kinakagalit mo or nagalit ka dahil sobrang gwapo niya," mapang-asar niyang sabi at nilagay ang injection sa tray. Napairap nalang ako sa hangin.

"Duh! Kahit gwapo siya hindi pa rin siya dapat nambastos," atungal ko. Yes, he's deadly handsome. His perfect face still lingering to my mind. I heard her laughter and she wrapped my body using the bandage.

"Don't make it complicated Kath. Alam ko namang nagagalit ka sa mga gwapo kahit iyung iba wala namang ginawang masama sa'yo," singit niya. I sighed heavily. I admit, I really hate for those men who has a good appearance. I really don't want to get attracted to them. Dahil kapag naattract ako kung may isang manligaw sa akin baka sakaling masagot ko tapos kung mag-aaway kami maghihiwalay din. Ayukong ako ang magiging kawawa sa huli. I'm afraid to get broken. Masakit sa ulo at masakit pa sa puso. They are just a pain in my ass. Well, I won't deny that I'm a freaking coward when it comes to love even though I'm brave to my chosen job. Alam ko naman 'yun. Every person has their own weaknesses and being in love is my weakness.

"Ah basta, galit ako sa sundalong 'yun," giit ko pa. Tinawanan lang ako ng kaibigan ko saka nagpa-alam sa'kin na umalis para asikasuhin ang ibang pasyente sa kabilang tolda.

Tahimik akong naglibot ng tingin. Anim kaming pasyente ang narito. Nakikita ko sa mukha nilang nagtitiis pa rin sa sakit. Nakakaawa silang tingnan. May isa pa ang naputulan ng binti. Bumuntong hininga ako saka umayos sa pagkakahiga.

Ang napili naming trabaho ay napakadelikado at buwis-buhay. Whenever we face a war to save people, in that moment our lives is in danger. We're near to death. Kung mamalasin, mamamatay talaga. It is sad to think that we must prioritize the state and the other people than to live with our families because we had sworn of duties to do. However, we still love our jobs despite of being restricted and limited to enjoy our lives outdoor.
Sabi pa nila, PROTECTING THE PEOPLE, SECURING THE STATE. We must prioritize the sake of others before ourselves. That's why I'm still single. No boyfriend since birth for the age of twenty four. Funny right? Well, I don't give a shit.

And besides, I'm Kathnis Llacer from Zamboanga city, a GM-hater. GM stand for Gorgeous Man.

Kanina pagdating ng reinforcement agad sinaklolohan kaming mga sugatan at dinala kami rito. Ang camp na ito ay hindi masyadong malayo sa lugar kung saan may giyera. Si captain at ang iba naming kasamahan nanatiling nakipagbakbakan pa ngayon. Malakas ang kutob kong magtagumpay sila. Hindi basta basta ang mga sundalong reinforcement dahil karamihan sa kanila mga US Soldier.

After two days the war between the Army and NPA was finally stopped and we attained the freedom for citizens in Hulo. From that moment they got back to the base. Which is CGH, Camp General Halcyon. General headquarters of the Armed Forces of the Philippines located in Quezon city. It is located along Epifanio de los Santos Ave. The military base is named after the revolutionary leader, Halcyon Marquez who became the first Philippine President, that fought in the Philippine Revolution. This base is a freaking old but they renovated each building.

The Armed Forces of the Philippines consists of three main service branches. The army, the air force, and the navy. Including the marine corps.

I'm walking along the hallway wearing my full combat gear. Nasa mga bisig ko ang baril. Umaga ngayon at oras para gawin ang kinaugalian kong pagtakbo ng ilang kilometro.
Habang akay-akay ko ang aking baril napahinto nalang ako bigla nang natanaw ko sa unahan ang sundalong kinaiinisan ko nitong mga nakaraang araw. Agad kumulo ang dugo ko. May kausap siyang dalawang sundalo rin. Sa tindig pa lang niya naiinis na ako, lalo na sa simpleng galaw niya na parang kay sarap tingnan. His gestures are so manly. Nakakainis. Bakit ba ang gwapo niyang tingnan?

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon