Chapter 31

132 9 6
                                    

 
Dumaan ang apat na araw hindi pa din kami nakaalis sa skwelahan. Hindi kami pinaalis dahil sa balitang mas naging malakas ang mga kalaban. Inatasan kaming manatili dito upang panatilihing ligtas ang mga nilikas.

Every minute naiisip ko si Dale. Kumusta na kaya siya? Ligtas kaya siya? Nakakain kaya siya? I sighed heavily. I can't do anything. I am just hoping that he is doing good every day.

Napabalikwas na lang ako sa pagkakaupo nang may narinig akong pagsabog. Agad akong naalerto at patakbong lumabas sa court. Nagsimulang magkagulo ang lahat. Nakasalubong ko si sergeant kaya agad ko itong tinanong kung ano ang nangyayari, "We're under attack," bakas sa mukha niya ang kaba. Shit. Paano na ang mga tao dito?

Naghiwalay kami ni sergeant at nagtungo ako sa gate. Nakita ko naman ang ibang sundalo na nakapwesto na sa harap ng gate. Nakatukod ang mga tuhod nila sa lupa habang nakatutok ang baril sa gate. I gulped. Umuusok ang gate dala ng bombang sumabog doon. Lumuhod ako at itinaas ang baril. Habang naghihintay sa susunod na mangyari dinig na dinig ko ang tambol ng dibdib ko. Malalim ang aking paghinga.

Walang pag-alinlangan kong kinalabit ang gatilyo nang may trak na pumasok. Binundol nito ang gate kaya malaya itong nakapasok. Sunud-sunod ang nangyaring putok habang patuloy naman sa pagtakbo ang trak.

Napatingala na lang kaming lahat nang may dumaan na helicopter at pinaulanan kami ng bala. Agad akong napatakbo at nagtago sa kalapit na pader. I gritted my teeth. Those bastard. If ever I have a chance to kill them all, I won't ever hesitate to do it. Itinuon ko muli ang atensyon sa gate. Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil nagsipasok na ang mga kalaban. May mga bumaba na din sa trak. Sunud-sunod nilang napabagsak ang ibang kasamahan ko. Agad sumagi sa isip ko ang mga tao sa court. Shit, kailangan naming makaalis sa lugar na ito ngunit paano? Nakasigurado akong may nakaabang pa sa labas.

Patakbo akong pumunta sa court at pinagbabaril ang mga nakikita kong kalaban. Napatalon na lang ako nang may nagbato ng bomba sa aking gawi. Napagulong ako at agad ding bumangon, hindi alintana ang sakit ng katawan at pagkabingi. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa pintuan ng court. Sinalubong agad ako ni Sergeant. "We need to leave this place as soon as possible," she said. I shook my head. "We can't sergeant. Marami nang nakapasok, tanging gate lang ang pwede nating daan," I stated. I saw how her jaw clenched.

"Then, we have no choice but to fight." I nodded of what she said. We have no choice after all.

"I already called for reinforcement, so don't die. Understand?" I nodded again. Pumasok kami sa loob at nakita kong nakatago lahat ng sibilyan sa mga upuan.

Mahigit kinse pa kaming sundalo na nandito sa loob. Mayroon din sa labas.

Kinabahan ako para sa mga sibilyan, lalo na sa mga bata.

Patuloy pa din ang putukan sa labas. Pumwesto kami ni Sergeant malapit sa pintuan. Bawat segundo pakiramdam ko nalalapit na ang kamatayan ko ngunit sinikap ko pa din magpakatatag. Kailangan kami ng mga sibilyan na nandirito. Habang papalapit ng papalapit ang mga putok ng baril sa labas pahigpit ng pahigpit naman ang kapit ko sa baril.

Agad kaming naalerto nang may lumusot na bala sa pintuan. Mabilis kaming lumuhod ni Sergeant at tinutok ang baril. I gulped so hard. Tila bumagal ang takbo ng oras habang putok lang ng baril ang naririnig ko. I immediately pulled the trigger when someone kicked the door. Agad bumulagta ang kalaban na papasok sana. Nakita ko naman kung paano bumulwak ng dugo ang kalaban na pumasok nang may kung sino ang bumaril nito mula sa labas. Mas lalo akong kinabahan nang wala ng pumasok. Muli kong hinanda ang sarili. Dinig ko ang mga iyakan ng mga bata kaya mas nilakasan ko ang aking loob.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang may biglang pumasok at kamuntikan ko ng makalabit ang gatilyo, "Dale!" naisigaw ko sa kaba. Agad din siyang napatingin sa akin. Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at sinalubong siya nang yakap.

Love Unchained (Saviour's Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon