Chapter 07: Vice President

357 2 0
                                        

Chapter 07: VICE PRESIDENT

Halos mapatanga naman ako habang pinapanood si Warren na ipinapasok ang mga biniling gamit ni Sean para sa baby namin.

Bigla naman akong hinapit ni Sean sa beywang na dahilan kung bakit ako napaupo sa kanyang mga hita. Niyakap niya ako at saka hinalik-halikan sa balikat.

"Pupunta tayo kina Mommy bukas. We will tell them about your pregnancy," he informed me of his plan.

Nilingon ko naman siya. "Nandoon din ba si Daddy?"

Tumango siya at ngumiti sa akin."Sakto nga dahil kakauwi lang ng Daddy mo noong isang araw. Hindi ba kayo nakakapag usap? Next week pa ulit ang balik niya sa San Francisco. He's just going to personally check the state of your company."

Napanguso naman ako at umiling. "Hindi na masyado. I don't know if he's really just busy. I often sent him messages through Skype pero madalang lang siyang mag-reply sa akin."

"I think that our family meeting tomorrow will be a good time for you to catch up with your father."

"I know. Thank you for setting this one up. Kung 'di dahil sa ipinagbubuntis ko, mukhang 'di ko pa malalaman na nakauwi na pala si Daddy." I thanked and smiled at him.

"Anything to make you happy, my love." Ngumiti rin siya at saka inabot ang aking kamay.

May inilagay siya sa aking palad at isinara ito bago binitawan.

I slowly opened my palm and my lips parted as I saw his wedding ring lying on my palm. Hindi ko na nakitang suot niya 'yon mula nang ikinasal kami. Ngayon ko na lang ulit nakita pagkatapos kong isuot sa kanya noong araw ng kasal namin.

"Nasa 'yo pa 'to? hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya bago umupo nang maayos.

Tinanggal ko ang wedding ring na suot ko para ikumpara sa singsing na iniabot niya. At hindi ko maiwasang maging emosyonal nang mapatunayan na ito nga ang aming wedding ring.

"Akala ko itinapon mo na or naiwala mo dahil hindi ko naman 'to nakikita," sabi ko at napangiti na lang habang tinitingnan ang singsing na sumisimbolo sa aming pag-iisang dibdib.

"I didn't lose it or throw it. It's on the first drawer of my office table. There's a small box there at doon lang 'yan nakalagay."

Nakakapanghinayang dahil hindi niya ito isinuot kahit isang beses lang magmula nang ikasal kami, pero gumaan ang pakiramdam ko ngayong sinabi niyang itinatago niya 'to. Ibig sabihin no'n, pinapahalagahan niya pa rin 'to kahit na napilitan lang siyang pakasalan ako.

I was about to wear my wedding ring again when he suddenly stopped me and scooped me on his arms. "Sean!" tili ko habang buhat niya ako at maingat na ibinaba nang makarating kami sa garden.

Tiningala niya ang langit at ganoon din ang ginawa ko. It's so unusual that I can see a lot of stars, and even the moon got brighter tonight.

"To the moon and stars as our witnesses..." he trailed and gently raised my left hand. He aimed for my ring finger at doon niya itinapat ang aking singsing bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "I, Sean Jacob Sarmiento, will fulfill my duties as the husband of Cassandra Phiel Talavera-Sarmiento, not because I'm obliged to, but because I want to and I love her."

Nang maisuot niya sa akin ang singsing, parang bigla akong nakaramdaman na mayroon na itong bigat. My ring finally became heavier because of those heart-filled words that came from Sean as he slid the ring on my finger.

"Your turn," mahinang sabi niya at siya na mismo ang nag angat ng kanyang kamay.

I smiled and I can't stop myself from getting teary-eyed. I finally experience what they call tears of joy.

His Secret Wife (Completed)Stories to obsess over. Discover now