Chapter 12: GOING BACK
"What?!" I sternly asked in disbelief.
Hindi rin makapaniwala si Brendt sa aming nalaman. I wanna know what's going on his mind right now. Pakiramdam ko'y muli na naman siyang pinanghinaan ng loob. Pero sisikapin kong gawin ang lahat para maisaayos ito.
"What are you talking about? I'm still married? There must be a mistake!" hindi ko maiwasang itaas ang aking boses. I just can't believe it! It's been five years. I should've heard something from Ashley about this if it's true, pero wala akong naman.
"Opo..." magalang at kalmadong sagot sa akin ng babae. "Iyon po ang nakalagay sa civil status niyo dito nang tingnan ko po ang inyong records. You're married with..." she trailed and looked at the screen before raising her gaze at me again. "Mr. Sean Jacob Sarmiento."
Bumagsak naman ang aking balikat nang marinig ang kanyang pangalan. Hindi ko alam kung dapat ko na bang paniwalaan ang naririnig ko ngayon. I thought everything's already okay. I thought I can completely run away from everything that I left behind. Ngunit mukhang kailangan ko pang balikan ang mga sakit na natamo ko noon.
Hinawakan naman ni Brendt ang aking balikat na dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya at ginawaran niya ako ng ngiti.
I can't help but to feel guilty. Alam kong pinipilit lang niyang ngumiti para pakalmahin ako.
Nilingon niya ulit ang babae sa aming harap. "Can you refresh it again, Miss? Is it really my fiancée's record?" umaasa pa rin siyang nagkakamali lang ang babae.
The girl deeply sighed like she doesn't know what to do just to make us believe. "Mrs. Cassandra Phiel Talavera-Sarmiento. Siya po 'yon, 'di ba?"
I almost shivered when I heard her say my whole name with Sean's surname. Akala ko'y nabura na ang pangalan niya sa akin, ngunit nandoon pa pala.
Labag sa loob namang tumango si Brendt bilang kasagutan at muling napabuntong-hininga ang babae.
"Sir, I'm sorry but your fiancée's still married. You two can't process a marriage license unless they're annulled which is a long process at napakamahal din po nang magagastos."
I've already lost almost half a million pesos because of the annulment papers that I processed and signed five years ago pero wala naman pala iyong silbi. Ngayon, kailangan ko na namang magsunog ng pera para lang muling buhayin ang lahat.
They say that all things happen for a reason. Inintindi ko ang lahat ng masasakit na pagsubok na nangyari sa buhay ko, pero ito yata ang kahit kailan ay hindi ko maiintindihan.
"I already processed and signed an annulment papers five years ago. I asked my lawyer to send those papers to my ex husband. It's impossible that I'm still married when I should be annulled by now," may diin kong sabi.
Muli namang huminga nang malalim ang babae. Wala akong pakialam ngayon kung naiirita na siya sa akin dahil sa walang katapusan naming pag-uusap. Alam kong paikot-ikot lang ang aming usapan pero hindi ako titigil hangga't hindi ko ito lubos na naiintindihan.
"There are many possible reasons, Ma'am," she said and I suddenly became more attentive.
Hindi ko alam pero parang mayroon akong gustong marinig na rason. Ngunit gusto kong manggaling 'yon sa kanya.
"Una po, baka po hindi napadala ng lawyer niyo sa inyong asawa ang annulment papers. Pangalawa naman po, baka hindi naaprubahan ng korte. O baka naman po..." she trailed before saying the answer that I'm waiting for. "...hindi pinirmahan ng asawa niyo."
Imposibleng hindi pirmahan ni Sean ang annulment papers. Mas papaniwalaan ko pang naiwala ng pinsan ko o kaya'y hindi niya dinala kay Sean ang annulment papers, dahil kahit suportado niya ako sa desisyon ko, hindi ko pa rin maiaalis ang katotohanan na hindi naman siya sang-ayon sa kagustuhan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/350527297-288-k680005.jpg)
YOU ARE READING
His Secret Wife (Completed)
RomanceBabaeng tinitiis ang lahat nang sakit dahil iyon ang mas pinili niya ang magpakasal sa taong hindi naman siya ang gusto. Ang babaeng isusuko ang lahat nang kasiyahan para sa anak niya. Cassandra-Sean