Chapter 02: FADED
When I got out of Manang's room after I woke up, I heard a faint voice of a girl. I stiffened for a second but I still managed to go and check out his girl as I hid myself, looking at them from afar. I can see that Sean's trying to avoid her by his axpression. Hindi rin naman nagtagal, sumuko na ang babae at naglakad na palabas ng bahay.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sean. One sleep isn't enough to forget that fresh memory from last night in my mind. Seeng him will make everything more painful, specially if he's going to ignore me again.
"Manang," tawag ni Sean sa kasambahay.
Bahagya akong sumilip at lumapit. Nakita kong lumabas si Manang galing sa kusina.
"Bakit, hijo?"
"Umuwi po ba si Cassandra?"
Napaawang ang aking bibig sa tanong ni Sean. Biglang nag init ang malamig kong puso. Nagtatanong siya tungkol sa 'kin.
Thinking that he cares for me made my heart flutter. Thoughts from last night were instantly washed away from my mind like it didn't happen.
"Oo," tipid na sagot ni Manang.
"Mga anong oras po siya dumating?" Sunod niyang tanong.
Napangiti ako.
"Mag-alas dose na rin siguro."
"S-saan po siya natulog?"
"Sa kwarto ko," sabi ni Manang at saka tiningnan ng mariin si Sean. "Hijo, alam kong hindi kayo magkasundo ng asawa mo, pero sana naman, hindi umabot sa ganito. Bigyan mo naman siya ng kahit kaunting respeto. Kahit anong sabihin mo, kasal pa rin kayo at asawa mo siya." Sermon ni Manang.
Napabuntong hininga si Sean at hinilot ang sentido na para bang hindi niya rin alam kong ano ang dapat gawin.
Naglakad ako papalapit sa kanila ng mapalingon sa gawi ko si Manang.
"Good morning po, Manang." Bati ko kay Manang at saka tumingin kay Sean. "G-good morning, Sean." Nauutal kong bati.
Hinintay kong batiin niya din ako o kahit lumingon man lang, ngunit hindi niya ginawa. He remained looking at Manang and refused to look at me.
"Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo," nakangiting sabi sa akin ni Manang.
"Sige po, kakain po ako. Sabay na tayong kumain," yaya ko kay Sean.
"Ikaw na lang. I'm not hungry." Sagot niya at saka umakyat at bumalik sa kwarto namin.
Pinilit ko na lang ngumiti.
𝐴𝑡 𝑙𝑒𝑎𝑠𝑡 ℎ𝑒 𝑎𝑛𝑠𝑤𝑒𝑟𝑒𝑑 𝑚𝑦 𝑞𝑢𝑒𝑠𝑡𝑖𝑜𝑛, 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡?
Naglakas loob na akong umakyat sa kwarto pagkatapos kong kumain. Agad kong nakita si Sean na nasa study table at nagbabasa ng mga kung ano anong papeles.
Gusto ko sanang tanungin kong bakit hindi nalang sa office dito sa bahay niya gawin ang mga ginagawa, ngunit nang maalala ko ang sinabi nitong walang pakialamanan, itinikom ko na lang ang bibig ko.
I didn't bother him anymore and just took a bath.
After taking a bath, I received a phone call from Nikki. She asked me if I got home safely. Hindi rin nagtagal ang pagtawag niya dahil masakit pa raw ang ulo at magpapahinga pa.
I was about to read a book after the call when I received another call from an unknown number.
"Hello? Who's this?"
YOU ARE READING
His Secret Wife (Completed)
RomansaBabaeng tinitiis ang lahat nang sakit dahil iyon ang mas pinili niya ang magpakasal sa taong hindi naman siya ang gusto. Ang babaeng isusuko ang lahat nang kasiyahan para sa anak niya. Cassandra-Sean