Chapter 10: NEVER BE
"Pakiabot na lang ito kay Sean, Nikki," paghingi ko ng pabor kay Nikki.
Iniabot ko sa kanya ang resignation letter na ginawa ko. Itutuloy ko pa rin ang pag-alis ko kahit hindi niya ito aprubahan. Wala naman akong kontratang pinirmahan nang pumasok ako sa Sarto, kaya hindi niya rin ako makakasuhan para mapigilan sa pag-alis.
She stared at the resignation letter that I gave her for a few seconds before she lifted her gaze on me.
"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, Sandra? Paano kung nagkaka-misunderstanding lang kayong dalawa?"
Pinilit ko namang ngumiti. I know she's trying to make me stay and to rethink my decision to finally leave and set him free.
"Ako na mismo ang nakasaksi, Nikki..." I trailed and memories from the other night flashed back into my mind. "Ako na mismo ang nakakita kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Alam kong ako at ang anak ko ang pumipigil kay Sean. I don't want to be selfish, Nikki. Ang dami ko nang ipinagkait sa kanya mula nang pina-arrange ko kay Daddy ang kasal naming dalawa."
"Sandra-"
"To be honest, the time that I was able to spend with him is already enough and I couldn't ask for more. It's time to give back his freedom and happiness that I deprived him." I sincerely stated.
"Pero pa'no ang anak niyong dalawa? Sinong tatayong ama sa bata? Do you want your child to grow up without a father?"
"Brendt's gonna be with us. Doon kami titira sa bahay nila sa Davao at nakausap na rin namin ang parents niya tungkol do'n." Brendt's really fast when it comes to solving problems. Nakuha niya pang pabisitahin ang mga magulang niya sa kanyang unit upang sabihin ang tungkol sa plano niya para sa akin.
Ang akala ko nga'y tututol ang mga magulang niya pero kabaliktaran ang nangyari. They're willing to support in every way that they can, that's why they lend us their house in Davao. Naiintindihan nila ang gusto kong mangyaring paglayo sa asawa ko at handa rin nilang ibigay ang kung ano man ang ikasasaya ng kanilang anak.
Pagkatapos nga ang pag-uusap, bigla akong nagdalawang isip sa pagsama ni Brendt sa akin sa paglayo, ngunit nang sinabi ko sa kanya 'yon ay agad niyang binale-wala ang sinabi ko. No one can stop him from coming with me and staying beside me. Nakahanda siyang samahan ako kahit saan man ako pumunta.
"Alam kong magiging mabuting tatay si Brendt sa anak ko kaya pumayag na akong sumama siya sa amin. And besides, he wouldn't let me leave on my own," sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay at saka ngumiti. "I'll text you my address doon sa Davao as soon as we settled there. Para makapunta ka kapag nanganak ako at bininyagan ang anak ko."
Tumangu-tango naman si Nikki. She already knew that she won't be able to convince me to stay. All she has to do is to accept my decision, at 'yon na ang ginagawa niya ngayon. Sadyang pinoproblema at iniisip niya lang siguro ang mga posibleng maging bunga ng pag-alis ko and I admire her for that. "Okay... Wala na akong magagawa kung buo na ang desisyon mo sa pag-alis, pero alam mo bang naghi-hysterical si Sir Sean sa office? He's always bothering and asking me about you from time to time. Hindi ko na alam ang isasagot ko. Kung anu-anong palusot na ang ginawa ko," kwento niya.
"Napag-usapan na natin 'yan, 'di ba, Nikki? Just please help me out and cover for me. Ayokong may malaman si Sean sa mga whereabouts ko lalo na pag natapos ko ng asikasuhin ang mga kailangan kong gawin dito sa Maynila bago pumunta ng Davao."
Napabuntong-hininga naman siya. "Okay... That's my last resort. Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan."
Napangiti naman ako. "Hindi na talaga." Nagpaalam na ako kay Nikki matapos naming magkaintindihan dahil dumating na si Brendt para sunduin ako.
YOU ARE READING
His Secret Wife (Completed)
RomanceBabaeng tinitiis ang lahat nang sakit dahil iyon ang mas pinili niya ang magpakasal sa taong hindi naman siya ang gusto. Ang babaeng isusuko ang lahat nang kasiyahan para sa anak niya. Cassandra-Sean
