Chapter 14: Papers

113 2 0
                                    

Chapter 14: PAPERS

"Where are we going again, Mommy?" Lyrae asked while staring outside the car's window.

Brendt convinced me to send Lyrae back to Davao, away from Sean but I didn't approve it. Ayokong malayo sa akin ang anak ko.

Nakaluhod siya sa upuan ng sasakyan habang nakahawak ang kamay sa salamin ng bintana nito. Isang maling preno ko lang ay paniguradong mangungudngod siya.

"Sa bahay ko dito sa Manila, pero kung hindi ka uupo nang maayos...babalik na lang tayo sa bahay ng Daddy Brendt mo."

Umayos siya agad ng upo at isinuot ang seatbelt matapos kong sabihin 'yon. Napangiti naman ako dahil napalaki kong mabuti si Lyrae, kahit medyo makulit minsan na alam kong hindi maiiwasan. Alam kong magma-mature rin siya paglaki niya, at sana maging matatag rin siya sa pagharap sa mga problema.

"Mommy, look!"

Halos magulat ako dahil sa pagsigaw ni Lyrae. Nakaturo siya sa bintana kung saan makikita ang playground ng subdivision na malapit sa aming bahay.

"I wanna play, Mommy! I wanna play!"

"Lyrae, we're going to our house."

"Eh... Mommy... Sandali lang po! Please, Mommy... Please..." she cutely whined.

Wala naman akong nagawa kundi iliko ang sasakyan papunta sa playground. Dahil kung hindi ko siya papayagang maglaro, siguradong iiyak siya at matagal-tagal bago siya tumahan.

I bet she already misses her playmates in Davao.

"Yehey!" sigaw ni Lyrae nang makababa siya ng sasakyan.

Dire-diretso siyang tumakbo papunta sa playground. Agad niyang inakyat ang slide para makapagpadulas. Nilapitan din siya ng iba pang mga bata upang makipaglaro.

Napatigil naman ako sa panonood kay Lyrae nang biglang tumunog ang aking cell phone at nakitang tumatawag si Brendt.

I sighed and walked at the benches to sit down before answering his call.

"Hello?"

"Nasaan kayo ni Lyrae? Wala raw kayo sa bahay. Saan kayo pumunta?"

"Dad asked me to go to our house. Pinabibisita niya lang sa akin. Naglalaro ngayon si Lyrae sa playground dito. Ako na ang bahala sa kanya. Ite-text na lang kita kapag uuwi na kami."

Rinig ko naman ang pagbubuntong-hininga ni Brendt. Alam niyang wala na siyang magagawa dahil nandito na kami ni Lyrae.

"Mag-iingat kayong dalawa. I'll call you later."

"Okay, Brendt. Bye."

Tiningnan ko naman ang oras bago ibinalik ang cell phone sa aking bulsa. Kailangan na naming pumunta ni Lyrae sa bahay. Ibabalik ko na lang siya dito ulit para makipaglaro.

Tumayo ako sa bench at hinanap ang anak ko sa gitna ng mga batang naglalaro. I don't need to search harder because I immediately saw her in front of a man. Nakatingala ang anak ko habang tinitingnan ang lalaking pirming nakatingin sa kanya.

Tila naging tubig ako na inilagay sa napakalamig na freezer at agad na nanigas nang makita ko silang dalawa.

"Lyrae!" tinawag ko siya, pero tila hindi niya ako marinig dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa lalaking nasa harapan niya.

Agad kong tinakbo ang distansya na naglalayo sa aming tatlo nang makabawi ako sa pagkaka-estatwa. Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap siya.

"Mommy..." she whispered. Her voice was full of doubt because of my reaction.

His Secret Wife (Completed)Where stories live. Discover now