Chapter 21: SIGNATURE
"M-Mom, D-Dad..." gulat at nauutal na sambit ko nang makita ko ang mga magulang ni Sean pagkabukas ko ng pintuan ng aming bahay sa San Francisco.
Mommy Rose and Daddy Simon are right in front of me.
"Sandra, anak," Mommy said with teary eyes and hugged me so tight. "I'm sorry if we are late. Sorry if we're not here yesterday and the last few days."
Sinuklian ko naman ang yakap ni Mommy. Instead of crying again, I was happy that they still came even if they're already one day late from Dad's interment.
"Believe us, Sandra..." sabi naman ni Daddy Simon. "We did our best just to come here as soon as we got the message from Sean, but things went out not the way we want it to be," paliwanag niya. "Balak naming pumunta na lang sa puntod ng Mommy at Daddy mo mamaya. Magpapasama kami kay Sean," dagdag pa nito.
Umiling naman ako at ngumiti sa kanilang dalawa. "Okay lang po. I'm somehow fine now. Tanggap ko naman na po ang pagkamatay ni Daddy. I know that he will like it if you'll visit him and Mommy later."
"Your Dad loves your Mom so much, that's why. Matagal na niyang gustong sumunod sa mommy mo," sabi ni Daddy Simon at tumango ako.
They also know dad's willingness to die just to be with my mom.
"But we didn't just come here because of your Dad's death. We also miss you so much, Sandra. You just left with a letter you've given to us. You could've talked to us tungkol sa inyo ni Sean," naiiyak na sabi ni Mommy Rose.
Napayuko naman ako. "I'm very sorry po... Masyado pong naging padalus-dalos ang mga desisyon ko dati. I'm reflecting on my mistakes po. I'm sorry po talaga." I apologized sincerely.
Ngumiti naman si Mommy kahit na tumutulo na ang kanyang mga luha. She softly caressed my cheek.
"I understand why you left five years ago, Sandra... We both understand," sabi niya at nilingon si Daddy Simon na tumatango sa akin habang nakangiti rin.
Pagpasok naman namin sa bahay, nakita namin na pababa si Sean at buhat si Lyrae habang nagtatawanan silang dalawa.
Natigil ang pagtawa ni Sean nang makita ang kanyang mga magulang na nakasunod sa akin habang si Lyrae naman ay binigyan nang nakapagtatakang tingin ang kanyang lolo't lola.
"Is... Is that Lyrae?" rinig ko ang tuwa sa boses ni Mommy Rose nang makita si Lyrae.
"Mom, Dad-" Natigil si Sean sa pagsasalita nang salubungin nina Mommy Rose at Daddy Simon si Lyrae.
"Hello, baby, is your name Lyrae?" malambing na tanong ni Mommy Rose.
My daughter pursed her lips and shyly nodded before she hid herself by covering her face through Sean's body.
"She is so adorable! I want to pinch her cheeks!" nanggigigil naman na sabi ni Mommy Rose na halatang natutuwa sa kanyang apo.
"Sean, tell her to look at us again," sabik namang sabi ni Daddy Simon na gusto ulit masilayan ang mukha ng apo.
"Binibigla niyo naman po si Lyrae. Dahan-dahan naman po ang paglapit at pagpapakilala," pangaral naman ni Sean sa kanyang mga magulang.
Lumapit naman ako at saka hinawakan ang braso ni Lyrae na agad namang nag-angat ng tingin sa akin. "Lyrae, look at your Lolo and Lola. They're your Daddy's parents. She's Lola Rose and he's Lolo Simon," pakilala ko sa kanila.
Napatingin naman si Lyrae sa kanyang lolo't lola. "Hello po..." nahihiyang pagbati niya. "I'm Lyrae Sirius T. Stewart," pagpapakilala ng anak ko sa sarili niya.
YOU ARE READING
His Secret Wife (Completed)
Любовные романыBabaeng tinitiis ang lahat nang sakit dahil iyon ang mas pinili niya ang magpakasal sa taong hindi naman siya ang gusto. Ang babaeng isusuko ang lahat nang kasiyahan para sa anak niya. Cassandra-Sean