Chapter 15: MOTHER'S LOVE
"Baby... Lyrae, this will be your new home," nakangiting sabi ni Sean nang makapasok kami sa loob ng aming bahay.
Tiningnan ko ang kabuuan niyon, mula unang palapag at tiningala ang ikalawang palapag. Medyo marami ring nagbago sa bahay. Ganoon pa rin naman ang kulay ng mga dingding at kisame, nag-iba lang ng kulay ang carpet at pati na rin ang ibang mga kagamitan.
"Do you want to look at the garden? We also have a swimming pool here. You can swim anytime you want."
Ngumuso naman si Lyrae at saka kumapit sa akin. Bahagya pa siyang nagtago sa aking likuran para hindi malapitan ni Sean.
"Rae, lumapit ka muna sa daddy mo." I tried to persuade her and slightly shook my arm para mapabitaw siya sa akin.
Umiling ang anak ko at lalong isiniksik ang sarili sa 'kin. “I don't want," she stubbornly said. "I want daddy. I want Daddy Brendt." I know that it will be hard for Lyrae to accept the truth at hindi niya agarang maiintindihan ang lahat ng kailangan niyang intindihin. We need to be patient for her to realize things.
Sean told me that he's willing to wait patiently for Lyrae to accept him as her real father, pero alam ko kung gaano kasakit ang mararamdaman niya sa paghihintay na 'yon.
"Rae, napag-usapan na natin 'to kagabi, 'di ba? Uuwi na muna ang Daddy Brendt mo sa Davao. May aayusin lang siya doon pero babalik din after 2 weeks," mahinahon kong sabi.
Nahirapan si Brendt na iwan kaming dalawa ni Lyrae lalo na't kasama na namin ngayon si Sean, ngunit hindi niya pwedeng ipagpaliban ang kanyang trabaho. Marami siyang kailangang gawin at tapusin. Lalo pa itong darami kung iiwanan niya nang matagal para manatili rito sa Maynila.
Kahit si Lyrae, hindi rin agad napapayag sa pag-alis ni Brendt at ayaw rin niyang umuwi rito sa bahay.
"Your Daddy's here naman. He really wants to play with you and get to know you better." I said and smiled, pertaining to Sean.Lyrae just pursed her cherry thin lips and looked around the house, pretending that she didn't hear what I just said.
"Uhm... Let's go to Lyrae's room," nag-aalangang sabi ni Sean.
Lumipat naman si Lyrae sa kabilang side ko kung saan makakalayo siya kay Sean nang bahagyang lumapit si Sean upang buksan ang pinto ng kwarto, Sean gave her a tired smile nang mapansin ang paglayo ng kanyang anak sa simpleng paglapit niya.
It hurts to see him trying so hard just to get close to our daughter. I can see him trying to endure all the pain. He uses his smile to plaster all the pain but it was like a see-through band-aid that I can see through it.
Binuksan ni Sean ang pinto at hindi ko maiwasang mamangha. Mas malaki pa ito sa kwarto ni Rae sa bahay namin sa Davao at maging sa naging kwarto niya sa bahay ni Brendt. Puro pink at violet din ang interior. I didn't know how he got it right. Pink and violet are Lyrae's favorite colors.
"Rae, do you like it?" I asked Lyrae when I found her playing with the Barbie dolls.
Lyrae looked at me and nodded enthusiastically, saying that she really like it. My gaze followed her as she went to the familiar doll house that she was asking me to buy her before.
My jaw dropped. I know that Sean has a lot of money. That can't be questioned anymore, but is it really a must to buy a twelve thousand worth of doll house?
"Excuse me po..." nagulat naman ako nang makitang nasa harap na ni Sean si Lyrae habang hawak nito ang laylayan ng kanyang t-shirt at tinitingala ito.
Sa sobrang gulat ni Sean, napatulala lang siya habang nakatingin sa kanyang anak na ngayo'y kusa na mismong lumalapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/350527297-288-k680005.jpg)
YOU ARE READING
His Secret Wife (Completed)
RomanceBabaeng tinitiis ang lahat nang sakit dahil iyon ang mas pinili niya ang magpakasal sa taong hindi naman siya ang gusto. Ang babaeng isusuko ang lahat nang kasiyahan para sa anak niya. Cassandra-Sean