Chapter 3 [Defy Reality]

59 6 0
                                    



[MONDAY]



"HOY!! Louisse, hindi ka ba papasok?" Tanong ng ever suplado kong kuya.

"No kuya may lulutuin kasi ako at gagawin para sa surprise ko mamaya sa aking gwapong boyfiee." Nakangiti kong sagot habang abalang dinidikit ang mga heart sa banner. Drawing lang ng heart ahhh, hindi totoong heart.

"Okay! basta huwag na huwag mong pababayaan yang pag-aaral mo,kundi sa slaughterhouse ang patutunguhan niyang boyfriend mo."




Nakuha na talaga ni kuya ang attention ko, dahil napatingin ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mong sa slaughterhouse ang patutunguhan ng boyfriend ko? Kuya naman kailan ka pa naging tanga? para sa mga hayop lang yung lugar na yun awwww." batukan ba naman ako.

"Tanga, haist bahala ka nga sa buhay mo." lalabas na sana siya ng biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang

"hindi ko ibabaliwala ang paghihirap nila mama kuya, pangako yan."





sabi ko, although hindi siya lumingon pero alam ko nakangiti siya paglabas niya. Tama si kuya. Kahit suplado yun, matalino rin yon. Valedictorian siya sa highschool years niya tapos ngayong college na siya nasa top 1 parin siya, palagi siyang nangunguna mapa extra curricular man o academics.





Pati rin sila mama at papa umalis na rin para sa trabaho nila. Sinabihan ko na rin ang aking bestfriend na huwag na muna akong sunduin rito sa bahay dahil may gagawin ako. At ang gaga sumaya naman dahil hindi daw muna siya maglalakad. Anong connect? Ewan ko sa kanya ang weird. Buti nalang talaga at hindi pa naaalala ng gwapo kong boyfiee ang date ngayon. kasi panay siya ng text pero di naman tungkol sa monthsary namin, kundi tungkol sa birthday niya.





Galit pa nga siya dahil di ako pumasok. Pero para ito mamayang gabi e-susurprise ko siya sa condo unit niya. Nag practice narin kasi siya maging independent kaya ayon nag-iba ng tirahan. Inubos ko ang buong umaga at hapon sa paghahanda at aaminin kong sobra sobrang pagmamahal at effort ang inilagay ko sa lahat ng ginawa ko at sana magustuhan niya ito at sana mapasaya ko siya. Pagka-uwi nila mama, papa at kuya, saka pa ako umalis. Gabi na rin kasi mga 7:00 na ngayon. Tamang tama para sa surprise ko sa kanya.





Agad akong sumakay sa taxi papunta sa condo unit niya. Buti nalang talaga at wala ng traffic. Kaya ayon mabilis akong nakarating. May access ako sa condo unit niya dahil binigyan niya ako ng spare key rito. Hinay hinay ko itong binuksan. Madilim pa sa loob. Hindi pa siya nakauwi? Isa isa kong inilagay ang mga dala ko sa mesa. Pinailaw ko narin sa sala ang dilim kasi. Habang naglalagay ako ng mga dala ko may bigla akong narinig na unggol.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon