Chapter 15 [Justin and Timothy]

47 5 0
                                    


"Oh,ayan na lahat Iha,ayusin mo paglilinis ahh." Sabi sa akin ni Manang Janitor bago umalis.Bakit ako napapasabak sa paglilinis?Dahil na late ako.Bakit?Itanong niyo don sa lalaking ang aga aga nilalanggam na.Nag chickahan pa kasi si Justin sa mga magulang ko.Kaya heto late ako.Siya?Ayon nasa klase niya.



Ang malas ko kasi ehh.Ang first subject naman kasi ang terror ng teacher at palaging galit,parang araw araw may period.Kaya nga heto ang kinahantungan ko.Nagsimula na akong maglinis.Nagsimula ako sa gym.Medyo okay dito kasi maaga pa kaya wala masyadong dumi.Pagkatapos ko don next stop ko ay ang sports locker.Dito medyo magulo at eww may amoy pa.Arrgghh.Justin pagbabayaran mo talaga toh.



Sobrang makalat, yong ibang locker nakabukas pa.Ano sila baldado?Di masarado ang sarili nilang locker?Ini-isa-isa kong pulutin ang mga kalat na karamihan ay mga rapper ng pagkain.At saka nagsimula nang maglinis.At sa loob ng isa at kalahating oras ng paglilinis ako'y nakaraos din.At kahit saang solok tignan. MAKINTAB.Pwede pa ngang mag salamin don.



Lumabas ako ng locker room at na feel ang pag kalam ng tiyan ko.Napatingin ako sa wrist watch ko.Recess time na pala.Great.Just great.Dalawang subject lang naman ang na miss ko!Komusta naman grades ko? Wish niyo nalang na walang bagsak.Para di magkaroon ng Assasination of the Great Louisse Loraine Llyod. At dahil ginamit ko ang utak ko,kaya ibig sabihin matalino ako.Nag continue ako sa paglilinis,para maka attend ako sa nest subject at para,alam niyo na.



Ang susunod kong lilinisan ay sa isang bakanteng room sa pinaka mataas na floor sa building nato.Ang floor kong saan wala masyadong estudyante ang pumupunta.Pwede namang mapasukan ang mga silid doon,maliban sa isa,ang nag-iisang room doon na ayaw papasukan ng principal.Pero nagtaka ako kong bakit niya ako palilinisin ron.To think na hindi niya pinapayagan ang mga estudyanteng pumunta ni pumasok roon.May mga sabi sabi ring kumakalat dito sa school tungkol sa room na yun.



May naririnig daw silang boses ng lalaking kumakanta at minsan pa daw tumutunog na gitara.Kaya wala masyadong pumupunta dito sa floor nato.At heto ako ngayon nasa hagdanan pa.Nanginginig. Oo na. Ako na ang madaling matakot. Ehh sa matatakutin talaga ako.Lahat naman ng tao may kahinaan. At ang kahinaan ko (pwera sa basagin o paglaruan ang puso) ay ang mga mumu.



Maemagine ko lang sila,nanginginig na ako,pinapawisan ng malamig,naiihi,natatae,nahihilo.Ohh siya nararamdaman ko na lahat.But I need to face my fear.Ikanga ni Vice Ganda PUSH MO YAN. Kaya Louisse push mo yan,para to sa ikabubuti at ikakaunlad ng buhay mo.Charrr.Ikakabubuti at ikakaunlad daw?,ano toh!!? sagip kapamilya at kapuso foundation?Hinay hinay akong naglakad patungo sa room na yun.Ang pinaka dulo na room.



Kahit na tumutunog na ang mga kampana sa tiyan ko ininda ko parin.Kahit na sobrang bigat ng mga paa ko,animo'y isang boto na may kapre na nakaupo sa bigat, ininda ko parin at hinay hinay na naglakad. Nanalangin na ako sa lahat ng santo at santa, sa mga dyos at dyosa, sa mga bathala, sa mga ninono sa lahat lahat pati sa mga hayop, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, mula sa sinauna hanggang sa moderno, mula sa maamo hanggang sa mabangis. Lahat inisip ko na.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon