Chapter 19 [Special Street]

66 5 0
                                    



Naglakad ulit ako pauwi sa bahay na dinaig pa ang isang gurang na nalogmok sa utang. Diri-diritso lang ako sa kwarto ko pagkarating ko sa bahay. Di ko kaagad naisipang mag bihis dahil agad naisipan ng mga mata kong umiyak. Iyak lang ako ng iyak. Yon lang naman ang magagawa ko ehh.



Hanggang iyak lang. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ko ng biglang may nag text sa akin. Tinignan ko at muntik ko nang matapon ang phone ko ng tuluyan. Siya na naman kase ehh. Si L na naman.


From: L Alam kong kailangan mo ng makakausap ngayon.


Sabi sa text message na, na receive ko.


To: L Nagkakamali ka, di ko kailangan ng makakausap, anong akala mo sa akin chickadora?

From: L Weeeee! ehh ba't ka umiiyak? Para kang unggoy na di nabigyan ng saging, saka di lahat ng kailangan ng makakausap chickadora minsan ginagawa nila yon para makahanap ng comfort o di kaya suggestions.


Arrggghhh. Mas dinadagdagan niya ang galit ko.


To: L Nakikiusap ako sa makitid mong utak na tantanan mo na ako.

From: L Alam kong may rason siya kong bakit ayaw niyang sabihin kong anong nangyayari.


Patuloy parin sa pag-iyak ang mga mata ko. Sa tingin ko dapat lagyan ng switch ang mga matang toh.


To: L Akala ko ba sinabi mong di ka stalker, ehh ba't parang alam mo bawat galaw ko!

From: L Admirer mo nga ako diba? 


Di ko alam kong bakit but I found comfort in this mysterious guy. Kailangan ko naman ng masasandalan ehh. Pwede rin naman siguro kahit ngayon lang sumandal ako?


To: L Ang sakit ehh, parang kahapon lang ang sweet at ang saya namin tapos ngayon mas masipag pang magparamdam ang mga multo dito sa bahay keysa sa kanya.

From: L Sabi nga nila may rason ang bawat ginagawa ng tao. Kaya baka malalim ang rason kong bakit siya hindi nagpaparamdam sayo.

To: L Nakausap ko ang kapatid niya, pero kahit anong pilit ko para sabihin niya sa akin. Wala paring kwenta. Nalilito na ako. Sobrang lito na.

From: L Never lose hope on the person you have chosen to love. If he would always be the reason why your heart aches, who cares? He'd still be the very reason why your heart beats anyway.



Napangiti ako sa sinagot niya.Tama siya. Si justin ang pinili ko, siya ang pinagkatiwalaan ko sa puso ko at saka sinabi niya rin sa akin kahapon na palagi lang siyang nanjan sa tabi ko. May matino rin palang masasabi tong mysteriousong lalaking toh.

To: L Salamat ^__^

From: L Your welcome Louisse (9^__^)9 



Saka pa ako nagbihis ng pantulog at saka natulog sa kama ko.


Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon