Maaga ulit akong gumising. Kahit na puyat na puyat ako kagabi sa kakaisip sa kanya. Yeah right!!, pagkatapos kong maligo at magbihis agad akong bumaba para mag breakfast pero wala ang kuya ko. Baka nasa kwarto pa niya naghihilik at naglalaway pa.
"good morning po." bungad ko sa mama at papa ko, nginitian lang nila ako saka muling bumalik sa binabasa nila. kumain naman ako ng tahimik. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng bahay. Pero imbes na ang bestfriend ko ang bumungad sa akin.
Si Timothy tuloy ang nakita ng aking mga mata. Hindi naman siguro ako nag hahalucinate diba? Agad ko siyang nilapitan, pinalastada niya kaagad ang pamatay niyang ngiti, kaya ayon namatay ako.
"Sabi ko nga diba!? Huwag masyado akong isipin yan tuloy hindi ka na makapag-isip ng matino." Sabi nito still wearing his killer smile.
"HAHAHAHAHAHA, kong di ako matino pwes patinuin mo ako, saka paano kita di iisipin kong nasa isipan na kita? na invade mo na kaya ang system ko."
Di naman halatang sweet kami diba?Diba?Hindi naman kami halatang sobra na ang ka swe———-
"HOY KAYO MGA KABAYO, KONG AYAW NIYONG IPA-BARANGGAY KO KAYO SA KA SWEETAN NIYO AT SA PAGHAHARUTAN PLUS PDA NIYO JAN SA HARAPAN NG BAHAY, UMALIS NA KAYO, HUWAG KAYONG MANG ESTORBO NG NATUTULOG!!!!!." sigaw sa amin ng magaling kong kuya habang nasa bintana ng kwarto niya. Tsk, pano naman kaya niya kami narinig? ehh ang layo kaya niya saka di naman kami nagsisigawan ni Timothy para marinig niya, minsan talaga ang weird nitong si kuya. At obvious sa hitsura niyang kakagising palang, ehh gulo yung buhok at shirtless pa.
"OK PO!!!!" nakangiti kong sagot kay kuya.Saka kami naglakad papunta sa school.
"Ba't ka nga pala...."
"May pinuntahan si Kinsella, sabi niya sa akin, sunduin daw kita sa inyo, para di ka mag-isa pumasok sa school, well kahit di naman niya yun sabihin gagawin ko rin naman ehh." Alam ko naman yun ehh, pero ang sweet talaga ng bestfriend ko di ako nakakalimutan, pero ba't di niya ako sinabihan na may pupuntahan siya!? Ni text man lang wala,ahhh baka wala lang yung load.
"Ahh ganon ba." yun lang ang sinabi ko.Tumahimik kami bigla. Saka ko naramdaman at naamoy ang mga mahalimuyak na mga Flower Candle? WOW napa nganga ako, ngayon pa ako nakakita ng ganito sa real life. Isa itong candle na hugis bulaklak, red rose to be specific at sa gitna umiilaw ito, na parang sa isang candle. Napahinto talaga ako sa paglalakd at napanganga ulit kagaya kahapon.
Pwedeng mahimatay? As in ngayon na? Simple lang tohh pero para na akong natuliro. KINIKILIG AKOOOO. To sum it all nasa kalsada pa kami.
BINABASA MO ANG
Searching Mr. Right
Teen FictionUmibig. Nasaktan. Nadapa. Bumangon. Yan ang difinition ng isang Louisse Loraine Lyod, isang babaeng naniniwala na merong forever as long as nabubuhay kapa at kaya mo pang umibig muli. Eto ang kanyang paniniwala nong nakilala niya ang isang Justin Ja...