Chapter 4 [A sign from the Lord]

50 7 0
                                    


"Ano nga ulit yung sinabi mo?Ikaw si Justin Jake Cast?"Tumango tango siya, ghadd end of the world na ba ito? Justin Jake Cast is a popular name around the chool campus, one of the three kings. Isa siyang fourth year student. At kapag sinabing Three Kings, titilian talaga yan ng mga bakla,babae at apti tomboy. Pero kahit na kailan di ko pa nakita ang tatalong hari na pinag chi-chismisan ng lahat sa campus. Iba kasi ang class schedule ng mga fourth years at sa tuwing recess lang sila nakakasabay sa lower years.



Tapos di naman daw lumalabas ang tatalong haring yun. Kaya minsan lang sila nakikita habang ako sa mga chismiss lang nalaman ang lahat ng yun. At ang swerte ko lang dahil siya ay isa dun. Pero di ko trip ngayon ang mga swerte na yan.

"Pasensya ka na kong naging bastos ako sayo.Ay paumanhin kong di ako naging magalang sao." Magalang ko nang sabi.

"ba't ka nga pala nandon? at isang bartender?" Dahil sa pagkakaalam ko ang Three kings ay puro mga mayayaman kaya napaka impossible kong nagtratrabaho siya dun sa bar na yun.

"pagmamay-ari yun sa isang kaibigan ng kaibigan ko, at nakiusap lang sa akin na maging bartender pansamantala dahil nagkasakit ang best bartender nila, okay naman sa akin dahil mahal ko ang mga alak."



Buti at di niya ininum yung mga alak don.Saka kami umupo don sa swing. Bigla kaming tumahimik at nakatingala lang sa napakaraming bituin.

"Ba't ka ba umiiyak?" Bigla niyag tanong na bumasag sa katahimikan. Gusto ko sana siyang sagutin ng 'Paki mo ba?' pero napaka rude naman nun, to think na binansagan kami na perfect lovers tapos heto ako nagpapaka emo dinaig pa ang namatayan.

"Wala lang, nag pra-pratice lang sa mata at naglilinis narin, isang taon narin kasi akong hindi nakakaiyak." Wow ang haba non ahh,pero anong magagawa ko sa maniwala at sa hindi kayo,ay pinasaya 'kuno' ako ni Timothy at kahit na kailan hindi kami nag-away nang matagalan, dahil gumagawa talaga siya ng paraan na magka ayos kami kaagad at maayos ang problema namin.



"Ahh so bakit mo sinabing 'Lord,akala ko ba mahal mo ang mga anak mo,ba't ngayon nasasaktan ako?Diba mahal mo ko?Tulong naman ohh,padalhan mo ko ng kahit anong sign,please!???' ohh sige paki explain nga dahil nalilito na ako." kong makapag utos parang close kami,di nga diba!??

"Wow,ang linis ng tenga mo ahh, tapos kuhang kuha mo pa lahat ng salitang binanggit ko, nag memo plus gold ka ba? Ang talas ng memory ahh." sagot ko nalang.




"Akala ko ba sinabi mong 'Maari mo ba akong samahan rito?'" pagbabanta niya. Ang kulit talaga ng lahi ng aong toh!? Now I wonder kong paano siya naging si Kustin Jake Cast, na ayon sa chismis, isang taong sa unang tingin mo palang mapapa-atras kana. Well masasabi ko lang mas magagalit ka pa sa tuwing makikita mo siya. Siguro naman hindi niya ipagkakalat kong sasabihin ko sa kanya diba!?Kahit ngayong gabi lang, magtitiwala muna ako sa lalaking di ko ganon ka kilala, saka kailangang kailangan ko lang talaga nang taong mapagsasabihan ngayon ng lahat lahat nang bigat na nararamdaman ko. Kasi dalawang importante ring tao ang nawala sa akin ngayon.




"We just broke up,because he and my bestfriend are........" Arrgghhh naunahan na naman ako ng mga luha ko. Patuloy lang sila sa pag-agos na parang isang gripong naiwang bukas, at habang umiiyak at patuloy ko ring sinasabi sa kanya ang mga nangyari. Habang ganon ako,tahimik lang siya na nakikinig at sa di malamang kadahilanan, naging maluwag narin ang pakiramdam ko. Di na nga namin alintana na gabing gabi na.

Searching Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon